Hello mga ka Wattpad. Tawagin niyo nalang po akong JC, nagpapakilalang writer ng story. Technically, hindi naman talaga ako writer in fact, malayo ang propesyon ko sa pagsusulat. Pagsagot ng telepono ang trabaho ko at BSHRM naman ang kurso ko. Layo diba? Pero subok lang, bakit hindi?
First timer po hindi lang dito sa Wattpad kundi sa pagsusulat ng istorya. Medyo ambisyoso kasi ang inyong lingkod. Nangarap baka mapa sama ang gawa sa Wattpad Presents, movie ng Star Cinema, sa radyo, magazine, tabloid at tik-tik. Sa madaling salita, paki add sa library ninyo ang obra maestro ko. Pagkahilig lang sa movies at malawak na imahinasyon ang puhunan ko sa pag susulat. Kaya naman puwede itong i-share, ipagkalat o ilagay sa sobre at ipadala sa mga kamag anak.
Medyo ask lang po tayo ng permission, bukod kasi sa oras at pagod na masasayang, pride ko po ang mawawala hehehe. Hindi po ako madamot pramis tiyaka hindi rin nangangagat. Bilang virgin este baguhan, open po ako for feedback nang sa ganun alam ko kung ipapagpatuloy ko pa ang kahibangan na to.
Medyo tumatagal na ata kaya hindi ko na patatagalin pa. Umpisahan na nating buklatin ang bawat pahina.
Enjoy reading!!!
BINABASA MO ANG
my EX from the PAST
Short StoryEx from the past? Bakit may Ex ba from the future? Paano nga kung manyari ito? Ano ang gagawin mo if ang Ex mo ay magbalik mula sa nakaraan, dala ang lahat ng mga ala ala na pilit ng kinalimutan sa kasaluyan?