NANG makabawi na ako ng lakas ay nagpahatid na ako sa apartment ko. Ayoko nang magtagal pa masyado sa bahay ni Reservoir dahil baka makaabala lang ako sa kan'ya.
"Thank you talaga and sorry sa abala," nakatungo kong usal.
"No problem, it's my pleasure to help y—"
"Reservoir!" Agad kaming napatingin sa lalaking patakbo na pumupunta sa amin. "Nandito ka na pala? Kailan ka pa umuwi? Akala ko, ',di ka na uuwi, ah. Bakit wala ka kagabi? Hinanap kita, alam mo naman na ikaw ang pinunta ko ro'n 'tapos 'di man lang kita nakita."
"Hoy, Daemon, nag-uusap kami, oh?" inis na bulalas ko sa puta na lalaki na nakisingit. Napalingon s'ya sa direksyon ko at nagulat pa nang makita ako.
Agad n'ya akong pinagtaasan ng kilay saka pinagsalitaan. "Ikaw naman, nasaan ka n'on? Hinahanap din kita para sabihin na umalis na yung bruhilda mong kaibigan, kaso 'di naman kita makita."
"You know each other?" singit ni Reservoir sa 'min kaya naman nagkatinginan kami at napatingin ako sa kanila.
Ilang minuto pa ang tumagal bago may isa sa aming nagsalita. "Wait, kailan pa kayo magkakilala?" tanong sa akin ni Daemon habang nakaturo sa 'ming dalawa.
"Kagabi, we met at the bar," sabi naman ni Reservoir.
"Huh? Nagkita kayo sa bar? Ba't 'di ko kayo nakita?" tanong naman nito sa 'min na ikinakunot ng mga noo naming dalawa ni Reservoir.
"We were at the counter/At my favorite spot." Sabay namin 'yong sinabi kaya napatingin kami sa isa't-isa.
"I checked the counter, wala kayo!" malakas na bigkas ni Daemon. Nagkibit-balikat na lang ako dahil alam kong alas dos ay block out na ako at alam kong wala na sila ro'n.
Napatingin ito sa 'kin saka ako pinasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo bago gulat na tumingin kay Reservoir. Kakaiba ang tingin na iginagawad sa 'min ni Daemon na agad ko namang ikinakunot. I know what he's thinking and I want to play with it.
"Did you two... plop-plop?" sabi nito at pinagsiklop ang mga kamay saka gumawa ng ingay na ikinalaki ng mata ko kaya nasapok ko s'ya.
"Fuck you! How can you say that to us?!" bulyaw ko at umalis na roon.
Ilang minuto pa ay bigla akong nakaramdam ng may kumakatok sa pintuan ko kaya naman binuksan ko ito at bumungad sa 'kin si Daemon na nakatungo habang si Reservoir naman ay nakatingin sa kan'ya nang walang imik.
"Alice, I'm sorry for what I've said. I know it's not funny to just say those things and Reservoir told me what happened, so I'm so sorry." Bakas ang sinseridad sa boses n'ya na ikinangisi ko
"No apology accepted, libre mo ako sa café mo and I will think about it," ani ko saka isinarado ang pintuan.
Ilang sandali lang ay may kumatok na naman at pagbukas ko ay sila na naman na may hawak nang ihaw-ihaw na ibinigay nila sa 'kin saka umalis. Muling nangunot ang noo ko habang sinusundan sila ng tingin. Tinignan ko ang supot at nagulat na tama lahat ng binili nila. Lahat 'to, favorites ko!
Pagkasarado ko ng pinto ay kinain ko na agad ang isaw na nando'n. Hindi gano'n karami ang nasa loob ng supot pero sapat na ito para sa 'kin.
Kinuha ko naman ang cellphone ko bago ko tinext si Daemon ng apology accepted. 'Di naman ako mabilis ma-offend sa mga gano'n, I can take it as a joke. But sometimes, I just can't, especially if the guy's not handsome. Kidding.
Umupo na muna ako at humarap na agad sa laptop saka tinignan ang mga bagong issue tungkol kay White Rabbit. Two weeks din akong nawala dala ng pagpunta ko sa Hoax Forest kung saan walang signal. Dahil doon ay na-isolate ako sa buong mundo.
Wala namang bagong article about kay White Rabbit at more on killing lang talaga ang ginagawa n'ya katulad ng dati kaya naman napaisip ako. Bakit kaya pagkatapos ng pagkikita namin ay hindi na n'ya ako pinakialaman? I mean it is a win for me, but why? Habang iniisip iyon ay bigla nanlaki ang mga mata ko at naisip ko na kung bakit.
"He's jealous of Daemon!" malakas kong sambit at napatayo nang maalala ko kung bakit.
"I'm jealous about the way you laugh and smile with that other guy when you're always angry everytime you see me. Just why?"
Yeah, I forgot about that incident dahil masyado akong na-focus sa panyo na iniwan n'ya sa 'kin na kay Lance pala.
Agad kong binuksan ang cellphone ko saka ko chinat ang pangalan n'ya.
Alice:
Hey! Stop fucking killing.Buburahin ko na sana ang sinabi ko dahil para akong tanga dahil out of nowhere ay sinabi ko 'yon pero bigla n'yang s-in-een at nag-reply.
Puting Puta:
Why are you texting me now?
I thought you don't care about me 🥺Napangiwi na lang ako sa sinabi nito. The fuck, pa-baby. Killer ba talaga 'to?
Alice:
I DON'T CARE ABOUT YOU, I CARE ABOUT YOUR MURDERER!Puting Puta:
Did you text me because you are afraid that I might hurt myself by continuing to kill?He fucking ignored my message and made a conclusion that I'd never do or think! The fuck is wrong with his brain?!
Alice:
That's not what I'm thinking. For the fucking sake, I'm okay na mamatay ka kaysa mabuhay ka!Puting Puta:
I like how you're a terrible liar! I miss you, White Killer <3
Let's meet again ^^Agad kong nabato ang cellphone ko bago ako napamura nang malakas.
"My fault," bulalas ko. Dahil sa pagsesend ko, guguluhin na naman n'ya ako!
Ngumisi ako bago tumayo na ako at nagsuot ng isang puting dress na lagi kong ginagamit kapag aalis ako at pupunta sa lugar na iyon. Ngayon ko na gagawin at tatapusin ang nasimulan ko so that I can kill two birds with one stone. No, three birds with one stone.
BINABASA MO ANG
MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)
Aksi[Complete] Alice is from Wonderland, which is full of magic, but what if she fell down to the wrong hole? Instead of Wonderland, it became Murderland. In the quiet town of Camden, midnight strikes fear into the hearts of its residents, for...