Chapter Nine
Shanley's POV
Hingal na hingal akong lumuhod sa damuhan dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko. Isang buong araw na kaming nagsasanay ng walang pahinga.
Pagod na pagod na ako ngunit bawal sumuko dahil ang magpapahinga ay hindi kakain pagkatapos nitong pagsasanay at magpapatuloy lang sa page-ensayo ng lakas.
“Ano?! Tayo!” Sigaw ni Crizelle habang naka tutok ang dulo ng espada sa aking leeg.
Ako'y takang-taka kung bakit tila hindi parin sumusuko si Crizelle. Kakagaling niya lamang sa malalim na pagtulog pagkat nawalan siya ng enerhiya ngunit parang wala lang sa kanya ang pag-eensayo.
“C-crizelle . . .” Hindi natuloy ang sasabihin ko nang lumutang ako.
“Kung ganyan ka lamang, hindi ka makakapaslang ng isang dem0nyo, Shan. Paano ka magiging diyosa kung mahina ka?” Sabi pa nito na ikina inis ko.
“Tumahimik ka, Criz! Hindi lang kita pinupuruhan dahil akala ko'y nanghihina ka pa.”
Tumawa-tawa pa siya kaya agad kong inipon ang lakas ko at gumawa ng mga punyal gawa ng tubig at inihagis patungo sa kanya.
Naiwasan naman niya ito.
Pinayanig niya ang kalupaan at pinalipad ang mga bato ngunit hindi natuloy ang atake nito nang kumulog ng napaka lakas.
“Tingnan niyo!”
Napa angat kaming lahat ng tingin sa kalangitan. Itim na itim ito na aakalain mo'y may masamang bagyo ang tatama.
“Bagyo?”
“Mali. May naglalaban diyan.” Huli na nang lingunin namin si Zyro at kita nalang namin ang mabilis na paglipad niya papunta roon.
“Sino naman kaya ang naglalaban?”
.
Maya-maya pay kumalma na ang kalangitan at bumalik na ang liwanag ng araw na tila ba'y walang nangyari.
Biglang lumitaw si Zyro sa harapan namin.
“What happened there?”
“Hindi ko naabutan ang isang nakatalikod na tingin ko'y isang imortal, pagdating ko'y siyang pag laho niya. Ang tanging naabutan ko ay ang itim na abong unti-unting nawawala ay sa tingin ko'y naglaban sila ng isang dem0nyo.” Salaysay niya.
“Nakita mo ba ang mukha ng imortal na 'yon?” Tanong ni Yno.
“Hindi. Ngunit sa kaniyang postura kapag nakatalikod ay tiyak akong babae 'yon.”
“Nakapag tataka. Naka paslang ito ng isang dem0nyo, siguradong malakas siya.”
“Kung sino man iyon ay hindi natin tiyak kung kakampi natin 'yon o kaaway. Dapat tayong mag-ingat sa posibleng mangyari lalo na't paunti-unti silang nagpapakita.”
“Pagbubutihin natin ang pagsasanay nang sa ganon ay mas mabilis tayong magiging diyos.”
“Hanse is right. We should be strong in order to protect ourselves.”
Tumingin kami sa bawat isa.
“Huwag tayong magiging mahina, huwag nating tularan si Shanley.”
Sinamaan ko si Crizelle ng tingin.
“So share mo lang 'yan kasi malakas ka? Kung kadugo ko lang sana si Zyro katulad mo edi natalo ka na!”
“Kadugo?” Napatingin kami kay Rhichen.
“Oo, mag ivion sina Zyro at Crizelle.”
“H-ha?!” Gulat na sigaw niya
Napa sampal kami lahat sa noo. “Naku po! Twenty-seven years na tayong magkakasama, Chen. Hindi mo alam?”
Umiling-iling siya.
'Yan, pinagseselosan kahit hindi alam ang dahilan'
Pareho kaming natawa ni Crizelle at hindi pinapansin sila. Nabasa kasi Crizelle ang iniisip ko kaya natawa din siya.
“Sira na mga 'yan.” Napapa iling sila habang papasok sa bahay.
.
Nang makapasok na kami ay biglang may nag doorbell.
“May ine-expect ba kayong dumating?”
“Kelan ba tayo tumanggap ng bisita, aber?”
“May nag-order ba?”
Lahat kami umiling. “Magdamag tayong nagsanay sa ibang dimensyon. Paanong nag order 'diba?”
“Tignan niyo nalang.” Utos ko.
Umupo kami lahat sa sofa. Mabuti nalang talaga at may nangyari kanina kung hindi—hindi ako makaka kain.
Lumabas naman si Yno para tignan. Maya-maya pa'y lahat kami napatayo nang makita si ma'am Eraine na pumasok kasunod ni Yno.
“Hi.” Bati niya at ngumiti.
Nagsi-tinginan kaming lahat, gulat na gulat.
What is she doing here?
.
“A-ano pong sadya niyo rito?” Tanong ni Hanse.
“Hindi ko kasi alam kung paano kayo ma-contact kaya . . . pumunta nalang ako dito.” Sabi niya sa matinis na boses niya.
“By the way, since kayong anim ang nangunguna sa klase, gusto ko sanang mag patulong sa mga activities natin sa next lesson, pwede ba?”
Muli, nagsi-tinginan kaming lahat.
“Pwede naman po ma'am.” Sabat ni Yno.
《Shutt@ngina mo, Yno!》
《Nag sasanay pa tayo, anong pwede?》Nagulat kaming lahat nang tumawa si ma'am Eraine.
“M-ma'am?”
“Pwede niyo naman sabihing hindi. I won't force you.”
Nanlaki ang parehong mata ko. “Pano niyo po nalam—”
“Kitang-kita sa mukha niyo na ayaw niyo, so, okay lang. Kayo 'yung unang nilapitan ko kasi akala ko maaasahan ko kayo . . .”
Hindi nalang kami nag salita at nanatiling tahimik lang. Hindi naman kami pwedeng um-oo dahil nga busy kami.
“We're so sorry ma'am.” Paumanhin ni Crizelle.
“It's fine!”
“Aalis na ako. Pag butihin niyo ang pagsasanay—sa pag-aaral.” Aniya na nagpakunot ng noo ko ngunit kalaunan ay binalewala ko nalang.
Umalis na siya at heto na kami ngayon— naka upo at ilan nama'y naka higa sa sofa.
Ang alam ko'y pagod na pagod ako at pinikit ko na ang mata ko para matulog.
-End of chapter Nine
YOU ARE READING
My Teacher Is A Goddess
FantasyIn a realm where immortality reigns, Yllani, a young and strikingly beautiful Goddess, embarks on her inaugural mission at the behest of her mother, the current Empress of their Realm. Tasked with locating the nine missing Royalties who were sent to...