Chapter 35
3rd Person's POV
Pumasok si Wax sa kwarto kung saan siya lumabas kanina. Nakita nga niya doon si Apollo ngunit may hawak itong beer. Agad lumapit sa binata si Wax at kinuha nito ang hawak na beer ni Apollo."Masama sa katawan ang alak, Apollo at bawasan mo din ang paninigarilyo ko."
"Kailangan ko iyan para kumalma," sagot ni Apollo na may pagkadisgusto sa mukha. Hindi nakasagot si Wax dahil hindi niya nakita ang ganitong side ni Apollo 'nojg highschool sila pati ang mga habit nito.
Niyakap ni Wax si Apollo sa bewang matapos ibaba ang beer at sigarilyo ni Apollo sa study table.
"I'm sorry kung nairita na naman kita. Ayoko lang ng sobrang bongga na kasal. I don't mind kung saan naman tayo ikakasal as long as ikaw ang papakasalan ko kahit pa sa sementeryo tayo ikasal ayos lang sa akin," ani ni Wax bago tiningala si Apollo.
Mukhabg hindi pa din ito satisfy kaya natawa si Wax.
"How about iyong reception gusto ganapin sa isang orphanage, mapagbibigyan mo ako?" tanong ko na kinatingin ni Apollo sa mga mata ko.
"Orphanage?" ulit ni Apollo na kinatango ko.
"Doon sa lugar kung saan nagdo-donate ang TK. Kayo mismo nagpatayo 'non diba? Doon ko gusto ang reception," sagot ni Wax na may ngiti sa labi.
"Iyon talaga gusto mo?" tanong ni Apollo na kinatango-tango ng binata.
"Mayaman ka naman kaya siguradong madami kang maihahanda na pagkain para sa lahat. Magiging mahirap ang preparation dahil nandoon lahat ng miyembro ng TK pero magagawan mo naman nv paraan diba?" tanong ni Wax lumiwanag ang mukha ni Apollo na agad hinawakan ang balikat ni Wax.
"Yes! Papa-ayos ko agad ang lugar na iyon para sa wedding reception natin," sagot ni Apollo na kinatawa ni Wax.
"Okay, huwag ka ng magalit okay? Sabi ko naman sa iyo magsasabi ako kung may gusto ako diba?"
"Hindi naman ako galit. Frustrated yeah, pero hindi ako galit sa iyo," ani ni Apollo bago marahang hinaplos ang pisngi ni Wax.
Wax Frevas's POV
Gumusot ang mukha ko. Ako lang ba o talagang dinidedma ako ng babaeng ito sinabi na ni Apollo na ko mamimili ng gusto ko para sa kasal naming dalawa pero si Apollo pa din lagi niyang tinatanong."Mygosh! Prenny! Nakakaloka itong lagi ng palasyo mo." Napatingin ako sa pinaka-entrance ng greenhouse matapos marinig ang boses ni Chloe kasunod ang isang butler.
"Ay bongga may pa-greenhouse pa," ani ni Chloe. Tumayo ako mula sa kinauupuan at nilapitan si Chloe na kasalukuyang ginagala ang paningin sa greenhouse.
Paano nakarating dito si Chloe sa pagkakaalam ko hindi ko naman pinatawag dito si Chloe.
"Chloe anong ginagawa mo dito?" tanong ko bago lumapit kay Chloe na agad kumuha ng mga litrato.
"Malamang inimbitahan ako ng future husband mo. Kaloka ang influence ng asawa mo ah, sinipa ako ng director sa company dahil lang sa favor ng asawa mo kaloka," ani ni Chloe na kinalaki ng mata ko.
"Para saan?" tanong ko. Napatigil ako ng mag umakbay sa balikat ko kaya napatingin ako.
"Para matulungan niya din tayo sa pag-prepare ng kasal natin. Pumayag naman siya don't worry. Hindi ko naman 'yan biglang pinakaladkad dito."
"Tama! Sinong makakatanggi sa offer ng asawa mo kung magiging sponsor siya sa pag-aaral ng magiging inaanak niya hanggang college," sagot ni Chloe na kumikinang ang mata. Ohmygod, parang gusto ko biglang kurutin sa pisngi si Apollo.
"Ika—"
"Gift ko na iyon sa magiging inaanak natin since balak tayo kuhanin nina Chloe bilang ninong."
"Nakakaloka ka Apollo," ani ko na kinanangiti ni Apollo bago ako pinisil pisngi.
"Kausapin ko lang si Cara about sa reception. Maiwan ko muna kayo dito," paalam ni Apollo bago tumalikod at lumapit doon sa Cara na nakatingin lang sa amin. Nang magtama ang mata namin ngumiti ang babae at umirap na kina-pokerface ko.
"Hey prenny, anong feeling ng maging future husband ng isang Apollo Grimore?" tanong ni Chloe na kinatingin ko.
"Feeling ko? Nakakaloka," sagot ko na kinatakha niya. Kinuwento ko sa kanya ang naging madalas namin na pagtatalo.
Bigla itong tumawa ng sobrang lakas na kina-pokerface ko.
"Masyado kang happy," komento ko. Pilit naman pinigilan ni Chloe ang pagtawa at tinakpan ang bibig.
"Sorry, bakit kasi hindi mo na lang hayaan si Apollo?" tanong ni Chloe na kina-pokerface ko.
"Hayaan na ano? Kapag sinabi ko yata na gusto ko gawan niya ako ng rebulto sa moon at gusto ko ng sariling space ship hindi ako magdadalawang salita at gagawin niya agad."
"Bihira lang iyon sa isang guy at walang imposible sa magiging asawa mo. My god, Prenny, isang Apollo Grimore ang mapapangasawa mo," ani ni Chloe na kinatahimik ko.
Umupo ako sa bench at nilingon si Chloe na umupo sa tabi ko.
"Pero hindi naman iyon makakapagpasaya sa akin. Ang gusto lang ni Apollo ibigay sa akin ang lahat ng makikita niya at maari kong makuha pero hindi naman iyon ang gusto ko," sagot ko na kinatingin sa akin ni Chloe.
"Then explain mo lahat kay Apollo ang iniisip mo. Actually nakausap ni Ken si Apollo kagabi. Tumawag kasi si Apollo at sinabi ni Apollo na hindi ka niya maintindihan."
"Gusto ni Apollo ng memorable na kasal at ibigay iyon sa iyo pero ayaw mo daw. Kahit maliliit na bagay dapat niyong pag-usapan Wax, kami nga ni Ken simula ng highschool magka-inrelationship na kami."
"I mean sobrang tagal na namin magkakilala then after ng kasal nabigla kami pareho kasi hindi namin alam ang parehong paborito ng bawat isa. Katulad ng mga decorations like gusto ni Ken dark blue pero gusto ko naman sky blue. Ang alam namin pareho 'nong highschool pareho namin favorite color ang blue, nakakatawa diba?"
Tiningnan ko si Apollo na seryosong nakikipag-usap kay Cara habang may hawak na brochure.
"Actually, nabibilisan ako sa mga nangyayari— natatakot ako Chloe pero tuwing nakikita ko si Apollo at alam ko na ginagawa niya lahat for me. Nakakalimutan ko na 4 days ago lang siya dumating at out of the blue siya nag-propose 8 years ago," ani ko na natatawa. Napatingin sa akin si Chloe, nilingon ko siya at ngumiti.
"Natatakot ako pero tuwing naiisip ko na may ilang years pa kaming pagsasamahan ni Apollo at maari ko pa siyang makilala sa mga panahon na iyon. Unti-unting nawawala takot ko, malalaman ko din kung anong favorite color niya, favorite food, saan siya allergy, favorite perfume niya at anong blood type niya," ani ko na kinangiti ni Chloe bago hinawakan ang kamay ko.
"Tama iyan. Think positive, malayo-layo pa lalakbayin niyo ni Apollo pero magtiwala ka lang at magpakatatag. Matuto ka din bugawin ang mga langaw na umaaligid sa future husband mo."
"My god kanina pa sumasakit mata ko sa kasama niyang babae— di ko feel ang presence niya," ani ni Chloe matapos inguso si Cara na kausap si Apollo.
Speaking of Cara, naiinis ako sa kanya as if siya ang ikakasal bawat sabihin ko na theme ng gusto kong kasal kinokontra niya.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: Tamed By The Sexy God
BeletrieBlurb "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay Grimore, pero naiinis na talaga ako sa ginagawa mo!" "How many times I'll tell you na hindi ko kailangan ng mga ito!" Binato lahat ni Wax Frevas ang bulaklak at chocolate na personal na binigay ni A...