Kabanata 13 - Wisdom beckons us to embrace caution before taking the plunge.

631 25 4
                                    

Ang university intramurals ay isa sa mga event ng school na ina-anticipate ng karamihan sa amin. Una, malaya kaming makakapag-enjoy without worrying school requirements. Second, we regarded it as a "rainbow after the storm" because it marked the end of hell week. Finally, nagpapaalala ang event na ito na we were not just simply student here, kundi we were also talented and leaders that were ready to promote lasting friendships and memorable experience sa lahat ng involved ng program.

Kaya hindi ko pinapalagpas ang event na ito. To others it might be boring, but for me it was interesting and fun. Minsan na lang makakapag-enjoy, e, ipagkakait ko pa ba ang munting kasiyahan sa sarili ko. Pero hindi naman ako 'yong klase na enjoyer na mentally deranged and fanatic ng mga players. Bagama't nanonood ako ng sports games, I didn't really give interest to the players. I was a player before kaya siguro hindi ako masyadong gano'n ka-obsess sa mga manlalaro. Ang habol ko lang every intrams ay maglibot sa bawat booth kasi nandoon ang totoong thrill and enjoyment.

Nasa CEA department ako ngayon, sa mechanical engineering to be exact, at pansamantalang pinapanood ang mga estudyante na nakapila sa isang booth. I found out that their booth has a variety of games. Ang game na pinagkakaguluhan ng mga student ay buzz wire. There were two people playing since dalawang circuit ang nakadisplay sa tapat.

This looked fun.

I stayed in the front while watching the students play. Kahit na nanonood lang ako, nakakaramdam ako ng kaba at excitement every time the players attempt to guide the loop along the curved wire.

Napuno ng sigawan ang crowd dahil parehong na-fail ang dalawang challenger. Sayang, malapit na 'yon, e.

"Who's next—"

"Me! Me!"

A feminine voice shouted from the crowd. I couldn't see her yet kasi nasa hulihan siya and there were many people behind me.

"Please allow me to play!"

"You are late, Moli!" sabi ng babae na nagsusupervise ng game.

Nakita ko na lang na may nagtaas ng kamay, at papunta sa harapan. Isang babae ang huminto sa tabi ko at nakatayo na parang excited na subukan ang laro. Pinasadahan ko ng tingin ang babae. Napansin ko 'agad na mas matangkad ako sa kaniya. Her hair was blonde na medyo wavy at hanggang siko niya ang haba. Base sa suot niyang orange shirt na may print ng fox animal, she was from CEA department.

"Are you alone? Pair kasi ang game na 'to, e."

"Bakit lahat na lang ngayon by pair na?"

"Well, it's not our problem if you are still single. Maybe it's a sign that you should find a partner already."

Natawa ang ilan sa mga estudyante sa paligid. Pati ako hindi napigilan na magbitaw ng mahinang tawa. It wasn't intentional at all and I wasn't the only who laughed, yet sa akin napunta ang atensyon ng katabi ko.

Umiwas kaagad ako ng tingin at bumulong ng "Sorry," dahil baka na-offend ko siya.

I was surprised when she flashed me a smile.

"Wala kang kasama?" bigla niyang tanong.

Tinuro ko ang sarili ko. "Me?"

She nodded.

"W-wala. Why did you ask though?"

Mas lumawak lang ang ngiti niya. Muli niyang binalingan ang kausap kanina at hinatak ako sa braso ko. Sinasabi ng utak ko na tumakbo na pero hindi ko magawang kumawala sa kapit niya.

"She's willing to be my partner! We'll accept that challenge and take the big prize!"



Love PersistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon