"Nasabi mo sa akin nag file ka ng leave para bumawi diba? Ano tara (Enchanted Kingdom)? Tanong at sabay yaya narin ni Jessie.
"Tampo ko, okay na ba talaga? Hindi ka na ba galit?" tanong ni Orlie.
"Ayaw mo ba? Oo o hindi? Ano?" pagalit na tanong ni Jessie.
Sabay pakita ni Orlie ng pink na t-shirt na bagong laba na sobrang bango kay Jessie with a smiling at kindat pa, nagpapahiwatig na excited na ito.
"Wag kang excited, ako ang mag dedesisyon kung kailan tayo pupunta. Okay?!"
Late na ng gumising si Orlie kinabukasan.
"Wala na palang laman ang ref natin, halika samahan mo ako" pag-anyaya ni Jessie ng makita na medyo paubos na ang mga stocks.
"Wala kabang pasok ngayon?" tanong ni Orlie.
Off ni Jessie ang araw na yun kaya magandang araw ito para sa mga binabalak niya. Ingat nga lang si Jessie baka malaman ng ex niya na nandito siya ngayon sa future. Kaya tinanggal lahat ng kalendaryo, sinira ang radyo at t.v, sinunog lahat ng bills, magazine at news paper habang tulog si Orlie. Naging madali lang ito para sa kanya dahil bihira naman siyang umuwi dito.
Habang namimili sila sa grocery.
"Tampo ko, this Christmas ipapakilala na pala kita kay mommy at kay dad. Uuwi kasi sila from America. Bakasyon lang daw. Hindi kaba excited tamp's kasi matagal mo ng hiling yun diba? Eh kaso itong si ate Elaine (kapatid ni Orlie) papunta na ng Dubai sa boyfriend niya. Kaya next week papakilala na kita sa kanya. Sorry kung ngayon lang, sobrang busy nun laging nag a-out of town eh." kuwento ni Orlie.Napahinto sa paglalakad si Jessie ng marinig niya yun. Dahil noon pa man, yun na ang hinihintay niyang gawin ni Orlie. Eto rin kasi ang dahilan ng mga awayan nila noon.
"Busy ako at marami akong dapat gawin!" pag aalinlangang sagot ni Jessie.
"Baby tampo ko, tara arcade tayo. Malay mo manalo kana ngayon diba?yaya sabay smile at medyo paawa effect ni Orlie.
"Shit, yan nanaman ang titig niya
Kaasar! Pero ang cute parin niya" nasabi niya sa sarili habang naka tingin siya sa ex niya. Hindi nito alam kung bakit na pa oo siya. Siyempre ba naman, sa mga pa cute niyang yun
nahulog noon si Jessie.Halos wala itong points sa laro nilang basketball.
"Ano bayan tamp's, wala paring points? Talo ka pala eh" pang asar ni Orlie.
Naalala niya ang pag iwan sa kanya ng lalaking iyon, kaya biglang lakas ng paghagis sa mga bola.
Halata sa mukha niya ang pagka pikon. Ayaw niyang mag pa lamang ulit dito. Hindi narin kasi siyang sanay na matalo.Natapos ang game at malaki ang lamang ni Orlie.
"Oi hala siya oh. Game lang yun, pikon agad?" wari ni Orlie.
"Wala kang pakialam! Puwede ba tantanan mo muna ako?! Pagod ako, tara umuwi na tayo!" sagot ni Jessie.
Pina upo muna ni Orlie si Jessie. Lumuhod ito sa harap niya at kinuha ang kamay ng dalaga. Inilapat ito sa magkabilang pisngi niya "mapapatawad ba ako ng tampo ko? Sorry na po. Ang cute mo kasi pag na aasar ka eh. Tignan mo namumula ilong mo" sabay smile, pa cute with matching kindat pa. Ewan ko nalang kung hindi ka matunaw sa mga titig na yun.
Cute naman kasi talaga itong si Orlie at talagang malakas ang dating. Napalunok nalang itong si Jessie at nag aya na talagang umuwi.
Hindi na niya pa kasi kayang titigan itong si Orlie.Naka isip ng maitim na balak itong si Jessie. Para nga naman makalamang siya this time. Habang naglalakad ang dalawa pauwi
"Tampo ko alam mo, parang ang weird. Nung nakaraan lang 14.00 php lang ang pamasahe sa MRT, ngayon 23.00 php na. Hindi lang yan hah, sa paglalakad natin sa mall kanina ang dami ng bagong model ng cell phones. Tapos, ano yung tinatawag nilang COC? May narinig pa nga akong Dubsmash at kung anong viral videos daw? How weird hahh!" kuwento ng naguguluhang si Orlie.
BINABASA MO ANG
my EX from the PAST
Short StoryEx from the past? Bakit may Ex ba from the future? Paano nga kung manyari ito? Ano ang gagawin mo if ang Ex mo ay magbalik mula sa nakaraan, dala ang lahat ng mga ala ala na pilit ng kinalimutan sa kasaluyan?