36

531 15 0
                                    

Chapter 36 
3rd Person's POV 
"Ano bang gustong bulaklak ng groom mo, Apollo?" tanong ni Cara sa binata. Napatingin si Apollo kay Cara. 

"Hindi ko din alam, hindi ko din alam kung mahilig nga ba siya sa mga bulaklak," bulong ni Apollo ayaw niya naman tanungin si Wax dahil sabi ni Cara 'nong kausap ng dalaga si Wax sinasagot lang ni Wax kahit ano at parang hindi ito interesado sa kasal nila. 

Bumaba ang tingin ni Apollo sa mga hawak na brochure. Hahawan ni Cara ang kamay ng binata matapos makita ang pagbagsak ng balikat nito nang biglang dumting si Wax at tumabi kay Apollo. 

Nabawi ni Cara ang kamay nang mapalingon si Apollo sa mapapangasawa. 

"Kanina pa kayo dito. Hindi ka pa din ba nakakapili ng suit mo?" tanong ni Wax bago mag-abot ng sandwitch at kape si Wax sa binata. 

"Suit?" ulit ni Apollo bago tumingin sa tray n hawak ni Wax. 

"Hindi ka pa kumakain sabi ng mga katulong," ani ni Wax  bago tumingin sa mga hawak ni Apollo. 

"Ayaw mo ba ng mga napili kong theme at pumipili ka ulit?" tanong ni Wax na kinaangat ng tingin ni Apollo. Binaba ni Wax ang tray sa coffee table at kinuha ang mga hawak ni Apollo. 

"I thought, hindi ka pumili," sagot ni Apollo na kinataas ni Wax ng kilay. 

"Kasal natin ito bakit ako hindi pipili?" tanong ni Wax bago tingnan si Cara na bahagyang nag-stiffed dahil sa pagtingin sa kanya ni Wax. 

"It's okay, mukhang nakalimutan ni Ms Cara. Pwede naman pumili tayo ulit diba?" ani ni Wax bago ngumiti at inabot kay Apollo ang kape na tinimpla niya. 

"Mag-breakfast ka muna then pag-usapan na natin about sa preparation ng kasal," sagot ni Wax. Kuminang ang mata ni Apollo matapos marinig iyon. 

Kumain na si Apollo at masama naman ang ipinukol ni Wax kay Cara na palihim na nagigitgit. 

Wax Frevas's POV 
Ilalagay kita sa dapat mong kalagyan kasal ko ito at si Apollo ang magiging asawa ko. 

"Parang gusto ko ng pink roses Apollo, ayos lang ba iyo sa iyo?" tanong ko. Tiningnan ako ni Apollo at ngumiti. 

"Kung anong gusto mo iyon din anv gusto ko."

"Hindi pwede iyon tayong dalawa ikakasal diba?" natatawa na sagot ko. Napakamot sa pisngi si Apollo at napatingin sa brochure na hawak ko. 

Hindi ko ini-expect na nakakatuwa din pala magplano ng kasal. Nakikita ko kasi nahihirapan si Apollo tuwing tinatanong ko ito sa gusto niya— parang ang bad ko tuloy kasi natutuwa ako sa expression niya ngayon. 

"Gusto ko ng white roses, how about it?" sagot ni Apollo bago ako tingnan. 

"Favorite mo ang white?" tanong ko. Ngumiti si Apollo. 

"Naalaa ko kasi sabi mo dati bagay sa akin ang mga puting bagay at nagmumukha akong anghel. 'Nong first meed din natin naka-white dress ako," ani ni Apollo. Napahawak ako sa babae ko matapos maalala na nasabi ko nga iyon at totoo naman iyon. 

"Ikaw favorite mo ang pink?" tanong ulit ni Apollo na kinangiti ko. 

"Not really, naisip ko lang din ang pink kasi 'nong highschool tayo para i-pleased ako nagsuot ka ng pink na jacket," sagot ko na kinalaki ng mata ni Apollo. 

"Akala ko hindi mo napansin iyon," ani ni Apollo na kinakamot ko sa pisngi. 

"Kung alam mo lang. Sinave ko pa picture mo galing sa internet tapos winallpaper ko pampa-good vibes, look." Nilabas ko ang phone ko sa bulsa at pinakita kay Apollo. Galing iyon sa intetnet naka-post sa university page at mukha ang isa sa TK lang din ang nagpakalat.

Natawa ako sa reaction ni Apollo matapos makita iyon. Mukhang nasa classroom kasi 'non si Apollo, nakaupo sa teacher's table, masama ang tingin sa camera at nakataas ang gitnang daliri.

"Paalala mo sa akin na may gagawin akong pataba sa lupa pagbalik ng TK," ani ni Apollo. Mabilis ko naman na inagaw kay Apollo ang phone ko ng bubuksan niya iyon. 

Kukuhanin niya iyon nang itago ko iyon sa likod ko. Nagulat ako nang habang nakaupo siya sa tabi ko naitulak niya ang sandalan ng sofa at tumagilid iyon. 

"Master!"

Nabigla ako ng natumba ang sofa. Nasa ibabaw ko si Apollo na mukhang nagulat dina at ang kamay niya nasa likod ng ulo ko. 

"Gosh! Ang lakas mo. Paano ko naitulak ang sofa?" hindi makapaniwala na tanong ko. Napangiwi si Apollo at umalis sa ibabaw ko. 

"Holyshit, nasaktan ka ba?" tanong ni Apollo bago ako tinulungan tumayo. Madami namang butler ang lumapit para itayo ang sofa.

Hindi ako makapaniwala na natumba ang sofa nakakagulat. Tiningnan ko ang sofa na tinatayo ng apat na butler.

"Wax," ani ni Apollo na kinatingin ko nang hawakan niya ang pisngi ko.

"Dapat ako ang magtanong 'nan. Hinarang mo kanina ang likod ng palad mo sa ulo ko," sagot ko bago kinuha ang kamay ni Apollo— namumula nga iyon.

"Hindi naman masakit," sagot ni Apollo. Napa-pokerface ako at kinausap ang ilan sa mga maid na magdala ng first aid kit. 

3rd Person's POV 
"Wha the heck! Anong nangyari diyan sa kamay mo?"

"Wala ito, hindi naman masakit," sagot ni Apollo matapos makita ang kamay niya na may magulong bandage. Hindi naman talaga iyon masakit, gasgas lang iyon pero walang magawa si Apollo kung hindi pumayag na lagyan nga iyon ni Wax. 

Napataas ang gilid ng labi si Apollo matapos niya maalala na sinubuan siya ni Wax kagabi dahil nga may sugat siya sa kamay. 

"Ang creepy mo leader, bigla ka na lang nangiti. Wala pang isang linggo 'nong huli ka namin nakita tapos nabaliw ka na," ani ni Jaxon na basta na lang binagsak ang katawan sa sofa. 

"What the heck. Sigurado ka bang bahay mo ito, Apollo? Nagpatayo ka talaga ng ganitong bahay para lang kay Wax?" Hindi makapaniwala na sambit ni Elliseo habang ginagala ang paningin sa buong lugar. 

Kapag lapag kasi ng mga ito sa airport. Pinasundo na lang sila ni Apollo galing airport at dinala aa location nila ngayon ni Wax. 

"Ano bang sinasabi mo, Elliseo? Para naman hindi mo pa nakita ang ganitong side ni Apollo 'pag dating kay Wax," sabat ni Keehan bago tiningnan ang mga katulong na bahagyang natulala sa kanila. 

"Feeling ko nasa tunay talaga akong palasyo, may nga hinire kapa na katulong pero 'nong nasa Afghanistan tayo galit na galit ka Sa management dahi— fuck!"

Napailing si Gaizer Marshall na may hila na bagahe matapos makita na may lumipad na unan sa mukha ni Elliseo. 

"Manager! Si Apollo nambabato na naman," sumbong ni Elliseo. Agad ito tumalon pababa sa sofa at nagtago sa likod ni Gaizer na kararating lang din at naibaba ang phone nang magtago sa likod niya si Elliseo. 

Territorial Kings: Tamed By The Sexy GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon