Ngayon ay alam na natin ang mga tunay na kaganapan. Pero hindi parin malinaw sa atin kung ano ba talaga ang dalang balita ni Ynah na lubos na nagpadalamhati kay Jessie.
Ibinalita ni Ynah na mayroon silang kliyente na kakauwi lang galing Dubai na nag nga ngalang Maria Elaine Francisco. Nais nitong mag pa organize ng wedding sa kanyang long-time partner.
Dahil sa pag ba-background check ni Ynah sa kanilang kliyente, doon niya napag tanto na kapatid pala ito ni Orlie.
Nalaman nila ang nakakapangilabot na katotohanan, na si Orlie ay halos mag lilimang taon ng patay.
Nung araw ding yun ay pumunta sila sa puntod ni Orlie at nabigla dito si Jessie. Dahil ang petsa ng pagkamatay nito ay isang araw bago ang kaniyang aksidente.
Ikinuwento pa ni Ynah ang lahat lahat na mga nangyari. Napag alaman niya na si Orlie pala ang nakasakay sa itim na kotse na humarang at pumagitna upang sagipin ang buhay niya. And then she realized, na ang peklat sa kanyang kanang braso ang sasagot sa matagal na niyang katanungan, ang minahal nga siya ng taong lubos na minahal niya.
Mahirap at masakit man sa kalooban ngunit kailangan na niyang tanggapin that during the present time, wala na pala talagang nag nga ngalang Orlie ang nabubuhay. At ang lahat ay mananatili na lamang
Ala ala.- THE END-
Ano ba ang natutunan natin sa kuwento ni Orlie at Jessie? Siguro bawat isa sa atin may kanya kanyang intepretasyon. Ang iba siguro ay naka relate sa mga karakter.
Ano nga ba ang mararamdaman mo kung sa tagal ng panahon ay makikita mo ulit ang ex mo na nanloko sayo? Maiinis kaba, magagalit, o mamahilin muli? Tulad ba kita na naisip gantihan at iparanas sa kanya ang lahat ng sakit? Yung malaman niya lahat ng mga pinag daanan mo? Yung masagot ang katanungang bakit? Sino nga ba sa atin ang hindi naloko at iniwan? At sino naman ang nagtanim ng galit?
Natutunan ko siguro sa kuwentong ito ang matuto tayong tangapin ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan. Marahil sa iba ito ay masakit at mahirap pero isipin natin na kaya nangyari ang lahat ng mga ito ay dahil mayroong dahilan. Mayroong perpektong rason ang Diyos kung bakit natin ito pinag daanan, ipadaan man sa iba't ibang pamamaraan. We should learn how to forgive. Paano ba tayo makaka move on sa kasalukuyan kung hindi tayo mag papatawad at tanggipin ang lahat sa nakaraan.
Na realized ko din na love is all about sacrifice.
Pag nagmahal ka pala, Kailangan handa ka. Handa kang i-priority ang ibang bagay, gawin ang mga hindi nakasanayan, tanggapin ang ibang tao kahit hindi gusto, tanggapin ang lahat ng mga kamalian at kahinaan niya, magparaya, ang masaktan at isuko ang sariling kaligayahan dahil ang lahat ng ito ay sakripisyo. Sakripisyo dahil nagmamahal ka.Maaring iba sa inyo ay sang ayon sa akin, ang iba marahil ay hindi. Magkakaiba man ng interpretasyon o ipinyon sa kuwento, ang mahalaga ay mayroon tayong natutunang aral. Mga aral ng kahapon na babaunin natin sa
kasalukuyan at ipapagpatuloy sa hinaharap.Hindi man siguro makatotohanan ang tema ng istorya, ngunit sa maniwala kayo o sa hindi ang kuwentong ito ay hango sa mga totoong mga pangyayari. At ito ang kuwento ko.
SALAMAT
BINABASA MO ANG
my EX from the PAST
KurzgeschichtenEx from the past? Bakit may Ex ba from the future? Paano nga kung manyari ito? Ano ang gagawin mo if ang Ex mo ay magbalik mula sa nakaraan, dala ang lahat ng mga ala ala na pilit ng kinalimutan sa kasaluyan?