33

566 15 0
                                    

Chapter 33 
3rd Person's POV 
Nang maghiwalay ang labi nin Wax at Apollo. Napahawak sa labi si Wax at bigla na lang nakaramdam ng hiya. 

"Pareho pa din expression ang pinakikita mo kahit ilang beses na tayo nag-ki—"

Tinakpan ni Wax ang bibig ni Apollo at nahihiyang tiningnan ang binata. 

"Anong magagawa mo eh nahihiya pa din ako," namumula na sagot ni Wax. Tinakpan 'man ni Wax ang mga labi ni Apollo nakikita pa din ni Wax ang pang-aasar sa mga mata ni Apollo.  Tinanggal ni Apollo ang kamay ni Wax sa labi niya at natatawa iyon na hinalikan. 

"I found it cute and adorable," bulong ni Apollo. Napatayo si Wax at parang bata na lumayo. 

"Stop seducing me, Mr Grimore," ani ni Wax na napahawak sa katawan na kinatawa ng binata. Gusot ang mukha ni Wax habang nakanguso dahil sa pang-aasar ni Apollo pero malayo doon ang nararamdaman niya sa tawa ni Apollo. 

Parang may kung anong humahaplos sa puso ni Wax tuwing nakikita niya na tumatawa si Apollo at dahil iyon sa kanya. 

Maya-maya bumukas ang pintuan— tuloy-tuloy na pumasok si Chloe at nakangiti na inabot ni Chloe ang napakadaming envelop kay Apollo na hindi alam ni Wax kung para saan.

"Teka Chloe, mali ka yata ng pinagbigyan. Ako ng CEO dito," ani ni Wax na kinatingin ni Chloe sa akin. Humagikhik si Chloe at tinuro si Apollo. 

"Siya ang future husband mo," sagot ni Chloe bago nakangiting dali-daling lumabas ng opisina. 

"Para saan 'yan?" tanong ni Wax. Sisilipin iyon ni Wax nang tumayo si Apollo at tinaas iyon. 

"Ano 'yan?" ulit ni Wax habang pilit na inaabot iyon. Natawa si Apollo at tinago iyon sa likod habang hawak sa bewang si Wax. 

"Information ng mga empleyado mo. Ilalagay ko lang sila sa mga dapat nilang kalagyan habang maaga pa."

"Apollo, company ko ito at isa pa hindi naman ikaw ang binu-bully—" Hindi na nakapagsalita si Wax nang yumuko si Apollo at ilapit ang bibig sa tenga ni Wax. 

"Mabuhuhay tayo kahit wala ang company na ito. Kaya kong durugin ito kasama ang mga empleyado mo. Remember, Wax.  Binalik ko ito sa iyo dahil sa pamilya mo pero hindi ako papayag na basta na lang maliitin ng kahit na sino ang mapapangasawa ko dahil nagta-trabaho siya dito kasama ang mga empleyado nya na ni minsan hindi siya nirespeto."

Hindi nakagalaw si Wax nang ibaba ni Apollo ang mga papel na iyon sa lamesa at nakita ni Wax na gamit ang sigarilyo ni Apollo. Kinuskos ng binata ang dulo ng sigarilyo niya sa litrato ng isa sa mga empleyado ni Wax. 

"I'm not perfect like what you think. Kung ayaw mo makita ang iba ko pang masasama na side. Ipakita mo na kaya mong protektahan ang sarili mo at huwag kang pabu-bully sa kahit na sino," ani ni Apollo. Hindi umimik si Wax at bumuga ng hangin.

"Bina-blackmail mo ba ako?" tanong ni Wax. Nagtaas ng gilid ng labi si Apollo at umupo ulit sa swivel chair. 

"Sinasabi ko lang kung anong mga posibleng mangyari kapag may na-encounter pa akong katulad ng mga empleyado na iyon sa building na ito."

Napatakip si Wax sa bibig at bahagyang tumikhim. Seryoso ang usapan nila pero hindi niya akalain na mas naa-attract siya kay Apollo kapag galit ito. Nagsukatan ng tingin ang dalawa at hindi nagtagal napasimangot si Apollo sa hindi alam na dahilan ng binata nawala na lang ang inis niya dahil sa pagtingin sa expression ni Wax na parang naaliw pa sa kanya. 

"Fine, Fine. I'm sorry," ani ni Wax bago sumandal sa lamesa at dinutdot ang pisngi ni Apollo. 

"Hindi ako pwedeng magtanggal na lang ng empleyado out of the blue kaya lahat ng nasa envelop na iyan ipapalipat ko sa ibang company," sagot ni Wax. 

Wax Frevas's POV 
Kinausap ko si Chloe about dito agad naman siya pumayag. Binilinan ko ito na huwag masyadong i-preassure ang sarili niya dahil buntis siya nag-promised naman siya kaya medyo nakampante na ako. 

Pero nang araw na iyon hindi naman agad kami umuwi ni Apollo. Tinapos ko muna ang mga trabaho ko para sa araw na iyon at sa mga susunod pa na araw. Sinigurado ko din na mapagkakatiwalaan ang magiging acting CEO ng company na ito at binilinan ko din na once a week mag-report sa akin. 

Kinagabihan bahagya kong hinilot ang batok ko nang makaramdam ako ng pangangalay doon. Tiningnan ko ang sofa kung saan nandoon si Apollo at doon nakita ko si Apollo na mahimbing na natutulog. 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair at naglakad patungo sa sofa kung saan natutulog si Apollo. Umupo ako sa ibaba ng sofa at tinititigan si Apollo. 

Nabasa ko sa magazine na may insomnia si Apollo at nakakatulog lang ito— isa o dalawang oras sa isang araw. Tingnan mo ngayon halos buong araw na itong tulog habang yakap sa katawan niya ang coat ko. 

"Mag-order na kaya ako ng dinner at dito na lang kami magpalipas ng gabi," bulong ko bago tumayo. Babalik ako sa table ko para kuhanin ang phone ko nang may kamay na humawak sa braso ko. 

Napatingin ako at nakita ko si Apollo na bumangon na habang ginugusot ang mg mata. 

"Gabi na, mago-order ako ng dinner," ani ko bago inalis ang wig ni Apollo nang humarang iyon sa gwapong mukha ng boyfriend ko. 

"Dito? Hindi pa ba tayo uuwi?" medyo paos na sambit ni Apollo, my god ang husky ng boses at ang cute. 

Natawa ako at umupo sa tabi ni Apollo. Humilig ito sa balikat ko habang hawak ang mga kamay ko. 

"May kwarto naman ako dito sa office pwede naman dito muna tayo mag-stay. Malakas din ang ulan at mukhang pagod na pagod ka," ani ko. Mukhang wala kasi talagang energy si Apollo, epekto siguro ng ilang years na walang gaanong pahinga at stressed. 

"Hindi ko alam. Antok na antok ako kapag nasa paligid lang kita."

"Is that good right? Nakapagpapahinga ka," ani ko bago lingunin si Apollo na parang bata lang na tumango.

"Akin na phone mo. Mag-order ako ng dinner natin," ani ko. Inabot naman ni Apollo ang maliit na bag na dala niya. 

Kinuha ko ang phone ni Apollo sa maliit na bag gamit ang isang kamay dahil hawak ni Apollo ang isang kamay ko. Binuksan ko iyon at napatigil ako matapos makita ko ang mukha ko sa lockscreen. 

Picture ko ito 'nong highschool at ito iyong picture kung saan kinakain ko ang chocolate na binigay niya habang nagsusulat. 

"Matagal na ang picture na ito. Saan mo ito nakuha?" tanong ko bago pinakita kay Apollo ang litrato na iyon. Isa iyon sa litrato na naka-save sa camera ni Chloe. 

"Lagi ko 'yang nasa phone simula ng sinend sa akin iyan ni Chloe," sagot ni Apollo na kinangiti ko. Sinilip ko si Apollo kaya napatingin ito sa akin. 

"Next time, picture tayong dalawa. Hindi na stolen okay?" ani ko. Natawa si Apollo at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. 

"Okay," sagot ni Apollo.

Territorial Kings: Tamed By The Sexy GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon