GRABE ang dami ng text na na-receive ko galing mismo kay Ocianna. Lahat 'yon ay itinatanong kung bakit ko raw s'ya ipinagpalit, hindi pa raw ba s'ya sapat, at kung ano-ano pa. Napilitan pa tuloy akong i-block ang number n'ya para mahinto ang pag-cha-chat n'ya sa 'kin.
I have to go somewhere, it's like a tradition after every three months. I go to a forest called Hoax Forest and spend my two weeks there to refresh my thoughts and mind. Because in this fucking City I feel like I am in a cage and can't do anything freely.
Ocianna is a type of girl na lahat ng pupuntahan mo ay lagi s'yang kasama. Pero kapag ganito na, kahit anong pilit n'ya ay hindi ko s'ya sinasama dahil ayoko ng may kasama. Kaya naman nang makailang try na s'ya para sumama sa 'kin, sa wakas ay pumayag na s'yag 'wag sumama at naintindihan na ang salitang "Ayoko."
Agad akong naglakad habang bitbit ang maleta ko papunta sa Hellish Cafe. Nagtanong pa sa 'kin si Daemon kung bakit ako may maleta ngunit sinabi ko lang na ro'n ko muna ilalagay ang maleta at babalik din saglit dahil baka kapag dinala ko sa police station at nandoon si Ocianna ay kunin pa.
Agad naman akong pumunta sa station kung saan ko nakita si Ocianna sa loob ng opisina ni Tito River. "Why are you here?" tanong ko. Itinaas n'ya ang ulo n'ya at tinignan ako nang may lungkot sa mukha.
"I didn't know na may new friend ka na," mahinang usal n'ya ngunit narinig ko pa rin naman.
"We were just strangers na naging close."
"That's how friendship is built."
Umupo ako sa tabi n'ya at saka nagsalita upang mapakalma man lang s'ya. "People need adventure, Ocianna. They need to make new friends. If I don't, how can I grow? Gusto mo ba na habang buhay na lang ako sa dating ako?"
Umiling s'ya saka ako tinitigan. "Paano kung iwan mo na lang ako? Paano kung dahil nakahanap ka na ng better, gamitin mo na lang ako? Ayaw kong magamit ulit, Alice. I'm tired being a second option, I'm tired of being a tool." Kita ko ang takot sa mga mata n'ya habang sinasabi iyon kaya naman agad ko s'yang niyakap at pinatahan dahil ngayon ay umiiyak na naman s'ya.
She got trauma from what Drake did, but she just kept it to herself... Poor Ocianna.
Nang huminahon na s'ya ay sinabi ko na ang balak ko na magpaalam sa police kaya naman nandito ako't muntikan na naman s'yang umiyak. 'Buti na lang at binuksan ni Badisno ang pintuan kaya hindi ito nakaiyak, dahilan para makapagpaalam na ako nang tuluyan saka umalis na ro'n.
Pumunta na ulit ako sa Hellish Café para kunin ang maleta na iniwan ko sa loob.
"An'yare, lilipat ka na ng bahay?" tanong nito kaya naman umiling ako.
"Vacation ko now," sagot ko na ikinangisi n'ya naman. Kita rin ang inggit sa mga mata n'ya.
"Kakaiba naman 'yang pinapasukan mong trabaho, nasa gitna ng buwan saka nagpapa-vacation."
"Tama 'yan, mainggit ka. Kaya nga ako nandito para mainggit ka kasi magbabakasyon ako tapos ikaw, hindi," usal ko na ikinairap n'ya kaya natatawa akong umalis sa café.
Pumunta muna ako sa isang bahay para kunin ang dati ko pang kinuha bago ako umalis sa Camden Town.
Nakatingin ako ngayon sa Hoax Forest at agad na pumasok. Isang enchanted forest ang Hoax kaya naman kahit gustuhin ko ay hindi ko sinasama rito si Ocianna.
_______
Ocianna's POV
HABANG nasa police station ako ay agad na tumabi sa 'kin si Allard na may dala-dalang ice cream at ibinigay 'yon sa akin. Nahihiya ko naman itong kinuha sa kanya at nginitian s'ya.
"Ayos na po ba pakiramdam mo?" tanong n'ya na ikinatango ko. "Saan po pala pupunta si Ms. Dennehy? Nakita ko s'yang umalis kanina."
"Ewan, she never told me about it. Basta aalis na lang s'ya," sagot ko at tumingin kay Allard. "Allard, I have a question. Do I deserve this? Do I deserve them?
Kita ko ang pagkakunot ng noo nito. "Ahh, never mind. Don't answer that stupid question," ani ko at kinain na lang ang ice cream na ibinigay n'ya sa 'kin.
"You deserve what you have, Ms. Ocianna. They will not stay in your life if you're not deserving of having them." Agad akong napatigil sa mga sinabi n'ya at agad rin naman akong napangiti bago sumandal sa kan'ya. Ramdam ko na nagulat pa s'ya sa ginawa ko.
"'Wag mo sanang isipin na kailangan lang kita kapag nasa gan'tong state ako, ah? Nakilala mo lang talaga ako sa gantong state. So, please, don't think na ginagam—"
"No need na po ng paliwanag. It's okay to use me po," natatawa n'yang putol sa 'kin kaya naman hinampas ko s'ya sa braso na ikinatawa n'ya lalo.
"Gala tayo, Sis," ngiti kong yaya kaya naman kumunot na naman ang kan'yang noo. Bilis talagang mag iba ng mood ko.
"Sis?" tanong n'ya kaya naman natawa ako.
"Oo, gala tayo bukas. Tinatamad na kasi ako na puro iyak na lang."
"Meron po akong trabaho, hindi ko iyon pwedeng iwanan," giit n'ya kaya naman tinignan ko s'ya at tinarayan. Magsasalita na sana ako nang may magsalita sa likod ko.
"It seems like you're having a good time with my daughter, Mr. Allard." Agad kaming napatayo nang marinig namin ang boses ni Dad.
"H-Hello, Dad," bati ko habang pinipilit na ngumiti at 'wag kabahan. Kabahan? Why ako kakabahan?
"Don't hurt her, Allard," saad nito saka umalis kaya naman nagkatinginan kami ni Allard pero ako na rin ang naunang nag-iwas.
"A-Ah, aalis na pala ako. Nakalimutan ko, may lakad kami ni Ate. Bye, Allard. Thanks sa ice cream!" sabi ko at hindi na s'ya tinignan pa sa hiya dahil sa kung ano-ano na lang ang sinasabi ni Dad. Shit! Nakakahiya!
Nasa condo na ako nang biglang may nag-chat sa 'kin kaya naman tinignan ko ito.
Allard:
Bye, Sis.
BINABASA MO ANG
MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)
Action[Complete] Alice is from Wonderland, which is full of magic, but what if she fell down to the wrong hole? Instead of Wonderland, it became Murderland. In the quiet town of Camden, midnight strikes fear into the hearts of its residents, for...