CHAPTER TWENTY-EIGHT

3 2 0
                                    

Chapter Twenty-Eight

Nang maidilat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang lima na nagmadali ring lumingon nang makarating ako.

Hindi pa sila nagsalita at nag-aantay pa sa isa. Halata kasing tinitignan nila ang likuran ko umaasang sumunod sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko. Narito kami sa Parisol Forest. Maganda itong gubat na ito ngunit gabi na kaya hindi makikita ang mga nagagandahang puno na paiba-iba ang kulay tuwing nasisinagan ng araw. Ngunit dahil gabi, ang mga puno ay tila ba diyamante na umiilaw nang dahil sa tatlong buwan at nagniningning na mga bituin sa kalangitan.

Binalik ko ang paningin sa lima.

Sa wakas ay humakbang papalapit ang isa upang magtanong. “Where’s Zyro?”

Umakto akong nalulungkot. “I’m really sorry... but he did not make it. They took him—”

“No! No! Anong wala?!” Singhal ni Rhichen sa akin at susugod na sana nang pigilan siya ng mga kaibigan niya.

“Enaire... what do you mean they took him? Hindi mo man lang siya sinalba?”

“You had the responsibility to take good care of us! Bakit mo pa kasi kami pinauna kung hindi mo man lang pala siya maprotektahan?!”

“We trusted you!”

I just felt my heart beats fast.

Oh my gosh! They did not even think I was just bluffing?

I was about to open my mouth to explain and tell them it’s a joke but another word came out from Rhichen that I really think went too far.

“I really thank myself for doubting you, thanks to myself for not trusting you. You’re not worth the trust!”

I expected that...

“Baka ikaw ang nagpa-punta ng mga kalaban para umatake? Sumagot ka! Kakampi ka ba talaga namin?”

“Why would I do that? And of course I am your ally!”

“Then get back there and bring him back!”

Hindi na ako sumagot. Hala grabe, ganito nila ako pag-isipan? After all I have done for them?

“Bring back who?”

Lahat kami napalingon sa biglang nagsalita. It was him.

“Ang bagal mo.” Sabi ko sa kanya at naunang naglakad sa daanan.

Narinig ko silang nagchikahan ngunit ilang hakbang pa lamang ang aking nagawa ay biglang lumakas ang hangin at may binulong ito. Dahil nga ay kontrolado ko ang elemento ng hangin ay tinutulungan ako nitong maging mapag-matyag.

...she is here, be careful to whom you trust. Beware of those who wears masks...

I once again glanced at them. Ngayon na nakabalik na sila, ako naman na ang may ibubulgar na sana ay kayanin nila.

Your days as superiors are gone. I may be too soft for you all to see, I may be too mean for you to trust, I do not need it now. I don’t need to lower myself for you all to feel superior. Sooner or later, you will bow down to me.

“We all have to face it. You all are too lucky to be born Royalties... though I am the future Chief of Gods, I envy you all for you do not need to sacrifice one thing for the wellness of all.”

I never thought of being in love, I never thought of entering a relationship but I really hope I can experience it for once...

But destiny’s too cruel for me to be so...

My Teacher Is A Goddess Where stories live. Discover now