49

498 12 0
                                    

Chapter 49 
Wax Frevas's POV 
Walang umimik sa amin ng makarating kami sa palapag ng hospital room. Katulad ng hiniling namin kay Keehan pinaakupahan niya ang buong palapag ng hospital para sa amin. 

Hindi ko din ini-expect na may mga decoration na din doon— may lamesang mahaba na puno ng pagkain at mga regalo. Napatingin ako kina Gaizer, Miguel at Chloe na mga nakasimangot. 

"T-Teka— akala ko ba magde-decorate pa lang tayo bakit—"

"Siyempre, surprise ito para sa groom. Naturally, nga kaibigan talaga ang nagpe-prepare ng mga ganito at hindi ang ikakasal noh," sagot ni Chloe bago ngumiti. 

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Chloe na sapo ang sinapupunan niya. Natutuwa ko silang niyakap na kinatawa nina Gaizer. 

"Mga loka kayo. Ang galing niyo umarte. Ibig sabihin mga props lang iyong nasa van," ani ko bago sila tiningnan. Ang dami nilang hinakot kanina— akala 

"Maraming salamat," nakangiti na sambit ko. Nag-cross arm si Miguel at tiningnan ako. 

"Sa susunod huwag ka ng magi-imbita ng mga 'ganon na tao. Nakakasira siya ng mood— dapat enjoy tayo ngayon pero dahil sa babaeng iyon sira na mood natin," asik ni Miguel na hanggang ngayon nanggigil pa din. 

After kasi ng gulo sa lobby at pagdating ng mga gwardya. Walang ginawa si Cara kung hindi laitin ako at sabihin na hindi niya hahayaan na maikasal ako kay Apollo at sirain ang buhay ni Apollo. 

"Guys, bridal shower ito ni Wax. Huwag natin hayaan na sirain ng negativity ang party na ito," ani ni Chloe na tinaas ang kamao at sumuntok sa hangin. 

"Mage-enjoy tayo ngayon," ani ni Chloe na kinatawa nina Gaizer. 

"Tara, Wax— check mo mga gift namin sa iyo," ani ni Gaizer bago ako sabay na hinila ni Chloe at Miguel. Palapit kami kung saan nakalagay ang mga regalo nang may makita akong bata na nakasilip sa likod ng poste. 

Nang magtama ang mata namin na dalawa agad ito nagtago. Naka-hospital dress ito at mula sa kinatatayuan nito kita ko ang pasimple muli nitong pagsilip. 

"Anong problema?" tanong ni Gaizer na kinatingin ko. 

"May nakita akong bata," ani ko bago nag-gesture na sandali lang. Humakbang ako palapit sa direksyon ng bata at saktong pagsilip nito ang pagyuko ko. 

"Hi!"

"Ahh!" Nanlaki ang mata ko ng mapaupo ito sa sahig dahil sa gulat napahawak ito sa dibdib na parang biglang nahirapan huminga. 

"Ohmygod! I'm sorry!" nataranta ako at agad inalalayan ang bata na kinatakbo nina Gaizer palapit sa akin. 

Mabilis na nag-abot ng tubig si Chloe at ininom iyon ng bata habang nakaupo. Hindi ko maiwasan mag-alala ng makita ko na nawalan ang ng kulay ang mukha ng batang lalaki. 

"Ayos ka lang ba? Papatawag na ba ako ng doctor?" may pag-aalala na sambit ko. Mabilis na umiling ang batang lalaki at tumingin sa amin. 

Nag-hand sign ito na kinatingin namin nina Chloe. Hindi kami marunong bumasa ng mga hand sign. Bumaba ang tingin nito ng makita na hindi namin siya maintindihan. 

"Hindi kami marunong bumasa ng hand sign pero ayos ka lang ba?" tanong ko. Tumingin ang batang lalaki at tumango. 

Tumingin ito sa direksyon kung nasaan ang mga hinandang regalo nina Chloe at lamess kung nasaan ang maraming pagkain. Tiningnan ko iyon bago tumingin ulit sa batang lalaki. 

"Gusto mo ba kumain?" tanong ko. Kuminang ang mata ng batang lalaki matapos marinig iyon. 

Napangiti ako at tinulungan siya tumayo— hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan. 

"Kung may kasama ka pa na ibang bata. Pwede mo sila papuntahin dito para kumain," natutuwa na sambit ko. Mabilis naman siya tumango at lakad-takbo na umalis. 

Umayos ako ng tayo at nilingon sina Miguel na napangiti na lang sa ginawa ko. Palihim ako nag-sorry na kinatawa lang nila. 

"Aww, isang anghel talaga ang prenny ko," ani ni Chloe na agad ako niyakap na kinangiti ko na lang. Hindi ko alam pero kay mga soft spot talaga ako sa mga bata. 

"Kayo kung may mga wierd stuff na nakalagay sa loob ng mga regalo na iyan. Pakihiwalay dahil siguradong pagi-interesan iyan ng mga bata," ani ko. Nanlalaki ang mata nina Gaizer at Miguel matapos marinig iyon. Agad umalis ang dalawa at pumunta sa direksyon kung nasaan ang mga regalo. 

Inalis nila lahat iyon at pinasok sa room ni Chloe na kinalaki ng mata ko. 

"What the heck," bulong ko na kinatawa ni Chloe. Hindi ako makapaniwala na adult stuff lahat ng iyon at tama ang hinala ko sa mga regalong binigay nina Chloe. 

Napasapo ako sa noo, wala akong maipapakita na mukha kay Apollo once na makita niya ang mga regalo nina Miguel. 

Sinita ko sila about doon pero tumawa langa ng mga ito at sinabing dapat buksan niya pa din iyon after ng party. Nagpaalam sandali sina Miguel at Gaizer na hindi ko alam kung saan pupunta. 

Maya-maya dumating na ang mga bata. 14 na bata lahat ng dumating. Lahat ang mga ito naka-hospital dress. Kuminang ang mata ng nga ito matapos makita ang mga pagkain. 

"Wait lang, mamaya kayo kakain kasi may ipapatawag si kuya na mga doctor. Itatanong ko muna kung safe sa inyo ang ganitong mga pagkain okay?" ani ko. May mga sumagot kaya natutuwa akong binigyan sila ng mga prutas na nandoon.

Maya-maya may dumating na doctor at nakita niya ang mga bata. Agad ako nagpakilala— mukhang ito ang taong nag-aasikaso sa mga bata since kilala ito ng mga bata. 

"Hindi mo kailangan mag-alala, healthy ang mga batang iyan. Pwede nilang kainin ang kahit na ano," may ngiti na sambit ng doctor— agad naman pinakain ni Chloe ang mga bata.

"Healthy, doc? Bakit sila nandito?" tanong ko na kinatingin ng doctor. 

"Sila ang mga batang tinutulungan ng hospital para maka-recover sa psychology problem nila. Karamihan sa mga batang iyan— hindi nakakapagsalita, hindi nakakarinig or nakakakita. Hindi dahil sa may kapansanan sila sa katawan," ani ng doctor na kinatahimik ko. Mukhang naiintindihan ko na ngayon ang sinasabi ng doctor. 

Nagpaalam sandali ang doctor at sinabing babalikan na lang niya ang mga bata. Tawagan agad siya kung may mangyari.

Tiningnan ko ang batang nakita ko kanina na kasalukuyang inaabutan ng pagkain ang isang batang babae na nasa anim na taong gulang lang. 

Lumapit ako sa bata at ngumiti— inabot ko ang hinahandang pagkain ni Chloe at inabot iyon sa bata na kinatingin ng batang lalaki. 

"Kumain ka na din," nakangiting sambit ko. Napatigil ako sandalo at agad lumambot ang expression matapos pumasok sa isip ko si Apollo. 

Ganito din minsan ang naging tingin sa akin ni Apollo 'nong iabot ko kay Apollo ang kamay ko 'nong nakita ko siya minsan na malungkot. 

Nag-hand sign ang batang lalaki pero kahit hindi ko ito nababasa. Sumagot ako at ngumiti base sa nababasa kong expression ng batang lalaki. 

"You're welcome," sagot ko na kinangiti ng batang lalaki bago kinuha ang hawak ko na plato.

Territorial Kings: Tamed By The Sexy GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon