42

478 17 0
                                    

Chapter 42 
3rd Person's POV 
Sabay-sabay na bumuntong hininga ang tatlo. Napatingin sina Keehan nang tumayo si Apollo at walang salita na umalis doon. Sinundan naman siya agad ni Grim kaya napatayo na lang din sina Keehan. 

Sinundan nila si Apollo na palabas ng foodcourt. Napatingin ang dalawang lalaki sa hawak nilang phone. Isa sa dalawang ito umalis at sinundan ang limang babae. 

Kapag labas ng mall nawala ang lima kaya ginala ng lalaking nasa 40s ang paningin sa labasan. Tinungo ng lalaki ang parking lot at ginala ang paningin sa mga sasakyan na nakaparada. Nakarating siya sa tagong lugar hanggang sa may taong humila dito. 

Bago pa makasigaw ang lalaki may tumutok sa leeg nito na basag na salamin. 

"Kung ayaw mo habang buhay mawalan ng lalamunan. Ititikom mo iyang bibig mo at mananahimik," malamig na sambit ni Grim. Lumabas si Apollo kasunod sina Keehan. 

"Kung sino 'man nag-utos sa iyo na sundan ako at si Wax. Pakisabi sa amo mo siguraduhin niya na kaya niyang panindigan lahat ng mangyayari in future."

Hindi nakagalaw ang lalaki nang hablutin ni Apollo ang panga ng lalaki at ngumisi. 

"Kapag ginalaw niya si Wax at hinawakan ang ni hibla ng buhok ng mapapangasawa ko. Sisiguraduhin ko na hindi lang pamilya at pagkatao niya ang sisirain ko," may diin na sambit ni Wax at madilim ang mukhang nilapit ang mukha sa lalaki na halos mawalan ng kulay. 

"Sisiguraduhin ko na pagsisisihan niyang nakilala niya ako at isinilang siya sa mundo,"pagbabanta na sambit ni Apollo. Binitawan nito ang lalaki na agad napaupo sa sahig dahil sa takot. 

— 
Umuwi na lang ang TK. Walang nagsalita sa apat lalo na at feel nila ang bigat ng atmosphere dahil kay Apollo. 

"Ayos lang ba na iwan natin ang tatlo doon?" tanong ni Keehan bago tiningnan sina Elliseo. 

"Nandoon si Miguel, I'm 100% safe sila dahil may mga tauhan din ako pinababantay kay Miguel 24/7," sagot ni Elliseo na ngayon ay nakatingin lang din sa labas ng sasakyan. 

Nagkatinginan sina Keehan at Jaxon matapos marinig iyon kay Elliseo. Nang makarating sila sa mansyon— naunang bumaba sina Apollo at Grim. 

"Apollo," tawag ni Grim nang makapasok sila sa mansyon. Pinaalis nina Keehan ang mga taong nasa living room. 

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa din nasasabi kay Wax?" tanong ni Grim. Tinanggal ni Apollo ang suot na wig at hinawakan iyon ng mahigpit. 

"Kung madali lang sabihin ginawa ko na Vergara," asik ni Apollo. Hindi maiwasan nina Keehan mag-alala nang makita ang expression ni Apollo. 

"Kahit anong kabutihan ang ipakita mo kay Wax sa tingin mo sapat na iyon para hindi ka niya iwan kung sakaling malaman niya?"

"Ayoko na mawala ulit si Wax," bulong ni Apollo na nakayukom ang kamao. 

"Pero mali pa din ang ginagawa ko para panatilihin siya sa tabi mo Apollo," sabat ni Keehan. Alam ng TK kung gaano kinakain ng guilt si Apollo at kung gaano kahirap ang sitwasyon nito. 

Alam ng TK na ikasal 'man ang dalawa alam nila na hindi pa din tuluyan magiging masaya si Apollo. 

"Apollo, ang pagkakamali tinatama, hindi inuulit. Kung kamuhian ka 'man ni Wax, magalit siya sa iyo o ipagtabuyan ka. Tanggapin mo na lang, Apollo at gawin mo lahat para mapatawad ka niya," dagdag ni Elliseo na kinagitgit ni Apollo. Hindi nagsalita ang binata at mabibigat ang paa na tumungo pataas ng hagdan. 

Wax Frevas's POV 
Nagtaka ako nang pag-uwi namin ni Gaizer, tahimik ang mansyon. Lumapit ang ilang butler at kinuha ang mga dala namin na paper bag. 

"Nasaan sina Apollo?" tanong ko sa butler. Yumuko ang butler at nagsalita. 

"Si master Apollo nasa kwarto niya habang ang mga kaibigan ni young master nasa pool area," sagot ng butler na kinatingin ko kay Gaizer. 

"Bakit nasa room lang si Apollo?" tanong ko. Nagkibit balikat si Gaizer at nagtatakang tumingin din sa akin.

"I- check mo na," sagot ni Gaizer. Nagpaalam si Gaizer at nang makaalis si Gaizer tumungo ako sa hagdan para i-check si Apollo.

Pagbukas ko ng pinto nang room namin. Nakita ko si Apollo na nakaupo sa ibaba ng kama. Nakasandal ito at hawak ang isang can ng beer. 

Sa lapag nagkalat ang halos anim na can ng beer kaya agad ko ito pinigilan nang makita na iinom pa ito. Masyado na itong madaming naiinom. 

"Apollo, hindi masamang uminom pero madami ka ng naiinom," ani ko matapos lumuhod sa harap ni Apollo. Inaangat ko ang ulo ni Apollo ngunit hinawakan niya lang ang kamay ko at paulit-ulit inaalis sa pisngi niya. 

"Apollo, anong nangyayar—"

"Kailangan ko malasing para masabi ko sa iyo lahat ng kailangan mo malaman," ani ni Apollo na kinatigol ko. Napatigil ako matapos maramdaman ang panlalamig ng kamay ni Apollo. 

Binitawan ni Apollo ang kamay ko at nagpatuloy ito sa pag-inom. Pinigilan ko si Apollo at kinuha ng tuluyan ang alak na hawak ni Apollo. 

"Apollo, maghihintay ako kung kailan mo kayang sabihin. Hindi mo kailangan pilitin," ani ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko nang makita kong inangat ni Apollo ang dalawang tuhod at pinatong doon ang dalawang braso habang nakayuko. 

"Gusto ko na maging honest sa iyo, Wax. Kung iwan mo 'man ako after ng lahat ng sasabihin ko. Hindi na kita pipigilan, hindi na kita hahabulin pa o magpapakita sa iyo," ani ni Apollo. Hinawakan ko ang braso ni Apollo pero nanatili itong nakayuko.

"Anong sinasabi mo? Apollo— tanggap ko kahit ano ka pa o kahit na ano pang ginawa mo," ani ko. Tumawa si Apollo pero halata doon ang pagka-sarcastic. Tiningnan ako ni Apollo, malamig at mapanuyang mga tingin na kinabato ko sa kinauupuan ako.

"Hindi mo masasabi 'yan kung may idea ka kung anong ginawa ko sa pamilya mo," bulong ni Apollo. Hindi ako nakapagsalita ng bumaba ulit ang tingin ni Apollo.

"Apollo, hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ko. Nakita ko ang pagyukom ni Apollo ng mga kamao. 

"Iyong aksidente. Ang daddy at kapatid mo ang isa sa mga naging biktima, ako ang may kasalanan, Wax." Tuluyan akong napaupo sa sahig matapos marinig iyon kay Apollo. Bahagya akong napalayo na kinatingin ni Apollo. 

Alanganin na natawa ako. Bahagya akong napatakip sa bibig at tumikhim. Feeling ko biglang may bumara sa lalamunan ko matapos marinig iyon. Ayokong maniwala pero walang rason si Apollo para bigla na lang i-open up ang about sa family ko. 

"P-Paano nangyari ang sinasabi mo? Apollo tama na ang joke. 6 y-years old ka pa lang 'non paano ka magiging dahilan ng aksidente?"

Territorial Kings: Tamed By The Sexy GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon