19: Our Errand

368 12 6
                                    

Alice's POV

KAUUWI ko lang nang may makuha akong chat galing mismo kay Ocianna na nagsasabi na uminom daw kami. Pumayag pumayag na lang ako dahil sure na sure akong miss ako n'on dahil ilang weeks ba naman akong wala sa Camden. Gano'n naman s'ya lagi kapag umaalis ako. Gusto n'yang makipagkita sa akin o kaya naman mag-i-sleepover kami sa apartment ko.

Dahil sa nakasarado pa ton ang Angel's Bar ay napag-isipan na lang namin na uminom sa hindi gaanong kilalang bar na ang pangalan ay Demon's Bar. Hindi ko rin alam kung nananadya ba ang pangalan nila na connected sa saradong bar o hindi.

Pagkapasok ko pa lang ay tanaw na tanaw ko na si Ocianna kasama si Allard na mukhang hindi na nag-e-enjoy sa bar dahil sa nakikipag-away na naman si Ocianna.

"Fuck you! Why are you here?" 'Yon ang narinig ko nang makalapit ako sa kanila.

"This is my bar, so fuck off," inis na sabi naman ni Daemon na mukhang naiinis na rin kung paano s'ya tratuhin ni Ocianna.

"Don't manipulate me. I know Alice said that we will meet here and you just went here because you are so inggit!"

"Hoy, babae, 'di ako nananakit pero baka mamaya, masampiga na kita kahit babae ka pa!"

"Do it if you can kung gusto mong sa kulungan ka mag-sober up!" Dahil na ganap ay tahimik na lang akong pumunta sa kanila at ngumiti kay Allard na nasa gitna ng away.

Agad naman akong tinarayan ni Ocianna nang mapansin ako na nasa tabi nila. Alam ko naman na ako ang sinisisi n'ya sa utak n'ya kung bakit bad mood s'ya at dahil 'yonbsa nandito ang isa sa mga kinaiinisan n'ya na si Daemon.

"Oh, hi, Daemon. Why are you here?" tanong ko.

Ngumiti muna s'ya sa 'kin bago sumagot. "This is my bar. My kuya just gave this to me because he will go to Canada and I accepted it because it's low maintenance and all I need to do is just manage it."

Tumango naman ako sa sagot n'ya. "What about your cafe?"

"Sinarado ko muna 'yon dahil need ko munang pagtuunan ang pag-aayos dito at kung paano i-manage." Muli akong tumango na lang bilang sagot dahil hindi ko rin naman maintindihan. Inilibot ko na lang din ang tingin sa kabuuan ng bar.

"Heh, may script pa talaga kayo para hindi magmukhang plinano n'yo talaga 'to," inis na sabi ni Ocianna kaya naman inirapan s'ya ni Daemon.

"I didn't know Daemon would be here. I promise," I told her but she just ignored me and drank her alcohol.

"Tss. Pangit talaga kapag may masyadong pabida friend, Mi. Akala mo, sila lang pwedeng maging friend mo," pagpaparinig ni Daemon kaya naman nagpintig ang tainga ni Ocianna at kinuwelyuhan na si Daemon.

"Anong sabi mo? Hoy, second choice—"

"Are you talking about yourself?" nakangising pang-iinis ng lalaki kay Ocianna, dahilan para itulak s'ya nito.

Dahil do'n ay inis akong umalis. Akala ko ba, welcome party ang ipinunta ko? Bakit naman kailangan nilang mag-away sa welcome party ko?

Sa may counter ako umupo at lumayo sa table namin dahil baka kapag nagtagal na nakatayo lang ako ay ako naman ang pagdiskitahan at sabihan ng kung ano-ano ng mga 'yon, lalo na si Ocianna. I can't keep up with that, not now na pagod rin ako.

Ilang minuto lang ako ro'n nakaupo habang iniinom ang Margarita na nakuha ko sa table nila at agad na nilingon kung saan ko sila iniwan. Nagulat ako nang makitang parehas silang umiinom habang si Allard ay taranta. Hindi na ako nagbalak na bumalik pa ro'n, ayokong magkaroon ng responsibilidad sa mga putang inang iyon, mga baliw.

MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon