Chapter 25
3rd Person's POV
Napatakbo ang mga batang lalaki matapos makita ang babae. Kinuha ng dalagita ang nabitawan na pagkain ng mga bata at natapon iyon sa sahig."Ayoko talaga sa mga bata," may pagkadisgusto na sambit ng dalagita bago tiningnan si Wax.
"Ikaw bakit nakatayo ka lang diyan? Kinuha sa iyo ang pagkain sa swing mo tapos nakatayo ka lang diyan?" gusot ang mukha na sambit ng dalagita bago i-abot ang pagkain ni Wax na kinuha ng batang lalaki.
Hindi alam ni Wax kung anong mararamdaman ng araw na iyon lalo na makita niya ang batang babae ng malapitan. Maamo ang mukha nito pero may mga nakakatakot na tingin.
Pagkatapos ng araw na iyon lagi na siyang nilalapitan ng batang babae. Nagpapaalam ito na kukuha sa pagkain niya ngunit bago siya makasagot nakikita na nito na kinakain na nito ang pagkain niya.
Hindi naman naasar si Wax dahil ito lang ang batang lumalapit sa kanya. Nagbibigay din naman ito ng baon niya kaya halos araw-araw silang parang nagpi-picnic.
"Ilang araw na tayo magkalaro. Hindi mo pa sinasabi pangalan mo sa akin," may pagtataka na sambit ni Wax habang nakaupo sa swing at nakatingin sa dalagita na kasalukuyang nakaupo sa kabilang swing.
"Hindi mo naman kailangan malaman," sagot ng dalagita bago tingnan si Wax. Nag-pokerface si Wax na kinatawa ng dalagita.
"Ang wierd mo. Natutuwa ka talaga kapag naasar ako sa iyo noh," ani ni Wax nginisian lang siya ng dalagita bago tumayo at nag-unat ng braso.
Tiningnan ito ulit siya ni Wax. May suot na white dress ang dalagitan at hair band. Mukha itong anghel sa paningin ng batang si Wax dahil may maamo din itong mukha.
Lumingon sa kanya ang dalagita at kinunutan ng noo. Muntikan mahulog si Wax sa kinauupuan dahil sa biglang paglingon ng dalagita.
"Teka ayos ka lang? Wax?"
Nag-angat ng tingin si Wax at doon nakita niya ang pag-aalalang expression ng dalagita habang hawak ang tali sa swing na kinauupuan ng batang si Wax.
"Wax!"
Naimulat ni Wax ang mga mata at doon nakita ang expression ni Apollo na punong-puno ng pag-aalala. Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ng bata babae habang nakatingin kay Apollo.
Napahawak si Wax sa ulo ng kumirot iyon. Agad naman lumabas si Ken para tumawag ng doctor.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Apollo bago inalalayan si Wax na umupo. Napatingin si Wax sa mga braso matapos makita na puro galos iyon.
"A-Anong nangyari? Si Chloe at Ken ayos lang ba sila?" sunod-sunod na tanong ni Wax matapos maalala ang huling nangyari at tingnan si Apolo na umupo sa gilid ng kama.
"Ayos lang sila. Lumabas lang sandali si Ken para tumawag ng doctor at si Chloe nagpaalam para bumili ng mga prutas para sa iyo," sagot ni Apollo. Mahabang katahimikan ang nangyari sa kwarto hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok sina Chloe kasunod ajg doctor.
"Waaah! Prenny!" tili ni Chloe bago tumatakbong sinalubong ng yakap si Wax na natawa ng mahina.
"Nag-alala ako sa iyo! Buong araw ka tulog," ani ni Chloe na mangiyak-ngiyak sa pag-aalala. Agad naman lumapit ang doctor at sinuri ang lagay ni Wax habang kausap nito si Chloe at Ken.
Maya-maya lumapit ang doctor kay Apollo na nakasandal na sa gilid ng pinto at kinausap. Napatingin si Wax kay Apollo na seryosong nakikipag-usap sa doctor.
"Kina Syra? Anong nangyari pagkatapos ko mag-passed out?" tanong ni Wax bago tiningnan sina Chloe na kinatinginan ng dalawa.
"After ng nangyari ewan ko na lang kung may maiharap pa na mukha ang mga iyon sa university. Pinagala lang naman sila ng TK na nakasuot lang ng panloob nila sa buong campus," ani ni Chloe na kinalaki ng mata ni Wax.
"A-Ano?" ani ni Wax na parang hindi makapaniwala.
"Dumating ang TK 'nong pinagtutulungan na tayo, matapos sampalin ni Apollo si Syra dinala ka ni Apollo sa clinic then ayon sabi ni Apollo igala daw namin ang nga iyon hihi."
"Ang TK pa mismo nagkalat ng picture nila sa university. Ewan na lang kung may maglakas pa ng loob mam-bully sa iyo," dagdag ni Chloe na parang proud na proud pa sa nangyari.
Hindi makapaniwala si Wax na ginawa iyon ng TK. Sa paningin niya kasi harmless ang TK hindi kasi ito iyong mga tipo na basta nangingialam sa ibang tao o may pakialam.
Tiningnan ni Wax si Apollo na seryosong nakikipag-usap sa doctor. Maya-maya nagpaalam na din sina Ken at Chloe na halatang sini-set up na naman ang dalawa.
Nang makaalis ang dalawa tiningnan ni Wax si Apollo na humila ng upuan sa gilid ng kama niya.
"Hindi mo na dapat ako dinala sa hospital. Konting galos lang naman ito," ani ni Wax kay Apollo na kinatingin ng binata.
"Kaunti? Nakikita mo ba 'yang mga sugat mo sa braso, sa leeg at pisngi?" may pagkairita na sambit ni Apollo.
"Mababaw lang naman ito. After ng ilang days wala na din naman ito," sagot ni Wax bago tiningnan si Apollo. May pagkadisgusto sa mukha ni Apollo kaya umiwas ng tingin agad ang binata at bumuga ng hangin.
"I'm sorry, lagi mo na lang ako nililigtas."
"Para saan ang sorry mo? Wala ka naman ginawang mali," ani ni Apollo na kinatingin ng binata. Sumandal si Apollo sa upuan at umiwas ng tingin.
"Natural lang na protektahan kita kasi mahalaga ka sa akin."
Pinigilan ni Wax mapangito matapos marinig iyon. Namumula kasi ang tenga ni Apollo at mukhang nahihiya.
"Maraming salamat, Apollo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka," bulong ni Wax na kinatingin ni Apollo.
—
Mabilis na lumipas ang araw pagkatapos ng insidente na iyon. Katulad ng inaasahan wala ng nag-open about doon. Hindi na din nakikita nina Wax sina Syra sa university.Naging busy sina Wax sa mga nakalipas na araw lalo na at nagkaroon pa sila ng mid-exam kasabay ng preparation nila sa event para sa holloween.
"Kyaah! Tapos na ang exam tapos bukas na ang event! I'm so excited ohmygosh!" ani ni Chloe na yakap sa braso si Wax na natatawa na lang.
Patungo na sila ngayon sa court. Hanggang sa napatigil sila matapos makarinig ng malamig na boses na nagmumula sa stage.
"O-Ohmygod," react ni Chloe matapos makita si Apollo sa stage. May hawak itong gitara at microphone— nasa likod nito ang buong miyembro ng TK.
Tila tumigil sa pagtibok ang puso ni Wax nang magtama ang mata nila ni Apollo. Nagtaas ng gilid ng labi si Apollo habang binibigkas ang mga linya ng kanta na kinatili ng mga babaeng nanonood.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: Tamed By The Sexy God
Ficción GeneralBlurb "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay Grimore, pero naiinis na talaga ako sa ginagawa mo!" "How many times I'll tell you na hindi ko kailangan ng mga ito!" Binato lahat ni Wax Frevas ang bulaklak at chocolate na personal na binigay ni A...