Chapter Eight

5 2 0
                                    

Chapter Eight

Rhichen's POV

Bumangon na ako sa aking higaan at nag ayos ng sarili para pumasok. Lalabas na sana ako nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Shanley.

“Crizelle is awake!” Sabi niya kaya naman ay tumakbo na kami papunta sa silid ni Crizelle.

Tinulak ko ang nakabukas na pinto. Pagka pasok palang namin ay tumingin kaagad sina Hanse at Yno.

Nalipat ang tingin ko sa higaan ni Crizelle at naka upo na ito habang yakap-yakap ni Zyro, napa lunok ako nang makita ko kung paano ni Zyro halikan sa noo si Crizelle.

“C-criz . . .” Lumingon si Crizelle sa gawi namin at napangiti. Hindi ko parin naalis ang tingin kay Zyro pero agad ko iyong iniwas nang limingon din siya.

“Salamat naman at gising ka na.” Sabi ko at lumapit sa kanya para yumakap.

Umalis si Zyro para bigyan kami ng lugar sa kama.

“Ilang araw na ba akong tulog?” Tanong niya.

“Two days.” Sagot ni Shanley.

“Ayos ka lang ba? May masakit parin ba sa'yo?”

Umiling-iling siya at binigyan kami ng matamis na ngiti.

Kinuha ko ang kamay niya na nakapatong sa hita niya. “Hindi mo suot ang—”

“Nang kinuha ni Zyro ang bracelet ni Crizelle ay nahigising siya.” Sabat ni Hanse.

Tumingin ako kay Zyro na prenteng naka upo habang may hawak na libro. Pati siya ay wala ng bracelet na suot.

“So, ako lang pala ang may suot-suot pang bracelet?” Sabi ni Shanley at napatingin ako kina Hanse at Yno na kapwa wala na ring bracelet.

Nakalimutan kong isuot 'yung akin kagabi.

.

“Sinubukan lang namin kung ano ulit 'yung pakiramdam ng may kapangyarihan.” —Yno.

“E di huhubarin ko na din 'yung akin.” Ani Shanley at hinubad na nga ang bracelet niya.

“Habang wala kayo dito kanina ay napag-usapan na naming tatlong lalaki ang susunod nating hakbang,” Ani Yno. “Magsasanay tayong muli.”

“Pero—” Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Zyro.

“Wala tayong mapapala kung magtatago lang tayo. We should continue what we've started. We won't be gods if we'll stay like this.”

Tama siya. Actually lagi namang tama.

“We shouldn't waste Thyra, Larkin and Deilyr's sacrifices. We should at least show them that we're still fighting, that we didn't let them down.”

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumayo siya at tiniklop ang libro.

“Since tomorrow is saturday, magsasanay tayo sa ibang dimensyon.” Aniya at lumabas ng pinto.

“Alam niyo, ang laki ng pinagbago ni Zyro. Lagi na siyang nagw-walk out.” Napatingin kami kay Hanse.

“At lagi na siyang umiiwas, lalo na kay Chen.” Sinamaan ko sila ng tingin at ikinumpas ang kamay sa hangin at mayrong lumabas na espada na gawa sa yelo.

Napaatras naman ang dalawa. “C-chill, Chen.”

Inirapan ko sila. “Practice lang.”

.

Eraine's POV

Habang lumilipad ako sa himpapawid ay bahagya akong natigil nang maka ramdam ako ng kung anong presenya ng isang— dem0nyo.

Agad kong pinalabas ang aking espada na umaapoy.

“Who are you?! Show yourself!”

Iniwasan ko ang mga palasong itim na papunta sa akin. I can smell the poison in it.

“Hmm . . . an immortal. You're one of the royalties, are you?” Lumingon-lingon ako kung saan ngunit hindi ko maramdaman ang presensya nito at boses lang ang maririnig ko.

“You knew about them?” Tanong ko.

Iwinasiwas ko ang aking espada at doon nakaramdam ako ng presensya sa aking likuran.

Handa na itong magtapon ng itim na usok ngunit nailagan ko ito.

“I know you knew about them and where they are. Tell me everything you know and i'll spare your useless, worthless life.” Tinuro ko ang aking espada sa kaniya.

Tumawa-tawa lang siya. Dem0nyo nga naman.

“How could a mere low immortal like you can possibly kill a demon?” He laughed.

“You're wasting my time. Prepare for your de@th!” Sabi ko at nagpalabas ng apoy.

Pinalibutan niya ako at bumilis ito ng bumilis hanggang sa unti-unting nawawala ang aking apoy sa kamay.

Dinig ko ang tawa nito pero ngumisi lang ako at pumikit at napadilat nang tuluyan marinig ang malalakas na kulog.

“Strike.”

Tuluyang lumapad ang ngisi ko nang makitang natamaan ng kidlat ang aking kalaban.

Gulo ang buhok nito at tanggal ang ilang kasuotan. May itim na dugong dumadaloy sa kanyang bibig at mahuhulog na sana nang
kontrolin ko ang hangin upang saluin at ilapit siya sa akin.

.

Nang maimulat nito ang mata ay gulat na gulat itong nakatingin sa akin.

“Sabi ko naman sa'yo e, sana nagsalita ka nalang.” Ako naman ang tumawa. “Anong tawag mo sa akin kanina? A mere low immortal? Mahina? Mahina na nga ako, natalo pa kita.”

“A . . . a g-goddess?” Hirap na tanong niya.

“Oh my! Pasensya na itinago ko ang presensya ko bilang diyosa, napagkamalan tuloy akong mahina.”

Dinuro ako nito at napahiyaw ito nang maputol ang braso nito.

“No gods nor demons should point its finger to me. It's considered disrespectful and you're also putting yourself in your de@th.”

“Magsasalita ka o tutuluyan na kita?”

Humihiyaw lang siya at sinubukang mag summon ng iba pang demons pero agad akong gumawa ng barrier na walang makakarinig sa kanya o lumabas ang ilan sa salita niya.

“Ano ba! Nasasayang mo ang oras ko!”

“N-no! Wala akong sasabihin! Kill me if you want but you won't get any information from me!”

Tatawa na sana siya ngunit agad na naputol ang ulo niya. Unti unting nagiging abo ang katawan niya.

Nag aksaya lang ako ng panahon sa isang 'to. Sana tinuluyan ko nalang noong una palang.

I have calmed the sky and returned to my house.

Luckily, before he d!ed, i caught his memory.

“So, totoo nga ang hinala ko. My six students are the royalties . . .”

A playful smirk plastered on my face as i watch the school not far from here.

They're really good at hiding. Sa pagtatago nila, hindi nila alam na marami na pala silang nakaka salamuhang kalaban,

Hindi pa sila nagiging diyos at mahina pa.

Napa-iling ako. Ano naman ang kanilang dahilan ng pagtatago? Bakit nila pinaslang ang mga diyos na tumuturo sa kanila?

-End of chapter eight.

My Teacher Is A Goddess Where stories live. Discover now