Chapter 46
Wax Frevas's POV
"Basta natural ang pagka-sweet at caring ni Apollo pero nandoon pa din ang barrier sa inyong dalawa kahit pa sabihin na ikakasal na kayo. Iniisip ko dati baka dahil naiilang pa din kayong dalawa sa isa't isa dahil 8 years nga nawala si Apollo," sagot ni Gaizer. Hindi ako nakapagsalita at ngumiti na lang.Napansin ko din iyon akala ko din iyon lang ang problema pero ngayon ang gaan na ng pakiramdam ko. Mas nararamdaman ko na ang pagiging sincere ni Apollo sa lahat ng gesture niya sa akin.
"Hey," Napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Apollo sa likuran ko at paghalik nito sa pisngi ko.
"Kanina pa kita hinahanap," ani ni Apollo bago umupo sa tabi ko matapos humila ng upuan.
"Anong problema? Akala ko umalis kayo," ani ko bago kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang noo ni Apollo.
Natawa si Apollo at kinuha ang kamay ko bago hinalikan iyon na kinatigil ko. Napatingin kami pareho kay Gaizer na tumikhim at natatawa kaming tiningnan.
"May tao dito, baka naman." Umakyat ang dugo ko sa mukha matapos akong tingnan ni Gaizer na parang nangaasar.
Nahila ko ang kamay ko na naging dahilan para taasan ni Apollo ng kilay ang manager niya.
"Bakit hindi ka bumuntot kay Grim hindi iyong lagi mo kaming iniistorbo ni Wax," ani ni Apollo dahilan para hampasin ko siya ng mahna sa braso. Napatingin sa akin at si Apollo.
"What the heck, Wax anong ginawa ko?" tanong ni Apollo.
"Excuse me, ikaw ang bigla na lang sumulpot at gjnulo kami ni Wax. Shoo! Bakit imhis guluhin mo kaming dalawa dito hindi mo kausapin sina Grim kung saan kayo magce-celebrate ng groom shower para sa iyo," ani ni Gaizer na kinatigil namin na dalawa.
"Groom shower?" ulit ako na kinangiwi ni Gaizer at nag-cross arm.
"Parang bridal shower pero siyempre meron ka din," sagot ni Gaizer bago tinuro ako.
"Imbitahan niyo mga close friend niyo para mag-celebrate before ang wedding," dagdag ni Gaizer na kinatinginan namin dalawa ni Apollo.
"Pwede natin gamitin ang resto-bar ni Elliseo para sa bro-dal shower ni leader," suhestyon ni Keehan na bigla na lang sumulpot kasunod sina Elliseo na may nginangatang fried chicken.
"Ow, magandang idea iyon. Sabihin niyo lang exact date," sagot ni Elliseo na kinangiwi ni Apollo.
"Magi-invite tayo ng madaming chix, sexy dance," natatawa na dagdag ni Elliseo na kina-pokerface ko. Sumang-ayon din sina Keehan at Jaxon.
"Okay, Gaizer, invite natin sina Chloe at Miguel. Invite ka din ng maraming macho dancer," ani ko na dahilan para hawakan ako ni Apollo sa magkabilang pisngi t iharap sa kanya.
"What are you saying? Mag-iimbita ka ng macho dancer?" asik ni Apollo. Tiningnan ko ng masama si Apollo at tinuro si Elliseo.
"Mag-iimbita kayo ng mga babae sa groom shower niyo kaya dapat pati kam—"
"Ako ang ikakasal hindi si Elliseo," putol ni Apollo bago tiningnan si Elliseo na napataas ng kamay.
"Nagbibiro lang ako, what the heck!" Natawa si Keehan at Jaxon nang tingnan siya ng masama ni Apollo.
Pasimple naman nagtago ang dalawa sa likod ni Grim na napa-pokerface na lang ng ismiran siya ni Gaizer.
"Grimore, saan magandang lugar dito sa mansyon mo para maglibing ng buhay na tao?" tanong ni Grim kay Apollo.
"What the heck! Bakit pati ikaw, Vergara galit? Nagbibiro lang ako," depensa ni Elliseo.
"Sa garden, pwede ng pan-pataba sa lupa. What do you think, Vergara?" tanong ni Apollo habang nakatingin kay Elliseo na halos mawalan ng kulay ang mukha matapos makita ang tingin sa kanya ng dalawa.
"Tigilan niyo na iyan. Baka biglang mag-passed out si Elliseo dahil sa pananakot niyo. Mahal pa naman hospital fee ngayon," ani ni Gaizer. Para naman naiiyak si Elliseo habang nakatingin sa manager nila.
"Manager naman eh! Nagbibiro lang ako."
3rd Person's POV
Sa loob ng dalawang araw— pinalano na nina Gaizer at Wax ang kasal. Naging smooth iyon lalo na at madaming access si Gaizer sa mga shop at mga kakilalang maaring mag-asikaso ng event.
"Ano! Ako ang kinuha ni Apollo para maging wedding planner!" asik ni Cara matapos malaman naiba ang plano nina Wax sa kasal kumpara sa una.
"Ikaw pa din ang wedding planner, tumanggap lang kami ng ilang service galing sa ibang shop dahil wala sa mga brochure mo ang gusto kong theme, wedding cake na gusto ko at flower arrangement," kalmadong sambit ni Wax at pinakita ang isang notebook.
"Nandito lahat ng gusto namin mangyari ni Apollo sa kasal. Kumpleto ma din lahat ng iyan," ani ni Wax. Gumusot ang mukha ni Cara at hinablot na lang iyon. Walang salita na umalis na kinakunot noo ni Gaizer.
"Mag-iingat ka sa babaeng iyon, Wax. Hindi ko gasto ang nararamdaman ko sa babaeng iyon," ani ni Gaizer na kinatingin ni Wax. Ngumiti ang binata.
"Sanay na ako sa mga babaeng 'ganon lalo na at dahil kay Apollo," ani ni Wax bago umupo sa sofa katabi ni Gaizer at nag-unat.
"Naayos na ang preparation, iche-check na lang natin ang reception diba?" tanong ni Gaizer. Napahawak ng baba si Wax at nilingon si Gaizer.
"Pinili kong reception ang orphanage na pinatayo ng TK. Ayos lang ba iyon?" tanong ni Wax kay Gaizer since ito ang manager ng TK.
"Ayos lang naman iyon pero sigurado na sobrang tataas ang security system ng orphanage para sa araw na iyon para sa safety ng image ng TK. Wala dapat makalusot na mga reporter," sagot ni Gaizer bago tiningnan si Wax.
"Kahit malaki ang risk siguradong maraming bata ang matutuwa sa pagdating natin doon," may ngiti na sambit ni Gaizer.
"Iyon din naiisip ko," natutuwa na sambit ni Wax.
"The heck! Ang hirap makipag-usap sa putanginang management na iyon!" asik ni Jaxon na may pagkadisgusto ang mukha matapos buksan ang pintuan. Sumunod sina Elliseo na mukhang hindi din maganda ang mood.
"Anong nangyari?" tanong ni Wax nang lumapit sa kanya si Apollo at parang bata na sumiksik.
"Tumanggi kami magpa-interview at um-attend ng tv shows para sa ngayong month. Sinita kami ng management na paranv pumirma na talaga kami hv contract sa kanila."
"Kapag nairita talaga ako hindi ko ire-renew ang contract ng TK sa company na iyon," pikon na sambit ni Apollo na kinangiwi ni Gaizer.
"Ayan ang huwag mong tatangkain na gawin Mr. Grimore. Maraming mawawalan ng trabaho once na binawi mo ang pinangako mong kontrata sa isang company," ani ni Gaizer na kinagusot ng mukha ni Apollo.
Sa isang press conference ini-announce na ng TK na ire-renew ang contract sa parehong company ngunit kapag binawi iyon ni Apollo. Malaking problema sa company dahil babatikusin sila ng fans ng TK at maari pang naging reason iyon ng pagbagsak ng company.
Triple ang laki ng fan base ng TK at talagang buong mundo ang humahanga sa galing ng grupo ng TK. Dahil doon pinag-aagawan sila ng maraming company na isang malaking risk dahil maaring ito pa ang maging dahilan para bumagsak ang isang company kung may ma-offend sa TK at makarating sa social media.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: Tamed By The Sexy God
Fiksi UmumBlurb "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay Grimore, pero naiinis na talaga ako sa ginagawa mo!" "How many times I'll tell you na hindi ko kailangan ng mga ito!" Binato lahat ni Wax Frevas ang bulaklak at chocolate na personal na binigay ni A...