Chapter 6: " Past meet the Present "

69 7 2
                                    

Nag ring ang telepono ni Jessie at sabay sagot nito. "Mahal ko, nasa opisina kaba? Papunta ako sa dating bahay. For sure, ubos na ang stock ng foods mo kaya titignan ko kung ano pede kong i-grocery. I la-lock ko nalang after" sagot ni Arjames sa kabilang linya.

"Nakuh please, huwag ka munang pumunta!" pag pipigil ni Jessie.

"Hala eh malapit na ako" sagot ni Arjames.

"Oh shit" yun na lamang ang nasabi ni Jessie sabay baba sa telepono at pag iba ng ruta ng daan ni Ynah habang binibilisan ang pag mamaneho.

Nabigla si Jessie ng makita ang past at present boyfriend sa harapan niya.

"Mahal, bakit nandito ito?" pagtatakang tanong ni Arjames.

"Ikaw, sino kaba? Baby tamp's sino ito? Anong mahal?" nagtatakang tanong din ni Orlie.

"Patay, nahuli na ata tayo best?" pagkalugmok ni Ynah. Salamat na lamang at mabilis ang pick-up ni Ynah sa mga ganitong sitwasyon. Dali dali niyang hinila si Orlie at pumasok sa loob ng bahay. "Oh Orlie, nice to see you again! May tatanong nga pala ako sayo..." halata ang ka-plastikan sa mukha ni Ynah at sabay sara ng pinto.

"Mahal, ano yun? Binalikan mo pala ang ex mo ng hindi ko namamalayan?" halata sa mukha ni Arjames ang pagkabigla at pagka inis.

"Halika muna mahal, sumama ka muna sa akin" pag anyaya ni Jessie.

Sa cafeteria niya ipinaliwanag. Pinaliwanag na humaharap sa isang seryosong sitwasyon si Orlie. Mentally disorder daw ito at naaalala niya na sila pa hanggang ngayon ni Jessie. Siyempre alam naman natin na hindi ito totoo. Pinasinungalingan niya na lamang upang hindi na magtatanong pa at mag imbistiga.

(hay nakuh parehas na siyang nag sisinungaling sa past at present niya. Medyo gumugulo na ata ang kuwento, pero pag patuloy natin).

Dahil sa mahal niya ang dalaga at malaki ang tiwala niya dito, agad itong pinaniwalaan ang istorya ni Jessie. Nagbabala lamang na kung ano ang mangyari ay tumawag lang.

"I can handle this. It's just for this week, para hindi mabigla. Then, dadalhin ko na siya sa mental" paliwanag ni Jessie.

Nagkasundo ang dalawa na pababayaan ni Arjames si Jessie at Orlie. Ganun niya kamahal ang dalaga. Kailanman kasi, hindi nawala ang tiwala neto sa kanya. Ano ba naman ang almost five years na silang nagsasama. Malamang kilalang kilala na nila ang isat isa.

Bumalik sa opisina ang dalawang mag bestfriend at nahimas masan na sa mga nangyari.

"Best, shit totoo nga! Alam mo ba na lahat ng mga pinag sasabi niya ay tunkol sa mga nangyari last 2009. Eto pa, sinabi niya na tapos na niya daw ang pinapagawa ko sa kanyang assignment sa literature. Eh ang pagkakaalam ko, wala naman akong natanggap sa kanya. Ang alam ko nga pinag titripan niya lang ako noon. Pero hinanap niya talaga at hinalughog ang buong bahay kaso wala naman siyang nakita" nangingilabot na kuwento ni Ynah.
"Ano na ang plano mo best?" dag dag pa neto.

"Malinaw na sa akin ang lahat. Ganun pa din, gagantihan ko ang Kumag na yun kahit for this week lang before ko siya ibalik sa mundo niya."

my EX from the PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon