Chapter 11: "Someone's always saying goodbye "

53 5 0
                                    

Dapit hapon at tila malungkot ang paligid. Isang puso ang nais humingi ng kapatawaran.

Nilapag ni Orlie ang mainit na mami at tatlong pulang rosas na paborito ni Jessie. Inilapag ito sa table malapit sa dalaga.

Nakatalikod itong si Jessie at malayo ang tingin na tila malalim ang iniisip at gustong kumawala sa nararamdaman.

"Okay naba ang tampo ko? Saan ang masakit? Hehehe. Mami oh kain ka na? Sige ka, uubusan kita!"

Naka ngiti at pilit na tinatakpan ni Orlie ang tunay na nararamdaman niya. Gusto niyang makita siya ni Jessie na masaya at tila walang nangyari upang gumaan ang pakiramdam nito.

"Tampo ko, wag ka ng magtampo. Love na love kaya kita. Akin na, pupunasan ko lang mga luha mo. Alam mo ba na sa tuwing umiiyak ang baby tamp's ko, doble yung sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko naman gusto na lagi kang iwan. Kailangan kasing gumawa ako ng paraan para sa future natin, hindi kasi puwedeng ganito lang tayo. Paano tayo bubuo ng pamilya kung kaunti lang ang kinikita ko.
Sorry din kung lagi kitang nasisigawan at inuutusan. Napansin ko kasi na umiikot nalang ang mundo mo sa akin. Paano kung wala ako, paano ka tatayo sa sarili mong mga paa?
Pero ito.. nakakabigla lang, how my baby girl grow up and can make her own decisions?
Ang dami na palang nagbago sayo. Madami na palang nangyari.
Nakatapos ka and became successful to your career.
May magarang sasakyan at malaking bahay.
You achieved all of this by your own and I'm proud of it.
Masakit lang dahil wala ako sa tabi mo ng nakamit mong lahat ng ito.
Kasi tampo ko, pangarap natin to eh.
Sabay natin tong plinano.
Kaya naman ako nag susumikap dahil gusto kong ibigay lahat ng ito sayo.
Pero mayroon ka na palang sariling buhay at hindi na ako kasama don.
Wala akong ideya kung paano tayo humantong sa ganito, basta ang alam ko lang.... Mahal na mahal kita."

Buong pusong salaysay ni Orlie sa noo'y emosyonal na si Jessie. Lumipas ang gabi na mahigpit ang pagkakayakap ng dalawa sa isat isa.

Isang umaga, tanging si Jessie nalang ang nasa kuwartong yun at si Ynah na dala dala ang isang balita. Eto na pala kasi ang huling araw na makikita niya si Orlie. Puno ng dalamhati ang nangibabaw sa puso ni Jessie dahil tila naulit lang ang lahat sa dati. Sa pangalawang pag kakataon ay nasaktan nanaman siya at naiwan.

Makalipas ang pitong taon ay naging ganap na misis Villanueva si Jessie. Kinasal at nagkaroon ng tatlong anak sina Jessie at Arjames. Pinangalanan nila itong si Ethan, joy at Carl.
Nag migrate sila sa Canada at doon nagpatuloy sa kanilang buhay.

my EX from the PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon