Alice's POV
AGAD na kinuha sa 'kin ng nanay ni Drake ang cellphone nito at saka ako tinignan nang masama. Nginitian ko lang s'ya bilang ganti.
"Who are you?!" tanong pa nito.
"I'm Ocianna's frie—"
"So, it's a plan! Both of you planned this! You two killed my son!" malakas na sigaw n'ya kaya naman napatingin sa puwesto namin ang iilang pulis.
"I'm here to meet someone, I don't even know your son is here," turan ko.
"Grabe, bro. Tignan mo, 'kahiya naman 'to!" natatawang puna ng isang pulis na hindi naman nakawala sa pandinig ng babae kaya agad itong pumunta ro'n sa mga pulis na nag-uusap saka nagsisigaw.
"Kayong mga walang kuwentang mga pulis, gaganyanin n'yo pa ang anak ko! Mga wala kayong puso!" pagwawala nito.
"I'm gonna laugh if I see this kind of scene, too. I like this surprise, pasok na pasok sa anniversary namin." Pumapalakpak na pumasok si Ocianna sa crime scene kaya naman sinalubong s'ya ng nanay ni Drake at malakas na sinampal.
"It's because of you! You're the reason why they are dead now! Kung hinayaan mo na lang sana ang anak ko na makipaghiwalay sa 'yo, 'di ito mangyari! Alam ko naman na ikaw lahat ang may pakana!" malakas na sigaw nito kay Ocianna na ikinatawa nito.
I'm surprised to see Ocianna not crying over Drake. She's strong, but I know for a fact na durog na durog na s'ya at ayaw n'ya lang ipahalata. She's really strong, indeed.
"Tita Manelle, don't be stupid. I don't even know anything about this cheating! And he never asked me na maghiwalay kami. You! You knew about it but you never dared to tell me a single thing! I was clueless as fuck, para akong pinag— No! Pinaglaruan ako ng anak mo, Tita! And now, ako pa ang may kasalanan sa pagkamatay n'ya?! Did you not even try asking yourself kung bakit gan'yan ang kinahantungan ng anak mo? Hindi ba, hindi mo nga kami pinalalabas simula nang lumabas ang killer dahil baka kung mapa'no kami? Ang sabi mo pa, nakakaawa kung may mangyari sa 'min. 'Tapos ngayon, ako ang pagbibintangan mo sa pagkamatay n'ya?! Alam mo bang hindi kami nagkita kahit isang beses pagkatapos mong sabihin 'yon 'cause I respect you!?" Hindi na napigilan ni Ocianna na ilabas ang saloobin n'ya.
"You know that I have never disobeyed anything you said sa relationship namin. Tango lang ako nang tango, I always smile and accept anything you say because I know you, na gusto mo lang na maayos ang takbo ng relasyon namin. Tita, I trusted you! I gave you all my trust, pero anong sinukli mo? Naging kunsintidor ka pa! Ako pa ang nasisi dahil sa anak mo na babaero. Tita, alam mo ba yung hirap na magpa-good shot sa 'yo kasi alam kong hindi ka boto sa 'min? Hinayaan ko 'yon, Tita, tinanggap ko! Binalewala ko 'yon kasi alam kong pagdating ng araw, baka tanggapin mo rin ako!"
Kita sa mukha ni Ocianna ang pagpipigil n'yang maluha at ang pamumula ng mukha n'ya sa kasisigaw samantalang ang nanay ni Drake ay umiiyak na at walang kibo habang nagsasalita si Ocianna kanina.
"How did he die?" tanong ni Ocianna sa 'kin.
Tinignan ko muna s'ya bago nagsalita. "Gunshot."
"Did the two die or just Drake?" tanong pa n'ya at tinitigan nang maigi ang babae.
Gusto ko sana s'yang prangkahin dahil sa walang kuwenta n'yang tanong pero sinagot ko na lang ito ng tama. "Parehas silang namatay, sabay na dalawang bala ang tumama sa kanila na ikinamatay nila," paliwanag ko.
"Tita Manelle, I'll go na po and condolences," paalam n'ya saka tumango sa tatay n'ya na nakatingin lang sa kan'yap.
Tito River didn't even say anything nang malaman n'ya ang nangyari dito. He just shut his mouth and you can't even see any emotion in his eyes. He did his job without letting his emotions get in the way. I guess this is how real professionals look.
BINABASA MO ANG
MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)
Action[Complete] Alice is from Wonderland, which is full of magic, but what if she fell down to the wrong hole? Instead of Wonderland, it became Murderland. In the quiet town of Camden, midnight strikes fear into the hearts of its residents, for...