"Best, ano ba? Nung isang araw pa ako tawag ng tawag at text ng text sayo! Naka off ang phone mo. Ano ba ang nangyayari sayo? Ang debut sa Cainta! Pina follow up yan sayo ni Joel nung nakaraang araw pa. Bukas na, pero wala pading progress! Hindi ka naman dating ganyan. Ano, nga nga? Ano bang pinakain sayo ng lalaking yan at nagkakaganyan ka? At ang jowa mo, nakuh panay ang kulit sa akin. Kung ano ano nalang binibigay kong dahilan" bungad ng naiinis na si Ynah sa noo'y kakagising lang na si Jessie.
"Best, sorry na. Di bale gagawan ko ng paraan to" pag uumanhin ni Jessie.
"Tampo ko ang agang trabaho naman yan" sabay yakap ng mahigpit at halik ni Orlie kay Jessie.
"Sige best, oo. Okay sige. Ako na ang bahala. Mamaya tatawagan kita" biglang patay sa telepono upang asikasuhin si Orlie.
"Good morning Sungit ko! Ano gusto mo for breakfast? Pandesal, sinangag o pan cake?" naka ngiting pagbati ni Jessie. Halata sa mukha nito ang pag ka blooming at in love.
"Huh? Wala!" sagot ni Orlie
"Bakit?" biglang tanong ni Jessie.
"Eh kasi ang gusto ko... Ikaw! Halika nga pa kiss sa baby ko" pag lalambing ni Orlie.
"Ang aga hah. Ang agang banat naman yan"
Tila bagong kasal ang dalawa sa sobrang ka sweet-an.
"Tampo ko, bukas nga pala may pupuntahan tayo hah " pagyaya ni Orlie.
"Huh? Saan naman?" tanong ni Jessie.
"Papakilala na kita sa ate ko. Naku, excited na yun. Matagal na kasi kitang kinukuwento sa kanya."
Nagulat si Jessie sa mga narinig at nabasag niya ang baso na noo'y sanang i-aabot kay Orlie.
Dahil alam niyang hindi dapat ito mangyari."Naku sungit ko, sorry. I can't make it. May aasikasuhin kaming debut tomorrow sa Cainta. Matagal na yun kaya hindi puwedeng ma postpone."
Buti na lamang ay nagkataon dito ang event nila sa Cainta na matagal ng naka booked at ito narin ang dahilan sa pagtaanggi niya."Ah ganun ba, okay sige. Wala namang problema.... Basta kasama ako!" wika ni Orlie.
"Hah? Sungit ko, please wag na. Trabaho yun. Baka ma boring ka lang tiyaka hindi kita maasikaso dun" pag pigil ni Jessie.
"Okay sige. Eh di ako nalang pupunta kay ate bukas. May mga kukunin din kasi ako" wika ni Orlie.
Wala ng nagawa si Jessie kundi isama na lang si Orlie sa event nila imbes na pumunta pa ito sa ate niya.
____________________________
__________________Agad na napag handaan ni Jessie ang event kahit rush na ito. Hindi naman ito imposible sa husay niya.
"Oh best, anong nangyari sayo? New look?" pagpansin ni Ynah sa bagong itsura ng bestfriend.
"Hindi ba maganda? Bagay ba? Ano itsura ko?" tanong ni Jessie na very conscious sa look niya at halatang nag aayos para sa isang tao.
"Relax, okay? Wala akong sinasabing hindi bagay, nakakabigla lang. Yan ang dati mong itsura eh" pagpapaliwanag ni Ynah
"umamin ka, yun ba ang dahilan?" dag dag ni Ynah at turo sa naka upong si Orlie."Best, sabi ko nga akong bahala diba? I can handle this. Everything is still under control. Please, trust me" paliwanag ni Jessie sa kaibigan.
"Tigilan mo ko, hindi mo ako kliyenteng kaya mong paikutin. Iba yang sinasabi ng mga mata mo... Alam mo kung ano ang sitwasyon! Hindi siya dapat naririto! Tandaan mo yan!" wika ni Ynah sabay alis upang asikasuhin ang mga kailangang gawin ngunit na sa mukha niya ang pagka dismaya. Sa tingin nito, hindi natutupad ni Jessie ang totoong plano.

BINABASA MO ANG
my EX from the PAST
Short StoryEx from the past? Bakit may Ex ba from the future? Paano nga kung manyari ito? Ano ang gagawin mo if ang Ex mo ay magbalik mula sa nakaraan, dala ang lahat ng mga ala ala na pilit ng kinalimutan sa kasaluyan?