15: Main Suspect

393 18 7
                                    

KAGIGISING ko pa lang ay agad na akong pumunta sa police station dahil gusto kong ipakita sa mga taga-forensic ang hawak-hawak kong panyo na pwedeng mag-contain ng fingerprint ng killer. Kung makikita man kami agad ay mas mapadadali ang paghahanap namin sa killer.

Pinayagan agad akong ipa-examine 'yon nang sabihin ko kay Tito River na kay White Killer iyon. As usual, may pagalit na namang sermon 'yon na kasama dahil ngayon ko lang ibinigay ang solid na evidence sa kanila. Muntikan pa akong mapalayas sa police station kaya umalis na lang ako at nagpunta sa Hellish Cafe na malapit lang naman kaysa ang mapagbuntungan ng galit ni Tito River.

"Hello, welcome to Hellish Caf— Hey, Alice!" bati sa 'kin ni Daemon kaya naman nginitian ko s'ya. Dahil sa ginawa n'yang special na pagbati sa 'kin ay napatingin pa tuloy sa 'min ang mga tao sa cafe.

"Why are you here? Namali ka ba ng oras at inakala na ang 7 am ay kapareho ng 7 pm?" natatawang ani n'ya kaya naman sinimangutan ko s'ya.

Hanggang ngayon ay hindi n'ya alam na tumutulong ako sa case para mahuli si White Rabbit. Lagi naming pinag-uusapan si White Rabbit pero never n'yang nalaman na kasama ako sa paghuli sa pinag-uusapan namin.

"Pahinging gatas," usal ko na agad namang ikinakunot ng noo n'ya.

"'Di 'to hinihingi, binibili 'to," pambabara n'ya.

"Libre mo na, minsan lang naman, e," ani ko. Napangiwi s'ya saka bumuntong-hininga na lang at binigyan ako ng gatas

"Aalis ka na agad?" nagtataka n'yang tanong nang paalis na ako matapos kong maubos ang gatas.

"Yeah, I need to do something. I just went here dahil galit yung boss ko kaya nagpalipas oras ako." Muli s'yang napangiwi sa sinabi ko saka ako tinanguan bago ako tuluyang lumabas.

Habang pabalik sa police station ay napansin ko ang isang lalaki na papasok sa loob ng police station. Hindi lang ito basta-basta lalaki, isa ito sa pinakamadaldal na lalaki na nakilala ko.

"Uncle River, someone just bumped into me kagabi and they also stole something from me!" rinig ko pagkapasok sa loob ng police station.

"What are you doing here? Are you really a stalker?" bungad nito sa akin nang makita ako.

"Like what I've said a hundred times, I'm not a stalker. I don't even know you," naka-poker face na sabi ko dahil kung sasabayan ko ang galit n'ya, sure akong wala kaming magagawa at mag-aaway lang kami.

"You are. Pa'nong kapag nagpupunta ako rito, nandito ka rin?" bulalas n'ya habang nakataas ang kilay.

"I'm always here." I bluntly said. Mas'yado naman kasing assuming ang lalaking 'to.

Magsasalita na sana siya nang biglang nagsalita si Tito River. "Why are you here, Lance?"

"I'm here because someone stole something from me and binangga pa ako," irita na sabi nito kay Tito River.

"What did they—" Hindi na natapos ni Tito ang sasabihin n'ya nang biglang pumasok sa eksena ang taga-forensic.

"Ma'am Dennehy, we found a lot of fingerprints in the handkerchief, so we don't really know the exact fingerprint of White Rabbit." Expected ko na 'yon kaya naman magsasalita na sana ako nang agad na sumabat si Lance.

"The items I lost are my handkerchief and wallet, you stole it?!" tanong n'ya sa 'kin na ikinakunot ko na naman ng noo.

"No, I didn't. The handkerchief I gave them was from White—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang kunin n'ya ang hawak na handkerchief ng forensic at tinignan iyon at inamoy pa.

"This is mine! Nawala 'to kahapon! Why do you have thi—"

"You're the one who needs to explain yourself. White Rabbit put that on my face kagabi, so pano'ng sa 'yo 'yan?!" Napaatras s'ya sa sinabi ko habang ang ibang nandito ay napasinghap.

Late ko nang na-realize ang sinabi ko kaya naman napatingin ako kay Tito River na nakakunot na ngayon ang noo at kitang kita ang maraming tanong sa kan'yang mukha.

"Enough, Alice. Follow me!" ani ni Tito River na nagpahinto sa 'ming dalawa ni Lance.

Pagpasok ay agad kong nakita ang mukha n'yang ibang-iba sa lagi kong nakikita kaya naman napayuko na lang ako.

"What did you mean kagabi? White Rabbit didn't do anything kagabi, paanong nagkita kayo?!" mataas ang boses na tanong ni Tito River na ikinapikit ko nang mariin.

"We accidentally met," sagot ko. Kita ko ang gulat sa mukha ni Tito River bago n'ya ako hinawakan ngunit ramdam ko ang panginginig nito.

"Sinaktan ka ba n'ya? You always do this! Alice, don't do any dangerous stunts without me—us. Paano kung napahamak ka?! Sa susunod na mangyari pa ito, hindi na kita patutulungin sa amin," saad nito saka umalis kaya naman napapikit na lang ako sabay yuko.

Wala akong nagawa kun'di ang lumabas do'n nang nakayuko. Nagulat pa ako nang makitang naro'n pa rin sila't nakatayo kung saan namin sila iniwan.

"Back to what I was saying earlier, how come you have my handkerchief?" mataray na tanong pa sa 'kin ni Lance.

"Like what I said, White Rabbit put that on my face," mariin kong giit at tumingin sa forensic.

"Could you please get a sample of his fingerprint? Then try to match it with the one found on the handkerchief," usal ko na agad naman nilang tinanguan saka hinila si Lance na walang nagawa kun'di ang tumingin lang sakin.

Madali lang nakuha ang fingerprint n'ya at tumama sa fingerprint na nando'n kaya naman tinignan ko s'ya nang maigi. He has White Rabbit's posture.

"You're my main suspect," giit ko na ikinagulat pa n'ya.

"Where did Tito River go?" I asked Badisno at agad naman itong umiling para sabihin sa 'kin na hindi n'ya alam.

"What the fuck is wrong with you people? Kaya ako pumunta rito dahil nakuha sa 'kin ang panyo, pera ko, at binangga ako. Pagkatapos, ako pa ngayon ang magiging suspect n'yo? Really?" inis na ani nito.

Hindi ko na s'ya sinagot pa at umalis na lang do'n. Ngunit agad n'ya akong hinawakan sa damit kaya naman hindi ako nakaalis agad.

"Lance!" malakas na sabi ni Badisno rito ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang hawak sa akin kaya naman inis ko s'yang hinarap.

"You know why you're my main suspect? You have similiraties with him. I thought nababaliw lang ako sa mga napapansin ko, but you have the same posture, same height, same walk. Even the way you speak when you are serious is the same as White Rabbit. Now, tell me, why should I didn't doubt you?"

Agad n'ya akong tinignan nang naguguluhan. "Don't set me up!" sabi nito sa pagmumukha ko.

"I'm not! I am doubting myself, too. But how can I not think that it was you when you're doing exactly what I observed from him? I'm quite observant. I study my opponents well, especially since he's anonymous. I didn't mean to notice, but you should be more careful."

Dahil sa sinabi ko ay hindi na siya nakapagsalita at umalis na lang kami. Napatingin naman ako kay Badisno na nakanganga pa rin. "Everything I said is true, so please, consider him as the main suspect. And if you're not satisfied with what I've said, check the CCTV no'ng una n'yong nakita si White Rabbit and you'll see they have the same similarities or if you have some guts, just meet him in person. Magpapakita naman yun sa inyo basta huntingin n'yo lang. I'm still gathering information but he can be the one so stay alert," giit ko saka na naglakad palabas.

MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon