Unang beses na nalate si Jessie sa opisina kaya lahat ng tao don, sakanya naka tingin. Paano naman, siya ang huling taong dumating.
"Best aga mo naman ata pumasok para bukas? Nangyari sayo? Tumawag si Joel pinapa follow up nya yung i-oorganize nating debut sa Cainta. Tiyaka nga pala nawawala ang guest list dito sa table paki..." biglang natigilan sa pagsasalita si Ynah ng humarap ito sa kay Jessie. Nakita nitong balisa at halata ang pag ka tense ng bestfriend niya.
"Anong nangyari sayo? Nagahasa kaba?" tanong ni Ynah."Best, may nangyari! Tiyak hindi mo ko paniniwalaan, pero I swear, totoo lahat!" paliwanag ni Jessie. At dun na niya kinuwento ang lahat lahat ng nangyari. Bestfriend niya ito at alam niyang mauunawaan siya ni Ynah. Never pa kasi siyang nagsinungaling dito.
"Best, adik ka? For sure hallucination mo lang to. Obsess kalang sa ex mo. May Arjames kana diba?" Naguguluhang tanong ni Ynah.
"Best, kailan ba ako nagsinungaling sayo? Kailan mo ba ako nakitang ganito?" paliwanag ni Jessie.
"Oh siya, kung totoo man yang mala sa demonyong relos na yan, ano na ang gagawin mo?" tanong ni Ynah ngunit halata parin sa mukha ang pagkataka.
"Hindi ko alam best, natatakot nga ako sa mga posibleng mangyari." sagot ni Jessie.
"I have a brilliant idea! Tutal naman bumalik ang ex mo from the past, bakit hindi mo siya gantihan? Iparanas mo sakanya lahat ng pinag dusahan mo!" ang maitim na plano ni Ynah.
"Ano ba best, he's on the week before he left. Hindi pa nga niya alam na iiwan niya ako after. Ayoko naman maging unfair." paliwanag ni Jessie.
"Gaano ka kasigurado? Malay natin matagal na niya palang plano yun. Paasahin ka at pagkatapos iiwan!" halata sa mukha ni Jessie na hindi ito kumbinsido sa plano ni Ynah.
"Putang ina naman best, hanggang ngayon umaasa kapa? Eh diba after a week ng ika 9th monthsarry ninyo, hindi na siya nagparamdam. Ni text, tawag, hi o hello wala! Tapos unfair? After five years ngayon mo nga lang ulit siya nakita and this is your chance." paliwanag ni Ynah sa mukhang na kukumbinsing si Jessie.
"Alam mo best, may point ka. Tama, this time ipaparanas ko lahat sa kanya ang sakit." pagbabanta ni Jessie. (medyo kontrabida ang dating niya rito pero aminin naman natin, sino ba ang hindi isinumpa ang mga ex nilang niloko sila?).
"May problema lang tayo ngayon." wari ni Ynah.
"Ano naman yun?"
"Best, paano kung magkita ang dalawa? Si Orlie at Arjames?"
Na shock si Jessie sa tanong ni Ynah dahil alam nito na umuuwi si Arjames sa dating bahay. Sabay tinginan ang dalawa sa isat isa at dali daling umaalis para i-check ang dati nitong bahay at bigyang babala si Arjames.
BINABASA MO ANG
my EX from the PAST
Short StoryEx from the past? Bakit may Ex ba from the future? Paano nga kung manyari ito? Ano ang gagawin mo if ang Ex mo ay magbalik mula sa nakaraan, dala ang lahat ng mga ala ala na pilit ng kinalimutan sa kasaluyan?