Si Jessie Garcia o kilalanin nalang nating Jessie ay isang successful event organizer. Average girl, mabait pero dominant at sophisticated na tao. Para sa kanya mahalaga ang oras. Dahil dito siya kumita maliban sa malik hain niyang pag iisip. Matatag na tao si Jessie siguro narin sa mga nangyari sa kanya from the past. Utak ang puhunan niya at hindi basta basta nagpapaloko at nauuto. Paano siya kikita? Yan ang mahalagang tanong para sa kanya. Napaka perpekto ng buhay niya ngayon kung tutuusin. May malaking bahay, magarang sasakyan, successful business at higit sa lahat perfect love life. Wala namang perpektong love life, pero yun ang tingin nina Jessie at Arjames sa isat isa.
Five years narin silang magkasama pero wala muna sa plano ni Jessie ang maging misis Villanueva, business muna daw ang priority niya. Sa limang taon na ito, swabe ang pag sasama ng dalawa. Tamang sangkap ng pagmamahalan daw kung baga. Sabi nga nila "huwag masyadong mahigpit sa pagkakapit baka masakal at huwag din daw masyadong maluwag baka makawala."
Ibang iba si Arjames sa mga nakilala ng ating bida. Papaano naman kung magkaroon ka ng boyfriend na matangos ang ilong, may dimple, nagngungusap ang mga mata, matikas, maputi at matangkad or in short guwapo.
Mabait, pasensyoso at lagi niyang priority si Jessie. How perfect diba? Wala nga lang bilib sa sarili at si Jessie ang nasusunod sa lahat. Pero halos sa kabila ng pagka perfect ni Arjames, ay natutunan lang pala siyang mahalin ni Jessie. Sabihin na nating mahaba ang buhok niya pero yun ang totoo. Paano nangyari ito? Dito na po mag sisimula ang ating kuwento.
BINABASA MO ANG
my EX from the PAST
Short StoryEx from the past? Bakit may Ex ba from the future? Paano nga kung manyari ito? Ano ang gagawin mo if ang Ex mo ay magbalik mula sa nakaraan, dala ang lahat ng mga ala ala na pilit ng kinalimutan sa kasaluyan?