Chapter 2: " Isang araw at ang Orasan "

124 7 3
                                    

Nag ring ang telepono ng umaga. Tumatawag ang bestfriend niyang si Ynah."Best, gising na. May kliyente tayo ngayon. Mag o-organize tayo ng children's party. Ano na, tayo na?"

Sabay gulat at biglang tayo sa pagkakahiga si Jessie "ay oo nga, ngayon pala yun. Please pakihanda na ang crew. I'll be there." sabay punta ng office.

Magaling na event organizer si Jessie with her partner Ynah. College bestfriend ang dalawa. Kaya siguro sila naging successful at in demand dahil sa tandem nila.

"Well, thank you for choosing Cordova's Event. We can assure you for a quality of service that you deserves." isang deal nanaman ang nagsara sa araw na yun. Masarap sa pakiramdam tuwing nasasabi niya ang mga katagang ito, dahil nababanggit niya ng buong galak ang pangalan ng kumpaniya niya. Hango kasi ito sa pangalan ng tita niya dahil ito ang nagpalaki sa kanya. Malaki kasi ang utang na loob niya rito. Ulilang lubos na kasi itong si Jessie.

Isang normal na araw ito para kay Jessie ngunit ito pala ang magbabago ng lahat. Gising ng umaga, ligo at pipili ng susuotin. Agad na pagkuha sa pink na t-shirt at pinatungan ng blazer upang matakpan narin ang peklat sa kanang braso at pagsuot ng jeans. Ngayon, handa na siya. Confident itong pupunta sa location ng event.

"This is a wonderful party. Hindi ako nagkamali sa pagkuha sa inyo." sambit na galak na galak na customer na si Mrs.Turqueza.

"We're happy to hear that maam. Because in Cordova's Event, we value every moment that your son will treasure for a lifetime." isang mayabang na sagot ng ating bida.

" Absolutely! Well, thanks again Jessie. Pupuntahan ko muna ang ibang bisita. I'll be back." at nagmamadaling umalis si Mrs.Turqueza.

Habang abalang abala si Jessie sa next client nila, ay may isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya. Maayos itong manamit. Naka fedora hat, white na polo, slack na black at brown na shoes with matching tungkod siyempre.

"Apo, bakit hindi ka nag lalaro tulad ng ibang bata? Tignan mo, kay saya nilang pagmasdan. This is a good day for such a wonderful party diba? Huwag mong sayangin ang panahon na ito, baka hindi mo na ito mabalikan at pag sisihan mo. Tulad ng nakilala ko."

"Lolo naman, malaki na po ako para diyan and in fact, ako po ang gumawa ng party na ito. Thank's for the compliment by the way" at biglang baling sa kausap niya sa telepono.

"Ako alam mo, kung may babalikan ako sa nakaraan, gusto kong bumalik sa pagka bata. Gusto kong maranasan ang maging malakas muli at maglaro maghapon. Yung wala kang iniisip na problema at masaya lang ang lahat."

Napalingon sa kanya si Jessie at halatang nakuha neto ang atensiyon.

"Ikaw apo, kung may babalikan ka sa nakaraan, ano ito?" biglang napag isip si Jessie at halatang gulat sa tanong ng matanda. "Tignan mo itong kuwintas na orasan, pag suot ko ito iniisip ko akin ito, akin ang oras. Pero paano nga kung kaya nating patakbuhin ito? Ano ang babalikan natin sa nakaraan upang mabago ang kasalukuyan?" dag dag pa ng matanda.

"Hindi ko alam, pero parang ayoko ng bumalik sa nakaraan" nagugulahan ngunit pilit na sagot ni Jessie.

"Ayaw mo bang balikan ang panahon na natamo mo ang peklat diyan sa braso mo?"

Nagulat ito kung paano nalaman ng matanda ang peklat sa braso neto.

"ito apo suotin mo at isipin kung ano ang gusto mong balikan." pagpupumilt ng matanda at sabay abot nito kay Jessie.

Gulat man ngunit sinagot parin niya ang tanong ng matanda. "Ang sugat po sa braso ay madaling humilom pero ang sugat sa puso ko na dahilan neto matagal bago nawala. Kaya ba't ko pa babalikan ang panahong iyon, para magtamo ng panibagong sugat at muling masaktan?" paliwanag ni Jessie. "lolo sorry po pero may aasikasuhin pa po ako." biglang alis ni Jessie ngunit halata sa mukha niya na mayroon nga siyang gustong balikan sa nakaraan.

Natapos ang araw at hindi na muling nakita ni Jessie ang matanda. Sumakay ito sa kanyang magarang kotse, nag desisyon na umuwi sa dating nitong bahay at nagpatuloy sa dati nitong buhay.

my EX from the PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon