Gabi na ng nakauwi si Jessie. Umuuwi ito tuwing Thursday upang kamustahin at i-check ang dati nilang bahay. Pagod ito ngunit hindi parin niya makalimutan ang matanda. Hindi na nag dinner at agad itong pumasok sa kuwarto. "Ito apo, suotin mo at isipin kung ano ang gusto mong balikan sa nakaraan" yan ang bigkas ng matanda na paulit ulit na gumugulo sa isipan niya.
Handa na ang damit niyang pamalit ngunit ng akmang huhubarin niya ang kanyang suot ay may naramdaman siya na kung anong bagay sa bulsa ng kanyang blazer. Hindi nga siya nagkamali at ito ang kuwintas na orasan.
"Hindi masama at wala namang mawawala" bigkas ni Jessie sa sarili sabay suot nito at sinunod ang wika ng matanda. Inisip niya ang nakaraan na gusto niyang balikan at ito ay ang panahon kung kailan nakilala niya ang ex niyang si Orlie Francisco. Ang taong dahilan ng kanyang pagbabago.
Anong mahiwagang pangyayari at pag mulat ng mga mata ay waring nasa ibang mundo ito. Laking gulat niya nang nakatayo na siya sa labas ng kuwarto niya. Naririnig niya ang dalawang taong nag aaway sa loob. Akma niyang binuksan ng bahagya ang pinto. "Oh Diyos ko!" yun nalamang ang nasabi niya sa sarili ng makita ang dalawang tao sa harapan niya.
Sino kaya ang mga ito? At bakit ganun ang pagka gulat niya? Siyempre hindi ko na bibitinin pa.
Napaatras siya at napatingin sa kaliwa at sa taas ng pinto. Namutla at halata ang pag ka bigla sa kanyang mukha dahil sa mga nakita. Isang kalendaryo ng year 2009 at pagkabilog sa petsa noong Thursday, September 5 at sa taas nama'y alas diyes ng gabi sa pink na orasan na matagal na niyang naitapon. Higit sa lahat ang pagkakita niya sa sarili at sa ex niyang si Orlie. Isang malaking flashback with matching throwbak ang nangyari. Sariwa pa sa ala ala niya ang mga kaganapan na ito. Dahil ito ang petsa ng ika 9th monthsarry nila at ito narin ang huli. Ano ba ang mararamdaman mo kung muli mong masisilayan ang ex mong matagal mo ng kinalimutan.
Pero mas tumatak sa kanya ay ang makita ang dati niyang sarili na mahina, dependent, iyakin at matampuhin. Laking awa nito sa sarili dahil alam niya na ang pagbabangayan na yun, ang pag uumpisa ng kanilang tuluyang paghihiwalayan. Mabigat at masakit sa pakiramdam ang nasaksihan.
Naalala niya ang lahat ng sakit, puot at hinanakit. Tila kahapon lang ng ito'y nangyari. Hindi na kinaya pa ni Jessie ang nararamdaman kung kaya't dali dali itong umalis at hinubad ang kuwintas na relo at inisip na bumalik na sa kasalukuyan.
Nahimasmasan ito ng sakanyang pag dilat ay naroon na siya sa kanyang kuwarto. Maraming tanong ang naiikintal sa isip "ano yun? Anong nangyari? Bakit ganun? Anong mayroon sa relos na ito?" Mga tanong sa sarili ngunit isa lamang ang sigurado siya, hindi na dapat manatili pa sa kanya ang relos na iyon.
Pagod at halos maligo na sa pawis si Jessie at nag desisyon na ipahinga na lamang ito. Ngunit nabigla ito na may kumakatok sa kanyang pinto at pinipilit buksan ang hawakan.
"Sino yan? Please huwag kang papasok, sisigaw ako!" babala ni Jessie. Wala na siyang nagawa at biglang nabuksan ang pinto sa harap niya. "Ikaw?" ang tanong niya ng masilayan niya ng unti unti ang tao sa harap niya.
"Yes, ako to tampo ko. May kung ano kasi sa labas ng kuwarto akala ko nga magnanakaw. Bigla na lang sumara ang pinto. Pinipit ko ngang buksan pero parang naka lock eh."
Nabigla at halos mahulog si Jessie sa pag kakaupo. Malamang alam na natin kug sino ang taong nakita niya.
"Oh, bigla ka namang gulat na gulat diyan ta's bigla kang nagpalit ng damit at ganyan pa ayos mo. Sinuot mo naman agad yang pink na t-shirt mo, sabi mo bukas mo na susuotin yan kasi bili ko hehehe.. hindi na ba nag tatampo ang baby ko? Halika tabi ka sa akin."
"Bakit, bakit nandito ka? Paano? Ano ginagawa mo dito? Hindi ka dapat nandito!" nanginginig at nagtatakang wari ni Jessie sa taong nag balik mula sa nakaraan. Sino pa ba kundi ang ex niyang si Orlie.
"Oh yan ka nanaman, mukhang lumalala hah. Tigilan mo pag ta-tantrums mo. Pero ewan ko din hah, kasi may sinundan lang ako sa labas ng kuwarto tapos parang may kung anong humigop sa akin at yun biglang sumara ang pinto. Nabigla ako at yan ang ayos mo at suot yung binigay kong t-shirt kanina. Medyo nahihilo nga ako." paliwanag ni Orlie.
Litong lito si Jessie kung ano ba talaga ang nagyayari, ngunit tila lumilinaw na ang lahat para sa kanya.
Nasama niya sa kanyang kasalukuyan ang taong pilit niyang kinalimutan sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
my EX from the PAST
Storie breviEx from the past? Bakit may Ex ba from the future? Paano nga kung manyari ito? Ano ang gagawin mo if ang Ex mo ay magbalik mula sa nakaraan, dala ang lahat ng mga ala ala na pilit ng kinalimutan sa kasaluyan?