Chapter 26
3rd Person's POV"When you look at me
When you look at me and smile
It feels like my heart will stop
How about you," mababa ang boses na kanta ni Apollo habang hindi inaalis nag mga mata sa mata ni Wax."It's really hard for me to handle
All day i think of you
We went in circles for a long time," kanta ni Apollo matapos umihip ang malamig na hangin at tila sumasabay ang ingay ng mga dahon sa boses ni Apollo."Oh every time i see you
When i see your eyes
My heart keeps fluttering
Your my destiny
The only person i want to protect until the end of the world." Hindi inalis ni Wax ng tingin kay Apollo hanggang sa sinukin siya na kinatingin ni Chloe. Tinaas ni Wax ang kamay sa harap ni Chloe at kumuha ng inumin sa sarili niyang bag.Hindi niya kinaya ang karisma na dala ni Apollo parang nag-iinit ang pisngi niya dahil sa boses at titig ng binata.
Nagtilian ang mga babae at kusang mga nagbigay ng daan nang bumaba si Apollo sa stage. Binaba nito ang hawak na gitara at kinuha ang mic.
"Don't leave me
Even if we can't see our futures
Will you believe in me
and wait for me." Napatigil si Wax nang makita na lumayo ang mga estudyante.Napatingin siya sa unahan at doon palapit sa kanya si Apollo. Napahagikhik si Chloe at hinila si Ken palayo kay Wax.
"Oh my one and only
Have i ever told you
That you are my everything," may ngiti sa labi na patuloy sa pagkanta si Apollo habang tinutungo ang daan papunya kay Wax.Parang gusto na tumakbo ni Wax dahil sa atensyon pero hindi niya maihakbang ang mga paa dahil sa lakas ng tibok ng puso niya at sa tingin sa kanya ni Apollo.
"Your my destiny
I want to protect you until the end of the world," dagdag ni Apollo ng ilang distansya na lang ang layo niya kay Wax."Baby ohohohoh
I want to love you
Ohohohoh
Your eyes, your smile,
Even your scent
Baby ohohohoh," sabay ni Keehan na sinegundahan ulit ni Apollo. Sa huling linya nang nasa harap na siya ni Wax yumuko ang binata."Remember
We are always together
I love you." Mababa ang boses na kanta ni Apollo at sa huling linya. Binulong niya iyon kay Wax na halos umakyat ang dugo sa mukha dahil sa ginawa ng binata.Natawa si Apollo ng mahina matapos makitang tumakbo si Wax palayo na agad hinabol nina Chloe. Pinaikot naman ni Apollo sa kamay ang hawak na mic habang nakangisi.
"Pasalamat ka nasa loob tayo ng university," bulong ni Apollo na may nakakalokong ngiti bago nakapamulsahan na humakbang pabalik sa stage. Pinaglalaruan nito ang mic sa isang kamay habang ang isang kamay naman nito ay nasa bulsa.
—
"Nakakahiya! Gosh!" ani ni Wax habang pinapaypayan ang sarili gamit ang notebook na hawak at nasa loob ng room.Halos lahat ng estudyante 'nong tumatakbo siya kanina sinusundan siya ng tingin. Feeling niya anytime sasabog ang dibdib niya sa lakas ng tibok 'non dahil kay Apollo.
"Prenny! Bakit ka biglang tumakbo? Nakakaloka ka," ani ni Chloe kasunod si Chloe na naghahabol ng hininga matapos silang habulin na dalawa.
"Nakakahiya," ani ni Wax matapos isubsob ang sarili sa lamesa ng upuan niya.
"Anong nakakahiya? Ang sweet kaya! Kinaiinggitan ka ng lahat ng girls dito sa university dahil sa ginawang panghaharana ni Apollo sa iyo," ani ni Chloe na kinikilig na umupo sa harapan ni Wax.
"Practice lang iyon anong harana sinasabi mo, kakantahin nila iyon bukas," nahihiya na sambit ni Wax na kinatinginan nina Chloe at Ken.
"Hindi naman iyon ang kakantahin bukas ng TK. Ako kaya nag-asikaso ng schedule bukas," ani ni Chloe na kinatango-tango ni Ken.
"Para talaga iyon sa iyo," sabat ni Ken na pangisi-ngisi lang.
"Prenny masanay kana. Hindi yata nauubusan ng sweetness ang future boyfriend mo kaloka," dagdag ni Chloe na hinila-hila ang kamay ni Wax.
"Teka, Wax wala ka bang balak sagutin si Apollo?" tanong ni Ken na kinatigil ni Wax. Tiningnan ni Wax si Chloe at Ken bago bahagyang yumuko.
"Naghahanap pa ako ng tiyempo at isa pa hindi naman nagtatanong si Apollo," bulong ni Wax na kinatili ng dalaga.
"Ohmygosh! In love ka na kay Apollo! For real?" Nanlalaki ang matang tanong ni Chloe habang excited na nakatingin kay Wax.
"Shhh! Ang ingay mo. Baka may makarinig," saway ni Wax na kinangiwi ng dalaga.
"Prenny, sino pa ba ang hindi nakakaalam ng relationship niyo? Alam na ng buong ka-schoolmate natin dito sa campus ang pagiging head over heels sa iyo ng leader ng TK," ani Chloe na may nakakalokong ngiti.
"Sang matamis na 'oo' mo na lang ang hinihintay ng lahat at ni Apollo, huwag ka ng pa-choosy," biro ni Chloe.
—
Kinabukasan, simula ng umaga. Hindi na nagkakitaan sina Apollo at Wax. Naging busy si Wax sa pag-assist sa student council president at pag-organize ng mga event.Habang ang TK naman ay matapos mag-perform ay mas piniling mag-stay sa classroom nila dahil sa dami ng mga estudyante na galing sa ibang university na dumating at hinahanap sila.
Karamihan dito nga fans nila na uma-attend ng mga gig 'nong nagsisimula pa lang sila at ang iba naman ay galing sa dati nilang school.
"Arggh! Kaasar! Imbis nakakapunta pa ako sa ibang booths nandito ako nakakulong," asar na sambit ni Elliseo.
"Booth ba talaga iniisip mo ang mga pambabae mo," basag ni Jaxon na kinataas ni Elliseo ng gitnang daliri.
"How about mag-disguise na lang tayo?" ani ni Keehan na kinatingin sa kanya ng lahat. Tinuro ni Keehan ang mga gamit na nasa kahon.
"Holloween party ito mga pre. Pwede tayo mag-maskara," dagdag ni Keehan. Nagkatinginan silang lima bago isa-isang tumayo at lumapit sa kahon.
"Sigurado ba kayong magsusuot tayo ng ganito?" tanong ni Jaxon na nakangiwi matapos itaas ang kapa na nadampot.
Kumuha si Apollo ng face mask sa lalagyan, nagpalit ng puting longsleeve at kinuha ang pekeng latigo na nasa kahon na mukhang para sa mga props.
"Sinong pino-portray mo leader?" tanong ni Keehan habang nakatingin kay Apollo na sinasara ang mga butones ng puti niyang longsleeve.
"May nakita akong ganito sa magazine na nasa room ni Elliseo," sagot ni Apollo. Napatingin si Elliseo na kasalukuyang naghahalungkat sa kahon matapos marinig ang pangalan niya.
Napaubo si Elliseo matapos makita ang tyura niya ni Apollo at ang hawak nitong pekeng latigo.
"Tangna, baka sinasabi mo is 'yong main character sa fifty shades of gray?" ani ni Elliseo na may hindi makapaniwalang expression dahil doon may lumipad na boots sa mukha ni Elliseo na kinamura ng binata.
"What the heck, Vergara! Ang sakit tangna," ani ni Elliseo habang hinihimas ang mukha.
"Bakit ka nagtatago ng 'ganong magazine sa kwarto mo?"
"Dude, hindi na tayo mga bata at normal ang sa mga teenager na katulad natin ang ma-curious sa 'ganon."
"Talaga lang ah, fifty shades of gray," sarkastiko na sambit ni Grim.
"Ano bang klaseng magazine iyon, leader? Mga super hero ba?" tanong ni Keehan kay Apollo nagsusuot ng mask.
"Bakit hindi niyo itanong kay Grim at Elliseo mukhang silang dalawa ang may alam kung ano iyon," sagot ni Apollo na kinataas ni Elliseo ng kamay matapos siya tingnan ni Keehan.
Alanganin natawa si Elliseo at tianwag si Apollo na dali-daling lumabas ng classroom para puntahan si Wax.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: Tamed By The Sexy God
Genel KurguBlurb "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay Grimore, pero naiinis na talaga ako sa ginagawa mo!" "How many times I'll tell you na hindi ko kailangan ng mga ito!" Binato lahat ni Wax Frevas ang bulaklak at chocolate na personal na binigay ni A...