32

608 12 0
                                    

Chapter 32 
3rd Person's POV 
"Ayos lang ba na mag-dress ka ulit?" tanong ni Wax matapos makita na nagbibihis si Apollo. Naka-dress ngayon ito na yellow at may suot na wig. 

"Ayaw mo ba na ganito ang tyura ko? Hindi kasi ako komportable na mag-face mask. Hindi naman din ako pwede gumala sa labas na hindi naka-disguise," ani ni Apollo na kinangiwi ni Wax. Umiling si Wax at humakbang palapit kay Apollo. 

"Mukha kang super model sa disguise mong iyan. I don't mind kung ganiyan ang disguise mo inaalala ko lang na baka hindi ka komportable," ani ni Wax. Iba kasi ang personality ni Apollo at bilang lalaki siyempre natural lang na mai-handle ang girly disguise niya since kailangan niya mag-act na parang tunay na babae. 

"Don't mind me. Sinanay ako sa ganito," sagot ni Apollo na kinatigil ni Wax. Hindi niya maintindihan kung anong sinanay. Hindi na siya nakapagtanong dahil hinawakan na ni Apollo ang kamay niya. 

Hindi naka-react si Wax dahil feeling niya ibang tao na naman ang kaharap niya kahit alam niya naman na naga-act lang si Apollo. 

Hinawakan ni Wax nang mahigpit ang kamay ni Apollo na kinatingin ng binata habang naglalakad sila patungo sa pintuan. 

"Ang ganda mo," natatawa na sambit ni Wax bago tumingala at tingnan si Apollo. Kahit lalaki kasi si Apollo tama lang ang katawan nito sa lalaki. Hindi ito puro muscle at talagang sexy ito para sa isang tunay na lalaki. 

"Babae na ba ngayon ang tipo mo?" tanong ni Apollo na kinatawa ng mahina ni Wax bago binuksan ang pintuan at lumabas. 

"Nope, kasi ikaw iyan. Kahit maging babae ka pa o lalaki malayong hindi kita magustuhan kung may ganiyan ka na mukha," natatawa na biro ko. 

"Thanks to my face, nagustuhan mo ako dahil may mukha akong ganito," banat ni Apollo na hindi alam ni Wax kung naasar ito o ano. 

Sa isip ni Wax sa mga time at pagkakataon na iyon imposibleng hindi niya mahalin si Apollo kahit pa ayaw niya sa babae at irita siya sa mga tunay na lalaki. Kung si Apollo iyon he don't mind kahit maging ano pa ito.

Chapter 33 
Wax Frevas's POV 
Hanggang sa makarating kami sa company. Hindi binitawan ni Apollo ang mga kamay ko. Madaming empleyado na lalaki napapatingin kay Apollo at sinasamaan ko sila ng tingin kaya agad naman sila nagsi-alisan. 

Madami naman sa babae ang parang napapantistikuhan habang nakatingin sa magandang babae na nakahawak sa kamay ko. 

Sinong hindi? kung makakakita ka 'man ng sobrang ganda na babae, maganda tapos mukha pang anghel then fiancee ng isang CEO na hindi naman kagwapuhan tapos mataba. 

'My god akala ko bakla si president. Tapos ang ganda pala ng fiance.'

'Sinabi mo pa, pero infairness sa girl. Hindi nahihiya hawakan si president sa kamay.'

'Gaga, manahimik ka nga, mabait naman si president kahit ano—'

Bumuga ako ng hangin. Paano pa kaya kung malaman nila na lalaki ang kasama ko at leader pa ng TK baka mag-suicide ang mga babaeng ito dahil sa inggit. 

Napatigil ako at napatingin sa kamay ko nang mapansin na nawala si Apollo. Ginala ko ang paningin ko sa paligid at napalingon ako ng makarinig ako ng tilian. 

Nanlaki ang mata ko matapos makita si Apollo na nasa harap ng mga babaeng empleyado na pinagbubulungan lang ako kanina. 

Agad ako lumapit at hinawakan si Apollo matapos makita na tinapunan niya ng cold coffee sa ulo ang dalawang empleyado. Hindi nagsalita si Apollo pero kitang-kita ko ang pandidilim ng mukha nito habang nakatingin sa mga empleyado. 

"Kayong dalawa— ini-expect ko na ang resignation letter niyo sa office ko. Umalis na kayo," sabat ni Chloe na palapit sa direksyon namin na dalawa. Napatakbo ang mga babaeng empleyado na kinangiwi ko. 

Tiningnan ko si Apollo pero inismiran lang ako nito at iniwan sa lobby. 

"Naku!  Sabi sa iyo tanggalin mo na ang mga empleyado mo na 'ganon eh," ani ni Chloe matapos tapikin ako sa balikat. 

"Hindi naman ako kasi basta pwede magtanggal ng empleyado," ani ko na kinataas ng kilay ni Chloe at nag-cross. 

"At bakit hindi? My god Wax. CEO kana at masyadong malaki ang opportunity sa lahat ng empleyado na makapasok dito. Hindi mo sila kailangan dito lalo na kung pati pagrespeto nila sa iyo hindi nila magawa," asik ni Chloe bago lumapit sa binata at bumulong. 

"Hindi mo pwedeng i-maintain iyang pagiging soft hearted lalo na kung magkakaroon ka ng asawa na katulad ni Apollo. Kapag naging husband and husband na kayo ni Apollo, hindi mo siya pwede basta ipamigay kung may taong humingi sa iyo. Matuto ka maging selfish minsan at isipin ang sarili mo," dagdag ni Chloe na may pagkadisgusto sa mukha.

"Anong ipamigay? Bakit ko ipamimigay asawa k—"

"Puno ka ng insecurities sa katawan, sobrang baba ng self confidence at masyado kang soft hearted. Hindi na tayo mga bata at one of this days 100% sure ako na maiintindihan mo ang ibig kong sabihin kapag pumasok na kayo ni Apollo sa tunay na relationship. Mula sa career, time, work at ang mga taong nasa paligid niyo mafe-feel mo na ang tunay na changes."

Hindi ako nakapagsalita— inikot ako ni Chloe pinatalikod sa kanya. 

"Sundan mo na ang future husband mo mukhang badtrip na talaga iyon sa iyo ang tagal mo dito," ani ni Chloe. Bago pa ako makapagsalita dali-dali ng umalis si Chloe habang nakataas ang kamao dahilan para iwasan ito ng iba pang empleyado. 

Napangiti na lang ako at naglakad patungo sa elevator. Siguradong nasa opisina si Apollo at mainit ang ulo sa akin. Mukhang manunuyo ako ng wala sa oras. 

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang botton kung saan nakalagay ang number papunta sa floor ng opisina ko. 

Wala pang dalawang minuto nasa palapag na ako ng opisina ko at sa harap ng pintuan. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan. 

Napatigil ako nang makita ko si Apollo na nakaupo sa swivel chair ko, naka-cross leeg at humihithit ng sigarilyo na kinangiwi ko. Pumasok ako at sinara ang pintuan. Nagtama ang mata namin ni Apollo pero imbis kausapin ako iniwasan ako ng tingin. 

"Apollo?" tawag ko bago lumapit sa direksyon ni Apollo at tumayo sa tabi nito. 

"CEO ka Wax, hinahayaan mong ganunin ka lang ng mga empleyado mo?" asik ni Apollo bago ako tiningnan. Umiwas ako ng tingin pero nagulat ako nang hawakan niya ang suot kong necktie at hilahin iyon. Naitungkod ko ang kamay ko sa lamesa nang mapayuko ako at ilapit ni Apollo ang mukha ko sa mukha niya. 

"Sa araw na ito alisin mo lahat ng empleyado mo na alam mong hindi ka nirerespeto dahil kapag ako ang gumawa 'non at sa pagpunta ko ulit dito— hindi lang trabaho ng mga empleyado mo ang mawawala dahil pati ang pamilya nila ilulubog ko hanggang sa pinakailalim ng lupa," ani ni Apollo na kinangiwi ko. Kung hindi ko nakita ang side na ito ni Apollo 'nong highschool ako matatakot ako. Natawa ako ng mahina at inangat ang isang kamay ko. 

Tiyaka ko na pagiisipan ang sinabi niya ngayon pagkatapos ko siya pakalmahin. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at hinalikan siya sa labi. 

Ayoko ng lasa ng sigarilyo, maanghang at mapait. Nalalasahan ko iyon pero agad din iyon nawala nang palalimin ni Apollo ang halik. 

Nawala sa isip ko ang lasa nang paupuin ako ni Apollo sa hita niya at hawakan ang magkabilang bewang ko habang patuloy ito sa paghalik sa mga labi ko.

Territorial Kings: Tamed By The Sexy GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon