01

3.3K 49 9
                                    

Chapter 01 
3rd Person's POV 
"Nagpapatawa ka ba? Sino naman magseseryoso sa panget na katulad mo?"

"Kung hindi ka lang mayaman hindi kita papatulan."

Parang binagsakan ng langit at lupa si Wax Frevas matapos marinig iyon sa pang-apat na naging boyfriend niya na ngayon ay ex niya na dahil nahuli lang naman ito ni Wax na nakikipaglampungan sa besfriend nito. 

Naiyukom ni Wax ang kamao matapos iyon marinig. Gusto niya maiyak pero masyado na siyang pagod para duon. 

Hindi na lang ito umimik at tumalikod sa kabila ng mga tawanan ng mga tao na nasa paligid niya. 

Iyon ang huling scenario na naalala niya sa huling naging boyfriend niya 'nong 2nd year highschool pa siya. 

Lahat ng naging boyfriend niya mga gwapo kaya sinumpa ni Wax na hindi na siya magmamahal ng gwapo. Hindi na din siya magbo-boyfriend at magfo-focus na lang sa pag-aaral katulad ng una nitong plano. 

"Oy bakla! Nabalitaan mo na ba ang dami ngayong transferee sa kabilang building tapos ang gagwapo!"

"Manahimik ka nga Chloe may boyfriend kana," bored na sagot ni Wax habang nakahalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana. 

"Gosh! Kung isa sa mga 'yon ang magiging boyfriend ko ibe-break ko agad si Ken hihi."

"Joke lang!" ani ni Chloe kay Wax matapos siya samaan ng tingin ng binata. 

Alam kasi ng babae na ayaw ni Wax sa cheater. Siguradong babalatan siya ng buhay ng kaibigan kapag sinubukan nito man-cheat. 

"Anyway, nasa labas sila ayaw mo tingnan?! Baka nanduon na ang destiny mo!"

Hinila-hila ng dalaga si Wax at inaaya sa labas. 

"Sinabi ko na Chloe hindi na ako interesado sa kanila."

"Ohmy! Don't tell me girl na din ang hanap mo?!"

Inismidan ni Wax si Chloe at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. 

"Pare-pareho lang naman sila. Mga mukhang pera."

Hindi maiwasan ni Chloe na mag-alala matapos makita ang lungkot sa mukha ni Wax. Matapos nga ang break na nangyari 3 years ago sa last boyfriend nito na si Gian Cuangco. Hindi na nakitaan ang kaibigan na nagkainteres pa sa ibang lalaki. 

Tao pa din ito alam niya naa-attract pa din ito pero hindi na ito iyong tipo na magmo-move o hahayaan ang ibang lalaki na mag-take ng one step pa palapit sa binata. 

Mabuting tao ang kaibigan. Tutulong ito hangga't kaya niya. May mabuti din itong puso pero karamihan sa mga taong iyon tini-take advantage na ang lalaki kaya dumating sa punto na unti-unti ng nagbabago ang kaibigan. 

Tumutulong pa din ito pero tuluyan ng nawala ang ngiti ng binata na lagi niyang nakikita. 

"Fine, kung ayaw mo na ng boys. Sige support kita prend. Basta lagi mo lang tatandaan na I'm always here okay. I'll support you no matter what happened."

Umupo ang dalaga sa tabi ni Wax na kinangiti ng binata. 

"Maraming salamat, Chloe. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka."

"Aww, ang sissy Wax ko," niyakap ni Chloe ang kaibigan na pareho na lang natawa sa drama nila. 

"Kung hindi lang ako aware sa gender orientation ni Wax. Siguradong pagseselosan ko na din siya."

"Si Wax niyayakap mo tapos ako bawal yumakap sa iyo?"

Pabiro na sambit ni Ken na basta na lang sumulpot sa classroom nila. Umismid ang babae at nag-cross arm matapos makita ang lalaki. 

Territorial Kings: Tamed By The Sexy GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon