Maaring nag tatanong kayo kung saan na ba si Orlie? Ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Ano ba ang dahilan kung bakit siya nawala?
Nung gabing yun, habang mahimbing sa pagkakatulog si Jessie ay dala dala pala ni Orlie ang kuwintas na relo.
Upang lalong maintindihan ang sitwasyon, pinasya nitong bumalik sa nakaraan...
Bumalik siya sa taong 2009.
September 10 nung pinakilala niya si Jessie sa ate nitong si Elaine.
Gustong gusto niya si Jessie dahil sa wakas magkakaroon na siya ng kapatid na babae. Dalawa lang kasi silang magkapatid at sila lang ang naiwan dito sa bansa.
Excited ito sa relasyon ng dalawa dahil sa dami ng mga babae ni Orlie, ngayon lang ito nagseryoso.
Naging independent ito at hindi na umaasa sa magulang na noo'y na sa America. Gusto kasi niya na siya ang bubuhay kay Jessie.
Sino ba naman ang kapatid ang hindi matutuwa?Dahil sa wakas ay mayroon ng mag-aalaga sa kapatid, bago ito lumipad ng Dubai ay kinumbinse ni Elaine ang kapatid na mag sagawa ng surprise dinner date para kay Jessie at mag propose narin.
Kahit hindi pa halos handa sa kasal si Orlie ay isinagawa parin ang balak ng ate nito upang magkaroon ng assurance si Orlie na kanya lang ang tampo niya.Isang bihirang pagkakataon, biglang na assign si Orlie sa isang confidential assignment with work sa Ilo Ilo na may mataas na sahod. Three weeks lang naman yun. Naisip niya grab na niya. Perfect timing sa plano nila ng kapatid niya. Magkukulang kasi ang budget nya for the wedding kung di sapat ang kinikita.
Pinili niyang wag ipaalam muna ito kay Jessie kaya't pinakiusapan at kinasabwat ang ate niya na iwasan at mag sinungaling dito
kasi alam niyang di siya papaalisin lalo na't madalas din itong wala dahil sa sunod sunod na araw na pag o-overtime at pag accept ng iba't ibang assignment sa malalapit na lugar. Electrical Engineering kasi itong si Orlie at isa sa mga pinag kakatiwalaan ng kanilang company. Alam niyang di kaya ni Jessie na magkawalay sila lalo pa't sa malayo siya maaassign.Malungkot man at with a heavy hard, tumuloy siya.
"Para samen to at maiintindihan niya ko" pag iisip ni Orlie.Alam niyang magagalit ng sobra si Jessie, pero alam niyang sa pagbabalik niya, maiintindihan siya nito. At babawi siya ng todo.
Yung three weeks naging isang buwan.Makalipas ang isang buwan, nagmadali syang isaayos lahat.
From the proposal at sa paghahanap ng affordable yet decent house para sakanila ni Jessie."Magdadalawang buwan na, sapat na tong preparasyon na to" Sabi ni Orlie.
Ngunit alam natin na hindi ito ang nangyari.
Isang gabi bago ang proposal, humingi ng tulong si Orlie sa kaibigan niyang si Jasmin, isang caterer at pinakilala niya ito sa kapatid niya.
At ito na pala ang gabing babago sa lahat dahil nung mga oras na yun ay nakamasid lang pala sa malayo si Jessie.Sobrang nasaktan ito sa mga nakita sa pag aakalang nakahanap na ng iba si Orlie. Nagmamadali itong tumakbong palayo.
Halos sabay lang pala silang umalis ni Orlie. Sumakay ito sa itim na kotse na pag mamay ari ng ate niya upang mamili ng mga kakailanganin
At dito na nga naganap ang isang malagim na aksidente.Nagulat siya na masilayan niya ang isang babae na halos masagasaan na ng rumaragasang truck.
Dali daling pinabilis ang pagmamaneho upang iharang ang sarili para mailigtas ang babae, ang babaeng pinakamamahal niya.
Dahil sa mga sandaling iyon, alam niya sa sarili na Kailangan siya ng tampo niya, kahit buhay niya pa ang kapalit.__________________________________________
Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay nasaksihan ni Orlie habang suot ang orasan.
Ngayon, malinaw na sakanya ang lahat.
Hinubad nito ang orasan at buong pusong hiniling na manatili nalang sa nakaraan.
Masakit man pero mas pinili niya na Hayaan nalang ang lahat na mangyari dahil alam niya na ito ang makakabuti, ang huwag baguhin ang nakaraan dahil ang lahat ng ito ay may dahilan.
Animo'y isang iglap ay naganap na ang mga dapat maganap.
Agad na sinugod si Orlie sa malapit na hospital kaiba sa hospital na pinagdalhan kay Jessie.
Umaga na ng medyo stable ang lagay nito ngunit sa pag gising niya, tanging si Jessie ang laman ng kanyang isip.
Alam na niya kasi kung ano ang kahihinatnan nito."Kamusta na ang kalagayan mo? Masakit paba?" tanong ng isang taong papalapit na tinutukoy ang kalagayan ng puso nito.
"Wala na pala talagang mas sasakit pa, kung alam mong mawawala sayo ang taong mahal mo. Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos at binigyan niya ako ng second chance.
Na realized ko nga na para sa akin pala talaga ang orasang ito, upang muling magbalik at mabigyan ng pagkakataong ipadama sa kanya ang pagmamahal ko, mga panahon at oras na dati'y pinag kait ko. Kahit sa huling pagkakataon, na sabi ko rin sakanya na... Mahal ko siya.
Pinili ko na ito ang mangyari, dahil alam ko na darating ang panahon that she can stand by her own.
Darating din ang araw na magmamahal siya at hindi na luluha, darating din ang tao na magmamahal ng lubos at gagawa ng mga bagay na hihigit sa kaya kong gawin. Ang taong magpaparamdam sa kanya kung gano kasarap at kasaya ang magmahal at mahalin.Konting tiis lang tampo ko."
Yun na ang huling katagang kanyang binigkas at siya'y tuluyan ng namaalam. Sa kanyang pag panaw ay hawak hawak nito sa dib dib ang kuwintas na orasan.
Isang matanda na may tungkod na naka suot ng fedora hat, puting polo at black na slacks at brown na shoes ang kumuha sa mahiwagang relo.
Ito pala ang huling taong naka usap at nakasaksi sa mga huling katagang binigkas ng binata.Ang misteryosong hawak ang oras ng buhay ng tao o mas kilala nating si
kamatayan.
BINABASA MO ANG
my EX from the PAST
Short StoryEx from the past? Bakit may Ex ba from the future? Paano nga kung manyari ito? Ano ang gagawin mo if ang Ex mo ay magbalik mula sa nakaraan, dala ang lahat ng mga ala ala na pilit ng kinalimutan sa kasaluyan?