Chapter 48
3rd Person's POV
Inimbita din ni Wax si Cara na kinaapila ni Gaizer matapos malaman. Tumawa lang si Wax matapos makita ang pagkadisgusto ni Grim matapos malaman iyon.Nararamadaman kasi ni Gaizer na walang magandang gagawin ang babaeng iyon kaya hindi niy maiwasan mag-alala kay Wax.
"Inimbita mo si Cara?" tanong ni Apollo matapos abutan si Wax ng hot chocolate. Pilit naman na umupo si Wax habang nakabalot sa kumot at kinuha ang hot chocolate sa kamay ni Apollo.
Kinain din ni Wax ang inabot na sandwitch ni Apollo dahil biglang siyang nagutom sa exercise nila ni Apollo. Umupo si Apollo sa gilid ng kama at tiningnan si Wax na parang bata na kumain.
Gutom na gutom na ito at aminado siya na siya ang may kasalanan 'non na kinatawa ng mahina ni Apollo.
"Naiisip ko kasi wedding planner natin si Cara at kaibigan mo siya kaya ini-invited ko siya," ani ni Wax na kinabuga ng hangin ni Apollo.
"Hindi mo siya kailangan i-invite kung hindi ka komportable sa kanya. Hindi ko din siya kaibigan, sa ina niya ako may malaking utang na loob hindi kay Cara kaya hindi mo kailangan i-obliga ang sarili mo na mapalapit sa kanya," ani ni Apollo na kinatingin ni Wax.
"May alam ka ba?" tanong ni Wax na kina-pokerface ni Apollo.
"24/7 may nagre-report sa akin at baka nakakalimutan mo kung kaninong teritoryo ang lugar na ito. Hindi lang ako nangingialam dahil hindi ka niya sinasaktan pero once na galawin ka niya. Kakalimutan kong anak siya ng babaeng nirerespeto ko at ibabalik ko siya kung saan siya nanggaling," bored na sagot ni Apollo na kinangiwi ni Wax.
"Hindi naman niya ako sinasaktan don't worry," ani ni Wax. Inangat ni Apollo ang isang kamay niya at sinuklay ang buhok ni Wax.
"Before ang kasal natin papakilala kita sa nanay ni Cara. Compare kay Cara mas mabait si Nanay Carol. Para ko na din siyang nanay at sobrang laki ng respeto ko sa kanya," ani ni Apollo na kinangiti ni Wax.
"Excited na din ako makilala siya," ani ni Wax na may ngiti at excitement sa expression. Maya-maya bumagsak ang balikat ni Apollo at napasapo ito sa noo.
"Anong problema? Masakit ba ulo mo?" tanong ni Wax na kinailing ni Apollo. Gusot ang mukha nitong tiningnan si Wax.
"Takas na lang kaya kita bukas. Ayoko pumunta sa groom shower kung ano 'man iyon," ani ni Apollo na kinatawa ni Wax.
"Isang araw lang iyon at last na party mo na iyon as a single kaya dapat i-enjoy mo," ani ni Wax na parang nagche-cheer pa. Kung talagang masayang maging single hindi na ako magpapakasal," basag ni Apollo na kinangiwi ni Wax.
"Kj mo talaga!" tumatawang sambit ni Wax kalaunan na kinataas ng gilid ng labi ni Apollo.
Para kay Wax isa iyon sa masasayang gabi nila nila ni Apollo. Pagkatapos niya kasi mag-midnight snack kunwentuhan na lang siya ni Apollo tungkol sa ilang memories nila ni Wax 'nong highschool.
Pinakikinggan lang ni Wax ang boses ni Apollo habang nakahiga siya sa braso ng binata— hanggang sa antukin siya at makatulog.
Kinaumagahan, late na nagising si Wax dahil hindi siya ginising ni Apollo na siguradong na-late din sa usapan ng grupo.
Nang makarating si Wax sa labasan nandoon na sina Gaize, nagpapasok ng mga gamit sa van. Agad nag-sorry si Wax at si Cara lang ang tanging umapila.
"Paimportante, alam mo ba kung ilang oras na kami naghihintay dito," asik ni Cara na kinangiwi ni Wax.
"Sorry na nga eh. Napasarap tulog—"
"Hindi mo kailangan mag-explain sa kanya Wax, hindi lang naman siya naghintay dito," putol ni Miguel na may pagkadisgusto ang mukha at nilingon si Cara.
Sa ilang oras na pagtambay nila doon— alam na ni Miguel kung bakit sobrang iritado dito si Gaizer. Wala na itong ginawa kung hindi magreklamo at sa isip ni Miguel kung hindi lang ito babae binusalan niya na din ng hawak niyang basahan ang bibig ng babae.
Inismiran sila ng dalaga at sumaky sa van. Pabalya nitong sinara ang pintuan na kinagusot ng mukha ni Miguel.
"Request lang, pwede ba dumaan muna tayo sa simbahan ngayon magbabawas lang ako ng kasalanan. Feeling ko sandamakmak na naman ang kasalanan ko kahit kasisimba ko lang kahapon dahil sa babaeng iyan. Susubukan ko lang din paliguan iyan ng holy water at palaklakin baka sakaling mabawasan ng konti ang tabas ng sungay ng impaktitang iyan," asik ni Miguel na hindi alam ni Wax kung namatatawa siya o ano.
Pikon na pikon kasi ang binata habang inaaya ng suntok ang dalaga na nasa loob ng van. Natatawa na lang naman si Gaizer na sinara ang compartment sa likod ng van at tiningnan si Wax.
"Kung ayos kana, tara na," may ngiti sa labi ni Gaizer.
"Tara na!" excited na sambit ni Miguel. Binuksan na ni Miguel ang pintuan ng van. Napatigil lang ito sa pagsakay matapos may humintong van hindi kalayuan sa van nila.
Bumaba ang bintana at doon kumaway sina Keehan. Nakita din ni Wax si Apollo na nasa passenger seat— ngumiti lang matapos makita si Apollo.
Bumuka ang bibig ni Apollo at bumulong ng iloveyou. Nag-flying kiss lang si Wax biglang sagot na kinataas ng gilid ng labi ni Apollo.
Kumaway sina Gaizer nang umandar na ulit ang itim na van. Napairap na lang sa kawalan si Cara dahil sa mga nakitang scenario kanina.
—
"Ayoko talaga ng amoy ng hospital. Gosh, hindi ako makapaniwalang dito mo balak mag-celebrate ng bridal shower, nakakasira ka ng image ni Apollo," reklamo ni Cara ng dalhin sila ni Wax sa hospital kung saan gaganapin ang bridal shower niya.Patuloy lang sa pagrereklamo si Cara hanggang sa singhalan ito ni Miguel.
"Pwede ba manahimik ka! Kung ayaw mo um-attend manahimik ka na lang at umalis! Nakakasira ka ng mood!" bulyaw ni Miguel na kinatingin ng mga taong nasa ibabang palapag ng hospital. Pinigilan naman siya agad ni Wax at sinabing kumalma.
"As if naman gusto ko talaga pumunta dito! My god ano pa bang ini-expect ko sa cheap na taste ng bakla—"
"Miguel!" sigaw ni Gaizer at Wax nang itulak ni Miguel ang babae dahilan para mapaupo si Cara sa sahig.
"Kanina pa ako nagtitimpi sa iyo. Kung hindi ka lang babae kanina ko pa hinila iyang dila mo at tinapakan iyang eye balls mo. Akala mo naman talaga magugustuhan ka ni Apollo?"
"Hoy babae kung ikukumpara ang kagandahang loob ni Wax. Walang-wala iyang mukha mo na meron ka. Hindi ka magugustuhan ni Apollo," panlalait ni Miguel. Napatayo si Cara at susugurin nito si Miguel nang humarang si Wax.
"Tama na! Huwag kayong mag-away!" ani ni Wax habang pinipigilan si Cara.
Hanggang sa may humila ng buhok ni Cara na kinagulat nina Wax.
"Aray ang buhok ko!"
"Chloe!" ani ni Wax na agad pinigilan ang babae at pilit na inaalalayan si Chloe na agad dinaluhan nina Gaizer.
"Ang kapal ng mukha mo magpakita dito! Tapos makikita ko pa sinasaktan mo friendship ko!'
"Mygod, Chloe! Buntis ka!"
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: Tamed By The Sexy God
Художественная прозаBlurb "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay Grimore, pero naiinis na talaga ako sa ginagawa mo!" "How many times I'll tell you na hindi ko kailangan ng mga ito!" Binato lahat ni Wax Frevas ang bulaklak at chocolate na personal na binigay ni A...