Chapter 8: " Let's play the love game "

69 5 0
                                    

Kina umagahan ay nagulat si Jessie dahil nauna sa kanyang nagising itong si Orlie. Handa na ang almusal nito.

"Tampo ko, kain kana habang mainit pa. Nga pala, kahapon ko pa hinahanap ang cellphone ko, nakita mo ba? Titext ko sana ang boss ko, may ipapa follow up lang ako."

Nabigla si Jessie dahil wala sa mukha ni Orlie ang nangyari kagabi. Bagkus naka ngiti ito at asikasong asikaso pa ang dalaga.
Sa mga sandaling iyon mala prinsesa ang pag trato sa kanya ni Orlie.

"Akala ko ba babawi ka this week? Bakit trabaho na naman ang inaasikaso mo? Sayang, wala pa naman akong pasok till Monday tiyaka sayang din tong dalawang tickets for EK!"

Natuwa si Orlie dahil napag handaan na pala ni Jessie ang plano nilang mag pa EK.

"Kaya huwag mo nang hanapin payang cellphone mo. Iwan mo narin ang trabaho at ako naman ang asikasuhin mo. Okay?"
Pag dahilan ni Jessie para hindi na mag halungkat ng kung ano anong bagay si Orlie.
Tanging matamis na ngiti ang ginanti ng binata.

Parang batang excited na nabigyan ng laruan itong si Orlie ng papasok sa entrance ng amusement park ngunit salungat naman itong si Jessie na suot ang pink na t-shirt na regalo ni Orlie. Telepono ang kaharap nito at kausap ang mga kliyente. Halata kasi sa mukha na napipilitan itong gawin. Dahil para sa kanya, aksaya lang ito ng oras. Oras na napakahalaga para sa kanya.

"Haixt tampo ko, tama na nga yan. Tara na oh, dami pa nating rides. Uunahin pa natin ang roller coaster! Hahaha" pang asar na pag yaya ni Orlie.

"Roller coaster talaga? Diba pedeng antayin na lang kita dito?" sarcastic na tanong ni Jessie na halatang na pipilitan.

Wala na ngang nagawa si Jessie ng hilain ito papasok at umpisahan ang gabi sa piling ni Orlie.

Sumakay sa ibat ibang rides tulad ng roller-coaster, Vikings at kung ano ano pang extreme rides.

Para mapahinga naman, naisipan ni Orlie na pumasok sa Horror House.

"Ano ba? Kung saan saan mo ko dinadala! Papatayin mo ba ako?!" pagkayamot ni Jessie.

"Tampo ko, sige na try natin dito. Enjoy to! Sa tabi lang kita. Pramis hindi kita iiwan." tumatak ang salitang yun tagos sa kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman na ang lalaking nawala sa kanya ng limang taon ay ngayo'y na nga ngakong hindi ito iiwan.

Hinawakan ng mahigpit ng mahigpit ni Orlie ang mga kamay ni Jessie at sabay silang pumasok sa loob.

Maraming rides pa ang mga sumunod. Sa pambihirang pagkakataon ay nakaramdam ng kakaibang saya si Jessie. Matagal narin kasing subsob ito sa trabaho at pag aasikaso kay Arjames ang inaatupag.

Hinayaan na niyang dalhin siya sa kung saan man ni Orlie.
Lalo pa't ngayon lang niya ulit nakita na ganun kasaya at excited ang binata.

Dahil sa nakaramdam na ng pagod ang dalawa, umupo muna ito at nag pahinga sandali. Napansin ni Orlie sa kaliwang dako niya na may mga pumipila para mag pa hula.

Agad na inaya niya si Jessie para puntahan ang fortune teller. Sinilip ni Orlie ang loob nito. Agad namang pinag bawalan ito ni Jessie sa takot na ano pa ang malaman ni Orlie.

"Halika na huwag na tayo dito. Tignan mo ang dami pang naka pila. Tiyaka nag papaniwala ka pa ba sa ganyan?" agad namang sinunod ni Orlie si Jessie.

"Sige na nga tampo ko. Eh mukhang mas magaling pa ako diyan. Gusto mo hulaan kita? Magaling kaya ako!" pag mamayabang ni Orlie.

"Ows talaga? Oh sige, eto hulaan mo ko!" pinatulan naman niya ang trip ni Orlie.

my EX from the PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon