Chapter 31
3rd Person's POV
"Ayos lang ba na sumunod ka sa akin? Hindi ka ba hahanapin ng mga kabarkada mo?" tanong ni Wax kay Apollo na nakahawak sa kamay niya habang palabas ng company.Naka-disguise ito na babae at kung hindi lang ito magsasalita, hindi ito mapaghahalataan na lalaki.
"Nasa Afghanistan pa sila. Nauna lang ako dito kasi gusto na agad kita makita," sagot ni Apollo na kinatingin ni Wax.
"Ibig sabihin bumyahe ka mag-isa?" tanong ni Wax na kinatingin ni Apollo.
"Not really, kasama ko bumayahe ang anak ng CEO ng management kung saan ako naka-contract ngayon. Hinatid niya ako sa airport gamit ang private plane," sagot ni Apollo na kinatakha ni Wax. Napatanong sa isipan ang binata dahil sa idea na ginawang piloto ni Wax ang anak ng CEO at gumamit pa ito ng private plane para maihatid si Apollo.
—
"Ano? Umalis na si Apollo?" ulit ni Gaizer Marshall matapos hanapin si Apollo sa hotel room kung saan kasalukuyang nanatili ang pansamantala ang TK."Ano pa bang ini-expect natin? Ngayong tapos na ang world tour unang babalikan 'non sa pilipinas ang future husband niya," ani ni Keehan na kasalukuyang nakahilata sa carpet at nakahiga sa mga hita ni Jaxon na kasalukuyang naglalaro ng online games sa phone.
"Anong problema manager?" tanong ni Elliseo matapos makita na napasapo sa noo si Gaizer.
"Hinahanap siya ng director. Hindi ko alam kung sino sa inyo ang isasama ko para kausapin ang management since last day na natin ito," sagot ni Gaizer na kinatingin nina Jaxon, Keehan at Elliseo kay Grim na kasalukuyang nakahiga sa sofa at may takim na magazine sa mukha.
"Manager, kontakin mo si Apollo," suhestyon ni Keehan bago pasimpleng nginuso si Grim na nakahiga sa sofa. Si Grim kasi walang sinusunod kung sasabihin nila na si Grim ang sumama sa manager nila hindi agad ito susunod pero kung Apollo ang kakausap kahit labag sa loob nito susunod ang binata.
Wax Frevas's POV
Binuksan ang kwarto kung saan pansamantalang matutulog si Apollo. May dala akong tray na hinatid ng room service kanina lang. Nang makita ko na may kausap si Apollo hindi muna ako lumapit.Nakita ko si Apollo na nakaharap sa laptop at mula dito sa kinatatayuan ko nakita ko na may ka-video call ito na gwapong lalaki at sigurado na hindi ito isa sa miyembro ng TK.
"Hihintayin na lang kita dito para makapag-usap tayo about sa contract," sagot ni Apollo. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng selos.
Ang gwapo kasi ng lalaki at mukhang close na close pa ito ni Apollo dahil binulyawan ni Apollo si Grim na nasa kabilang linya din na huwag daw bigyan ng sakit sa ulo ang lalaki.
Napahawak ako ng mahigpit sa tray. Maya-maya nang maisara na ni Apollo ang laptop lumapit na ako na kinalingon ni Apollo.
"Kanina ka pa ba?" sagot ni Apollo na t-shirt at pajama na ang suot. Tumango ako at binaba ang tray sa study table.
"Hindi ka na dapat nag-abala pa na dalhin ito dito dahil lalabas naman ako at gusto kita makasabay kumain," ani ni Apollo bago bahagyang sinuklay ang sariling buhok.
"Siguradong pagod ka sa biyahe, kumain ka muna tapos magpahinga. Balik na ako sa room ko," ani ko. Wala naman ako dapat ikaselos since wala naman ginawa si Apollo kaso naging mabait ito at protective sa iba.
Madaming nagbago kay Apollo bukod sa nagpagupit na ito pati ang taste nito sa damit nagbago na din kaya hindi na din ako nagtataka kung naging open na din ito sa iba.
Aalis na ako nang may mga braso na pumulupot sa bewang ko. Napatigil ako nang paupuin ako ni Apollo sa mga hita niya.
"Anong problema? May nangyari ba?" tanong ni Apollo. Hinawakan ko ang braso ni Apollo at aalisin ko iyon nang mas hinigpitan ni Apollo ang yakap sa akin.
"Bitawan mo nga ako, matulog ka na. May pasok pa ako bukas," medyo asar na sambit ko na kinatingin ni Apollo.
"Namis kita, hindi ba pwedeng samahan mo muna ako ng ilang days dito?" tanong ni Apollo na parang bata na lumingkis sa akin. Tiningnan ko si Apollo at tinaasan ng kilay.
"Ganiyan ba dapat umasta ang leader ng TK?" tanong ko na kinangat ni Apollo ng tingin at ngumiti.
"Sa iyo lang naman ako ganito at namis kita. Gusto ko din na mag-leave ka sa trabaho mo kahit one month lang para sa preparation ng kasal natin," sagot ni Apollo na kinalaki ng mata ko.
"A-Ano?" ani ko. Umayos ng upo si Apollo at kunot ang noo na tinitigan ako sa mata.
"Nakalimutan mo na ba ang promised mo na papakasal ka sa akin kapag nakabalik na ako? Wala iyong bawian," ani ni Apollo na mukhang biglang nag-panic. Natawa ako at bahagya siyang pinisil sa pisngi.
Iyon kasi ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nag-panic at kinabahan. Kapag nasa ibabaw kasi siya ng stage kahit gaano kadami ang tao walang mababakas na kaba sa mukha ni Apollo o kahit ilang beses na ito napunta sa delikadong sitwasyon dahil sa mga issue nito sa entertainment industry. Nanatili itong kalmado at walang expression.
"Gusto ko lang masigurado na tama ang pagkakarinig ko," ani ko bago umiwas ng tingin.
"Malay ko ba kung may iba ka ng tao na dini-date," sagot ko. Napatigil ako nang hawakan ni Apollo ang dalawang pisngi ko at iniharap sa kanya.
"Wax, walang segundo o minuto na hindi kita inisip. Wala akong dini-date na kahit na sino," may ngiti na sambit ni Apollo.
"Sino iyong lalaki na kausap mo kanina sa laptop?" tanong ko na dahilan para pisilin niya ako sa pisngi.
"Bagong manager siya ng TK. Sakit sa ulo si Grim sa banda at lagi silahg nagtatalo ng manager kaya lagi kong binibilinan si Grim na huwag ng bigyan ng sakit sa ulo si Manager since wala ba ako doon."
Nakagat ko ang gilid ng labi ko at napaiwas ng tingin. Natawa si Apollo at niyakap ako ng mahigpit.
"Bukas papasok ako sa company, kakausapin ko si Chloe. Magbabakasyon ako," sagot ko na kinatingin ni Apollo.
Namumungay na ang mata nito at mukhanf antok na kaya tumayo na ako.
"Saan ka pupunta? Bakasyon?" ani ni Apollo na kinukusot ang mga mata niya.
"Sabi mo magpe-prepare tayo about sa kasal? Gagamitin ko na ang 3 months vacation ko para sa iyo. Matulog ka na alam ko pagod ka," ani ko. Humiga si Apollo pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Hindi naman ako gutom. Tabi tayo," ani ni Apollo. Napangiwi ako ng makita na parang nagmamakaawa itong nakatingin sa akin.
"Fine, tabi tayo," ani ko bago humiga. Nabato ako sa kinahihigaan ko nang hapitin ako ni Apollo at sumiksik sa leeg ko.
Mygod, sana nga magawa ko makatulog. Napailing ako at pumikit ng madiin. Kailangan mo masanay Wax, one of this days mapapangasawa mo na ang lalaking katabi mo.
Minulat ko ang mata ko at tiningnan si Apollo na nakatagilid paharap sa akin. Umikot ako at tumagilid paharap kay Apollo at tinititigan ito sa mukha.
Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi ni Apollo. Napatigil ako nang magmulat ng mata si Apollo at hinawakan ang kamay ko sa pisngi niya.
"Nagising ba kita?" tanong ni Wax ngumiti si Apollo at ngumiti bago hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"Natatakot ako matulog. Feeling ko panaginip lang itong lahat," bulong ni Apollo na unti-unti na ulit pumikit.
"Dito ka lang— huwag kang aalis."
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: Tamed By The Sexy God
Fiksi UmumBlurb "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay Grimore, pero naiinis na talaga ako sa ginagawa mo!" "How many times I'll tell you na hindi ko kailangan ng mga ito!" Binato lahat ni Wax Frevas ang bulaklak at chocolate na personal na binigay ni A...