"Don't tell me nagsunog kilay ka na naman kagabi, 'no?"
Tinaasan ko lang ng isang kamay si Heidi, a silent gesture to not disturb me.
"You look like shit."
Hindi ko siya makita dahil nakapatong ang ulo ko sa armchair habang ang noo ko ay nakapatong sa bisig ko. Sa palagay ko kararating lang niya.
"Leave me alone," I grumbled tiredly.
"Baliw ka ba? Not when our seats are next to each other."
"Then don't disturb me."
Ayaw ko ng magulo ngayon kasi kulang ako ng tulog. Alas dos na ako nakatulog para lang tapusin ang requirement ko kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit mukha akong zombie ngayon.
"Ano ba kasi ang ginawa mo bakit puyat ka?"
Gumalaw ang katabi kong upuan at naupo siya rito.
Dahan-dahan akong umayos ng upo at saka tumingin sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay, base sa nakikita kong ekspresyon, jinajudge niya ang kaitsurahan ko.
"Kagabi ko lang ginawa 'yong paper analysis at alas dos na ako nakatulog." Walang gana kong sagot habang lumilipad ang isip ko sa kawalan.
"And whose fault is that?"
I rolled my eyes at her cocky remark. "Wala kang kwentang friend," nakabusangot kong tugon.
Siya naman ngayon ang nag-ikot ng mga mata. "Ewan ko sayo. Midterm na natin next week. Gusto mo bang sumali sa group study?"
Pinaalala pa talaga sa akin ang tungkol doon. Nakaka-amaze kung gaano ka-consistent ang mga kaklase ko pagdating sa group study, though hindi ako sumasama sa kanila dahil mas gusto kong mag-aral mag-isa.
Umiling lang ako kasi totoo naman.
"May reviewer ka na?" Umiling lang ulit ako. "You're so hopeless. Bakit hindi ka nagtanong sa'kin?"
"You've been busy these past few weeks." I bit back.
"I am not anymore." May kinuha siya sa bag niya at saka nilabas ang isang USB drive. "Naka-pdf na'ng bawat file d'yan. Just look for the reviewer in each folder under the subject name."
Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Ngunit bago pa man ako makapagpasalamat sa kaniya, dumating na ang professor namin.
Ngayon kailangan ko na naman harapin ang panibagong pagsubok—ang sarili ko—to fight the sleepiness from overcoming my entire system.
Sabi ko na nga ba, e, duda ako.
Lahat ng pagmamagandang loob ng kaibigan ko ay palaging may kapalit. Binigyan nga ako ng copies ng mga reviewer pero ang kapalit naman ay ginawa akong utusan. I was so close to tearing every hair from my head for complying with Heidi's demand.
Pinapunta niya lang naman ako sa department ni Noe. It turned out kay Noe pala ito at kinakailangan niya ngayon dahil may presentation siya mamaya.
Sa tatlong taon ko dito sa university, pangalawang pagkakataon pa lang ito na magtungo ako sa CAS department. If you were wondering why I didn't come back after the first time, the answer was evidently there.
Pagkatapos ko nilakad ang ilang milyang kahabaan ng street, nakarating ako sa destinasyon ko. Tinext ko kaagad si Noe.
noe sumalangit ka: What? Akala ko ba mamaya mo pa ihahatid sakin?
Me: may pasok ako mamaya kaya ngayon nalang puntahan mo na ko dito sa ground floor pakibilisan
BINABASA MO ANG
Love Persist
Storie d'amoreAs the summer heat left and the monsoon season began, a new academic year was in full swing. Para kay Heaven, na isang college student, this meant another year of burying herself in academic pursuits. Despite her energetic personality and carefree a...