Chapter 4: " He's back from the past "

84 7 2
                                    

Pinalipas na ni Jessie ang gabing iyon. Gumising, naligo, nag check ng mga appointments at naghanda ng breakfast. Parang walang nangyari.

Tinawagan niya si Mrs.Turqueza upang itanong kung sino ang matandang may tungkod na naka suot ng fedora hat,white polo, black na slacks at brown shoes kahapon sa party. "Pasensya na, wala naman akong bisitang matanda tulad ng sinasabi mo at tiyaka children's party yun iha hahaha." pabirong pamimilosopo ni Mrs.Turqueza.

"Ganun po ba, nagbabasakali lang po. Salamat." biglang baba ng telepono at halata sa mukha ang pagkapikon. Nagdesisyon siya na itago nalang ang relo sa takot na kung ano pa ang worse na mangyari.

"Good morning tampo ko! Wow sarap naman niyan. Gutom na ako, tara subuan mo ko hehehe" bati ni Orlie.

"Sige na kumain kana dito, lalamig pa ang pagkain" halata sa mukha ni Jessie ang pagiging hindi komportable niya sa tawag na iyon ni Orlie.

Matagal na panahon na hindi niya narinig ang salitang iyon. "Tampo ko " ang tawag ni Orlie kay Jessie at "Sungit ko" naman ang tawag ni Jessie sa kanya. Paano naman kasi totally opposite ang dalawa.

Matampuhin, sensitive at iyakin noon si Jessie samantalang masungit, isip bata at palabiro si Orlie. Seryoso ang relasyon nila at kahit papaano madalas man ang bangayan, ay nagkakasundo parin ang dalawa. Ganun man ang ugali ni Orlie sweet naman ito kay Jessie. Lagi ngang may surprise tuwing monthsarry nila. Siya ang nagdedesisyon kung saan sila kakain at pupunta. Dahil dito, masyadong naging dependent si Jessie. Palibhasa ulilang lubos kaya't sabik sa pagmamahal. Tinuring na kasi niyang pamilya ang tita Cordova niya at mga pinsan nito. Masyado niyang inikot ang mundo niya kay Orlie at takot na takot itong mawala.
At ito parin ang pagkilala niya sa Jessie na kaharap niya ngayon.

"Sungit naman nito. Halika nga kiss ko ang tampo ko. Tampo parin ba ang baby ko?" lambing ni Orlie.

"Tumahimik ka! Sabi ko, kumain ka dahil lalamig na ito. Wala na akong oras pra initin pa yan!" pagalit na wika ni Jessie sabay kuha ng mga papeles at pag dial ng mga number sa telepono.

Nagulat si Orlie sa inasta ni Jessie. Hindi ito sanay sa nakita niya. Napansin din niya na kakaiba na ito kumilos at manamit. Nagtataka ito sa biglang pag babago. Kagabi lang isang Jessie na malambing, iyakin at manang manamit ang kaharap niya.
Ngayon version 2.0 na Jessie ang kaharap nito. Fiercer, braver at bolder (parang sa palabas ni Toni Gonzaga na You're My Boss. Kala niyo Laida Magtalas no? Hahaha pero parang ganun na nga)

Nagtaka ito at hindi mapigilan ang magtanong. "bakit ganyan kana kumilos? Bakit ganyan kana kung mag ayos? Ibang iba ka kesa kahapon. Nag away lang tau kagabi, biglang ganyan agad?"

Bagama't alam ni Jessie ang kasalukuyang nangyayari, pinasinungalingan na lamang ito.
"Inaasikaso ko ang practicum sa subject kong Event Management pre-requisite kasi yun para sa Thesis ko next Sem" Bagama't tapos na sa kursong BSHRM, yun na lamang ang binigay niyang dahilan upang tumigil na ito sa pagtatanong.

"Kailangan kasi ganito ang ayos, humaharap na kasi kami sa mga tunay na kliyente. Pangit naman kung mag mumukha kang manang sa harap nila diba?" dag dag pa ni Jessie.

"Sorry tampo ko medyo na nibago lang siguro. Bagay naman sayo eh. Nanggigil tuloy ako. Lika nga muna dito lambingan muna tayo" paglalambing ni Orlie.

"Tumigil ka! Pagkatapos mo kumain, hugasan mo ang pinag kainan mo. Linisin mo narin ang bahay at kung maari huwag ka naring lumabas dito. Kailangan ko ng umalis may hinahabol pa akong appointment" nagmamadaling utos ni Jessie.

Hindi parin mawala ang pagkabigla sa mukha ni Orlie. Hindi ito ang pagkakakilala niya sa babaeng minahal niya. Pero inisip na lang nagalit parin ito dahil sa nangyari kagabi.

"Huwag ka mag alala tampo ko, nag file na ako ng leave this week. Alam ko nagtatampo ka kasi nangako ako na mag e-EK tayo (Enchanted Kingdom) sa 9th monthsarry natin. Sorry na hahh. Suotin mo mamaya ang pink na t-shirt mo. Hehe kala mo nakalimutan ko nuh? Nung lunes mo pa kaya ako kinukulit nun" kuwento ni Orlie habang kumakain ng inihandang breakfast ni Jessie.

"Anong oras kaba uuwi mamaya? Para ihanda ko na mga dadalhin natin. Inamoy ko ang t-shirt mo, naku po ang asim.. Hehe ba't ganun kakabili lang eh. Debale wawashing ko nalang mamaya at ida-dryer. Hindi kasi pedeng hindi suotin yun ng baby tamp's ko hahaha" patawang banat ni Orlie.

"Walang aalis! Walang pupunta sa EK o kung saan man. Sinabi ko sayo, wala akong panahon!" pagalit na sambit ni Jessie sabay tunog ng telepono nito dahil tumatawag ang boyfriend nitong si Arjames sa kabilang linya.
"Hello mahal ko? Kumusta kana?" biglang lumayo ito ng bahagya upang hindi marinig ni Orlie.

Ngunit sadyang malakas ang pandinig neto. "Sino yan ha? Anong mahal? Ginagago mo ba ako? Akin na telepono mo!" pagulat na utos ni Orlie.

"Wala kang paki-alam kung sino man ang kausap ko! Tiyaka puwede ba, wala akong panahong makipag argue sa iyo!" sabay nag mamadaling alis nito.

Nagtataka si Orlie dahil ito ang unang beses na sinagot at pumalag si Jessie sa kanya. Dati rati'y kung anong sabihin at inutos niya ay siyang susundin ni Jessie.

my EX from the PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon