Chapter 40
3rd Person's POV
Literal na napanganga ang mga katulong at butler na mga nandoon matapos makita ang TK na mga nakasuot ng pambabae. Muntikan pa sila mabaril ng mga gwardya na si Apollo mismo ang nag-hired."Ayos lang ba nakita nila tayong ganito?" tanong ni Keehan kay Apollo na hawak ang phone niya.
Tinutukoy ni Keehan ang mga tauhan na kasama nila sa bahay.
"Galing sila sa isang agency at wala silang mga sariling phone. Hindi niyo kailangan mag-alala," sagot ni Apollo bago tiningnan si Jaxon na napamura matapos matapilok dahil sa heels nito na suot.
"Elliseo, iyong bra mo nasa tiyan mo na," ani ni Keehan na kinatakip ni Elliseo sa dibdib niya.
"Bakit hindi mo kinabit?" tanong ni Apollo. Napangiwi si Elliseo.
"Masikip at isa pa hindi ako komportable. Paano ito nasusuot ng mga babae. Bukod sa masikip ang kati," ani ni Elliseo. Napasapo sa mukha si Apollo ng itaas ni Elliseo ang dress niya at ipasok ang kamay sa loob 'non para abutin ang bra niya na nasa ibaba na ng dibdib niya.
Halos umakyat naman ang dugo sa mukha ng mga babaeng nasa living room matapos makita ang ginawa ni Elliseo.
"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni Grim na kinatingin nina Elliseo. Nakasuot na simpleng itim na t-schirt dress si Grim. Nakatali ang itim nitong wig na bumagay sa medyo pale niyang mukha at dark red nito na lipstick. Tinernuhan ito ng kitten heels. Habang si Keehan naman ay nakasuot ng halter dress na kulay violet na bumagay sa baby face nitong mukha, naka-pony tail ang dark brown wig nito na buhok at hindi naglagay ng kahit na anong make up.
Nakasuot naman ng isang wrap dress si Elliseo na kulay asul, nagsuot ng wig na hanggang balikat at kasalukuyan nitong hawak ang sariling bra. Habang si Jaxon naman ay nakasuot ng simple A line dress na pula na tinernuhan niya ng wig na blonde.
"Fuck it! Huwag mong sabihin na hahawakan mo lang iyan Revolledo?" hindi makapaniwala na sambit ni Jaxon matapos ituro ang hawak na bra ni Elliseo.
"Pwede ba ipatong ko na lang ito sa dress ko?" tamong ni Elliseo kay Apollo.
"Kung gusto mo maging laughing stock sa labas sige lang," sagot ni Apollo. Lumapit naman si Jaxon at Keehan kay Elliseo na nagpapadyak na sa inis dahil dress na suot niya.
Pagkatapos ng isang oras nilang pag-aayos— halos wala ng energy na pumasok sa loob ng sasakyan ang TK.
"Ngayon alam ko na kung bakit tumatagal ang mga babae sa dressing room."
"Hindi naman talaga matagal magbihis. Engot ka lang talaga Elli boy, magkakabit lang ng bra inaabot ka na ng 30 minutes," asik ni Jaxon na feeling niya nawalan na siya ng energy sa katawan dahil sa kawalanghiyaan ng isa sa mga ka-member niya.
—
"Na-track mo na location nina Wax?" tanong ni Grim kay Apollo."Yes, nasa mall sila ngayon," sagot ni Apollo na nakatingin ngayon sa phone niya.
"Kinakabahan ako, sigurado ba kayong hindi tayo makikilala?" tanong ni Keehan na kasalukuyang tinitingnan ang sariling reflection sa hawak niyang phone.
Maya-maya nakarating na sila sa parking lot ng mall. Binuksan ni Apollo ang pintuan ng van at naunang lumabas. Nakasuot si Apollo ng Empire waist pink dress, nakatali ang buhok nito ng puti na ribbon at nakasuot ng stilleto ba bumagay sa maamong mukha ni Apollo.
Naagaw ng lima ang atensyon ng lahat pero wala sa mga ito ang nakakilala sa kanila. Napahawak si Keehan sa braso ni Jaxon nang mapatingin sa kanila ang mga tao sa paligid.
'Mga artista ba sila?'
'Pre mga chix.'
Napangiwi si Elliseo ng matapilok siya. Agad siya nahawakan ni Grim nang masusubsob ito.
"Huwag kang yuyuko, gago," bulong ni Grim. Inayos ni Elliseo ang tayo at sinubukan ulit maglakad. So far wala pa naman natatapilok pero madaming nababangga na lalaki sa salamin or sa trashbin dahil sa pagsunod ng tingin sa lima.
Tumingin-tingin sa paligid ang lima para hanapin ang manager at si Wax. Sumakay sila sa escalator then sa likod ni Keehan may matandang lalaki. May hawak itong phone at kunwari nahulog.
"Excuse me," ani ni Jaxon. Nanlaki ang mata ng matanda at napasigaw matapos iyon tapakan ni Jaxon kasama ang kamay ng matanda.
Napalingon si Jaxon at agad nag-sorry, nagpigilg ng tawa si Keehan na mukhang may idea na siya kung bakit tinapakan iyon ni Jaxon. Nang susugurin ng matanda si Jaxon may humila sa matandang lalaki mula sa likod.
Hinawakan nito ang kwelyo ng matandang lalaki at naiangat ni Grim gamit ang isang kamay.
"Bitawan mo ako!"
Nagkaroon ng gulo. Napa-pokerface si Grim.
"Eh di bitawan!"
Tumabi si Apollo nang hilahim ni Grim ang lalaki papunta sa likuran niya at sipain ito pababa. Napatili ang ilang babae pero lumayo lang ang mga ito.
"Apollo, sina Wax," bulong ni Keehan. Nahila ni Jaxon si Keehan at napatakbo naman sina Elliseo pataas ng escalator matapos makita na nasa ibaba sina Wax.
"Parang narinig ko boses ni Keehan," ani ni Gaizer na ginagala ang paningin. Napatingin sila sa escalator na nasa taas ng bahagi matapos makakita ng madami doon na tao.
"May naipit ba sa escalator?" tanong ni Wax habang may hawak na paper bag.
"Imposible naman iyon," natatawa na sagot ni Gaizer.
"Tara, doon naman tayo sa isang shop. Baka may magustuhan ka na design doon," ani ni Gaizer bago tinuro ang isa pang shop hindi kalayuan sa kinatatayuan nila.
Mula naman sa itaas. Nakasilip ang TK nakahinga naman ng maluwang lima matapos hindi sila mapansin ng dalawa.
"Babalatan tayo ng buhay nina manager kapag nakita tayo," ani ni Keehan na nakasilip sa ibaba.
"Tara na bumaba na tayo pero mas mabuting gumamit na tayo ng hagdan," ani ni Apollo matapos ituro ang direksyon kung nasaan ang hagdan pababa. Nauna si Grim na sinundan lang din ng apat.
"Hindi ba tayo habulin ng mga gwardya. Mukhang napuruhan mo iyong matanda," bulong ni Keehan kay Grim.
"Madaming nakakita sa nangyari," sagot ni Grim na kinalingon ni Keehan sa mga kumpulan ng mga tao. Nakita nga ni Keehan na binitbit ng mga gwardya ang matandang lalaki.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: Tamed By The Sexy God
Fiksi UmumBlurb "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay Grimore, pero naiinis na talaga ako sa ginagawa mo!" "How many times I'll tell you na hindi ko kailangan ng mga ito!" Binato lahat ni Wax Frevas ang bulaklak at chocolate na personal na binigay ni A...