Chapter 10: " The Scar "

48 5 0
                                    

Sa labas ng operating room nag aantay ang balisang balisa na si Orlie.
Puno ng dugo ang damit nito at bakas parin sa mukha ang pagka bigla sa mga nangyayari.

"Tang ina mong gago ka! Anong ginawa mo sa Mahal ko?"
Sabay suntok kay Orlie sa noo'y galit na galit na si Arjames.

"Hayop ka! Ano nanaman ba ang ginawa mo?"
Hindi kilala ni Orlie ang taong galit na galit sa kanya.

"Sino ka ba? Hindi Kita kilala!" nagtatakang tanong ni Orlie.

"Siya ang boyfriend ngayon ni Jessie. They've been together for almost five years Orlie" sagot sa noo'y umaawat na si Ynah.

"Bakit ka ba nag balik hah? Masaya na kami ng mahal ko bago ka pa dumating" wika ng nag pupumuyos sa galit na si Arjames.

Walang naisagot si Orlie. Umupo nalang ito sa pag ka lumo sabay patak ng mga luha nito.

Napansin niya na halos na nginginig sa pag-aalala si Arjames. Animo'y takot na takot baka anumang oras ay mawala ang pinaka importanteng tao sa kanya. Sobrang nasaktan dito si Orlie. Dahil sa akala niya na siya lang ang nag mamay-ari sa tampo niya.

Sa mga oras na yun, alam niya sa sarili niya kung sino ang mas may karapatan kay Jessie. Wala etong nagawa kundi umupo sa dulo at magparaya.

_________________________________________

Tahimik na ang paligid at tila nahimas masan na ang lahat sa mga pangyayari.

Nilapitan ni Orlie si Arjames upang aluking kumain dahil buong gabi itong nagbantay at balisa sa pag-aantay ng resulta.

"Alam mo ba kung gaano ako nag alala?
Malamang, wala kang alam! Hindi kasi ito ang unang beses na naaksidente si Jessie."
Nagulat si Orlie sa rebelasyong iyon ni Arjames.

"Nung araw kasi na binalak niyang puntahan ang ate mo dahil sa ilang buwan na hindi narin ito sumasagot sa tawag at text niya at magbakasali narin kung nandun ka, hindi niya nagustuhan ang kanyang nakita.
May kasama kang ibang babae at tila pinapakilala mo siya sa ate mo. Hindi niya ito kinaya kaya naman agad itong umalis at tumakbo.
Gusto niya daw tumakbo ng malayong malayo. Kaso isang aksidente ang nangyari. Mayroong paparating na truck na sasagasa sana sakanya buti't may itim na kotse ang humarang dito ngunit nahagip parin siya. Nagtamo siya ng malubhang sugat sa kanang braso.
Ang sabi ng doktor may posibilidad na putulin ito.
Wala siyang ibang malapitan kundi ang tita Cordova niya. Hindi siya matiis nito kaya't lahat ng ari arian kasama ang lumang bahay na tanging pamana ng magulang niya ay naisangla at lahat ng ipon ay nagastos sa pag papagaling ni Jessie.
Dahil don, lahat ng mga pinsan niya ay galit sa kanya. Kaya't ng makalabas agad si Jessie ng hospital ay naiwan na siyang mag-isa.
Sinama ng mga pinsan niya ang tita Cordova niya at nag migrate sila sa America at iniwan narin ang bahay na tinutuluyan nila kalapit ng lumang bahay ni Jessie.
Walang makain, matutuluyan at huminto sa pag-aaral si Jessie. Nakilala ko siya dahil tito ko ang may ari ng hospital. Nadala ako sa mga kuwento niya at dun nahulog ang loob ko. Madali lang mahalin si Jessie.
She's a nice girl, smart at sweet. Tinulungan ko hindi lamang financially. Tumayo siya sa sa sariling mga paa at nag working student. Nag trabaho siya sa tito ko. Ayaw niya kasing ipaako ang sarili niya sa iba dahil nadala na daw siya dito. Gusto niyang pagtrabahuhan ang bawat binibigay namin.
Nakatapos siya sa sariling sikap at nangangakong magiging successful para sa sarili at para mabayaran ang lahat ng utang sa mga pinsan at sa tita Cordova niya at matubos ang lumang bahay niya sa pagkakasangla.
Nakikita ko sa mga mata niya noon na hindi kaparin niya nakakalimutan.
Alam ko ikaw parin ang mahal niya.
Maraming beses kaparin niyang tinatawagan at tinetext, pero wala siyang napala.
Sinubakan niya paring puntahan ka sa ate mo pero nagpunta na pala ito ng Dubai.
Hindi ako sumuko kasi alam ko balang araw mamahalin niya parin ako. We have the same experience kaya nauunawaan ko siya at mas lalong minahal.
Sabi ko, hindi ko iiwan ang taong ito.
Ang tagal niyang naayos ang sarili niya at matagal bago niya na realized na wala ka na. Pero ngayon, nagbabalik ka. Sino kaba sa inaakala mo? Hindi ko na siya ibabalik sayo and I will fight for her no matter what!"

Pagsasalaysay ni Arjames.

my EX from the PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon