1:Alice Maureen Dennehy

2K 71 96
                                    

"Parang awa mo na, may anak at pamilya pa akong binubu—ahh!"

"Balitang-balita ang isang katawan na natagpuang wala nang buhay habang nakatarak ang isang kutsilyo na ginamit ng suspect malapit sa duck street ng Camden Town nakita ang bangkay, pinaghihinalaang ang naging motibo ng suspect ay kasiyahan lamang, manatiling nasa bahay at i-lock ang pinto ng inyong bahay. Kapag sumapit na ang gabi ay inaantabayanan ang mga residente nang nasabing lugar na huwag munang lumabas o magpakalat-kalat sa lansangan dahil pwedeng nasa paligid lamang ang pumatay sa kaawa-awang natagpuang bangkay."

Alice's POV

THE time is running, and Ocianna is nowhere to be seen. It's already 5:23 pm, and she is an hour and 23 minutes late.

Naiinis na ako rito. Malapit ko nang maubos ang kape ko pero 'di ko pa rin siya nakikita. Nasaan na ba 'yon? Ang tagal-tagal naman mag-ayos.

"Alice!" Napatingin ako sa babaeng papasok sa coffee shop habang may dala-dalang maraming shopping bags.

"I have a gift for you since I'm late," nakangiti niyang ani saka ibinigay sa akin ang pagkarami-raming shopping bags.

"You wasted my time, you know—"

"I know, kaya nga binibigyan ka ng present, eh," sagot agad nito sabay kuha ng cake ko na hindi ko na lamang binigyan ng pansin.

"Why are you late? Did you go to your boyfriend's house?" tanong ko rito.

"Nope, dito na agad ako pumunta. Kaso ang bagal nilang ilagay 'yang mga bag na 'yan kaya natagalan," turan niya habang kinakain ang cake ko na malapit na ring maubos.

"Himala, hindi ka muna pumunta ro'n bago rito?" puna ko sabay inom ng kape.

"I know right, you know na kung doon ako unang pumunta, baka hanggang ngayon, naghihintay ka pa rin." I nodded and she smirked. She's right, baka abutin pa ako rito ng ilang oras kung doon siya unang pumunta.

"So, why? 'Niyare? Nag-away kayo?" usisa ko habang ang atensyon ay nasa kanya na.

Inis naman niyang ibinaba ang hawak na plato na malinis na at wala nang laman na cake. "Ganito kasi 'yon. Tita Manelle said na 'di muna raw kami pwedeng magkita ng anak niya since may loose na serial killer dito sa 'tin at baka raw mabiktima kami. So, 'yon... you know, ayoko namang pumangit ang image ko kay Tita kaya umoo na lang ako. Ngayon tuloy, nire-regret ko na pumayag ako," naiiyak niyang litanya kaya naman natawa ako.

"Don't laugh, mararanasan mo rin 'to 'pag nagka-jowa ka na. Mararanasan mo rin na mabuwisit dahil sa wala kayong chuk-chakan ng partner mo." Mas lalo akong natawa sa sinabi niya because I don't really give a fuck about having that 'boyfriend' thing and also about that "chuk-chakan"

"You're mad because you can't have sex?" nandidiri kong uyam na sinuklian niya naman ng masamang tingin.

"Yes! Because of that bitch, our sex time got cancelled. Kaya 'pag nakita ko siya, I'll really tear that bitch apart," gigil na gigil na saad nito.

"Ohh... scary," kunwari'y nanginginig-nginig ko pang sabi kaya naman inirapan niya ako. "By the way, two weeks na 'yan, ah? Wala, pa rin silang lead kung sino yung killer?"

Agad itong umiling sa 'kin. "Wala pa rin. Kaya nga naiinis na ako kasi wala pa rin akong alam kelan kami magkikita ni Bebe ko.."

"It's been fortnight and wala pa rin? What happened?" I'm worried because it already took that long, ngunit wala pa ring nakukuhang clue or kahit na suspect man lang. Sobrang galing naman ng killer na 'yon.

"I don't really know. Kahit mga tagong-tagong CCTV camera dito, 'di siya mahagip-hagip." Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi na ako nagsalita pa.

"Dad didn't tell me if there's already an update sa case but that's all I know," huli niyang ani bago um-order ng pagkain dahil kanina pa raw siya nagugutom.

MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon