5: Gotcha!

580 30 14
                                    

Alice's POV

"PAPUNTA s'ya sa Dodo, maghanda kayo!" malakas kong saad.

Apat na biktima na ang napapatay simula nang sinabi ko ang huling position ni White Rabbit — sa Owl. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito nahuhuli.

Lagi nga akong tama kung saan s'ya lilitaw dahil lagi nila itong nakikita. Ngunit hindi naman nila ito nahuhuli at may namamatay o nasususgatan pa sa kanila na tatlo hanggang limang tao.

Parang isang battalion na ang pupunta ngayon para daw wala nang mamatay kahit mahuli man nila ito o hindi.

"Alice, umalis na sila. Sasamahan ko muna sila, dito ka na muna." Tinanguan ko lang si Tito River. Bago sumagot

"Sige po. Pahiram na lang ng street map, may titignan lang ako."

No'ng una, alam na alam ko ang pattern na ginagawa ni White Rabbit. Pero nag-iba na ito ngayon kaya balik na naman ako sa simula kung paano ko malalaman kung ano ulit ito. Gayunpaman, alam kong tama na naman ang hula ko na magpapakita ito sa kung saan ko siya naiisip na magpapakita.

Ilang minuto na akong nakatulala kaya naman naisipan kong isulat ang bago n'yang pattern ngayon sa isang malinis na papel. Agad akong na-shock nang mapagtantong mali ang naituro ko kila Tito River kung saan magpapakita si White Rabbit.

Hindi ko muna tinignan kung tama nga ba ako ng pagkakasulat. Nalintikan na. Sa Dodo sila nagpunta, imbes na sa Caterpillar. Shit!

Nagmamadali akong lumabas sa police station at dumiretso sa Caterpillar Street. Masyado na silang malayo at matatagalan kung hihintayin ko pang makabalik sila Tito River dito. Kung magsasama naman ako, pwedeng mamatay lang ang mga pulis na isasama ko at baka maging sagabal lang din sila sa akin.

"Saan ka po pupunta?" tanong sa akin ni Allard nang makita n'ya akong palabas ng police station pero wala akong sinabi sa kan'ya na kahit na ano at tumakbo lang palabas

Malapit lang ang police station sa Caterpillar Street kaya naman tinakbo ko na lang ito. Tumingin-tingin ako ng pwedeng lusutan papunta sa mga eskinita rito, pinakikinggan kung may ingay ba akong maririnig.

"12 AM," mahina kong ani nang bigla na rin akong makarinig ng isang malakas na sigaw.

Agad akong pumunta sa pinanggalingan n'on at nakita ang hinahanap ko. Dahil do'n, isang malaking ngiti ang sumilay sa mukha ko bago naglakad papalapit kay White Rabbit.

"Long time no see, White Rabbit," nakangiti ngiti kong bati saka inilabas ang kutsilyo na itinatago ko sa bulsa ng dress ko.

Hindi muna ito nagsalita nang tignan n'ya ako pero ngumiti ito at saka sumugod sa 'kin na agad ko namang nailagan.

"I'll kill you!" I shouted.

___________

River's POV

NANDITO na kami sa lugar kung saan sinabi ni Alice na posibleng magpakita ang killer pero 12:15 am na at wala pa rin kaming nakikitang kahit na sino.

"Sir, wala pa po ba ang killer? Saktong alas dose po 'yon pumapatay, 'di ba?" tanong sa akin ni Badisno pero wala akong naisagot sa kan'ya.

"Bakit ba kasi bata ang gumagalaw sa 'tin? 'Di ba kaya ni Chief? Naiinis na ako ro'n sa bata na 'yon. Dahil sa kan'ya, namatay si Docena," rinig kong sabi ng isa sa mga pulis na tinanguan naman ng iba pang maraming pulis dito.

Inis kong tinawagan ang cellphone ni Alice ngunit wala namang sumasagaot kaya si Allard na lang ang tinawagan ko.

"Nandyan ba si Alice? Kanina ko pa s'ya tinatawagan, 'di naman s'ya sumasagot," agad na sabi ko nang sagutin nito ang tawag.

MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon