25: My Old Friend

367 18 3
                                    

River's POV

I'M SO tired. Simula nang lumabas si Killer ay marami na rin ang lumabas na criminal sa Camden Town. kHindi na ako laging nakauuwi sa bahay. Kung makauwi man ay para na lang makatulog nang mahimbing at balik na agad sa paglilingkod.

"Where's Allard?" tanong ko kay Badisno na ngayon ay papasok sa opisina ko habang may dala-dala na pagkain na alam kong galing sa kapatid ko.

"Don't know, alam mo naman na pinopormahan n'on anak mo. Baka nando'n," nakangising sabi nito sa akin bago s'ya lumapit kaya napabuntong-hininga ako.

Dahil sa sinabi nito ay napaisip ako. Handa na ba sa bagong relasyon ang anak ko? Kamamatay lang ng boyfriend n'ya kaya tama bang hayaan ko na gumawa agad ng way si Allard? Mukha kasing pampalipas-oras lang ni Ocianna si Allard. Kung gano'n man ang mangyayari, wala na akong magagawa.

"'Nga pala, hindi na napunta rito si Alice, ah? Anong nangyari?" Nabalik ako sa katotohanan sa sinabi ni Badisno.

Agad akong nagkibit-balikat. "'Di ko alam. Out of reach lagi ang cellphone ni Alice, tinanong ko naman kay Ocianna since she's her best friend. Ang sabi n'ya ay hayaan lang daw at dahil marami siyang ginagawa."

Nagbuga s'ya ng hangin bago ako inalok ng pagkain na agad kong tinanggihan. Lagi nang wala si Alice nitong mga nakaraang linggo at hindi ko alam kung saan nagsususuot ang bata na 'yon. Kapag naman tinatanong si Ocianna ay wala rin naman s'yang sinasabi sa akin. Basta lang daw magtiwala ako. Hindi lang sa case ni White Killer tumutulong si Alice, minsan ay sa iba ring mga kaso kaya naman iba na ang turing nila kay Alice at ginagalang na s'ya sa loob ng polisya.

"I need some fresh air, dito ka muna," sabi ko kay Badisno na tinanguan naman n'ya habang tinitignan ang papeles na nanggaling sa lamesa ko.

Tumayo agad ako sa upuan ko at lumabas sa police station. Pasakay na sana ako nang mapansin ko na wala pala sa 'kin ang susi ko kaya naman patakbo ko itong kinuha sa loob.

"Napano ka?" gulat at nagtatakang tanong ni Badisno. Itinaas ko ang susi na kinuha ko at saka umalis na roon.

Pagkalabas ay biglang nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nagpalakad sa harapan ng polisya na agad kong ikinahinto.

"Killer," mahinang sambit ko. Tatakbuhin ko na sana ang pagitan namin ngunit pa'nong magiging s'ya si Killer kung matagal na itong patay at nakita ko pa ang bangkay nito?

Siguro ay namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makasalubong ko s'ya habang papasok ako sa kotse ay 'di ko napigilan ang panlalaki ng mata ko. S'ya nga si Killer, hindi ako pwedeng magkamali!

Bababa na sana ako ngunit nakapasok na ito sa loob ng taxi kaya naman napasandal na lang ako sa upuan ko.

What if it's not him? But he really looks like him! He looks like my old friend.

---

"RIVER!" Agad akong napatingin sa lalaking tumawag sa 'kin at agad ring napasimangot.

"Why are you here, Killer?" tanong ko pero hindi ako nito pinansin at tinignan lamang ang bangkay. Meron na naman kasing namatay ngayong araw malapit sa ilog. Ang ipinagtataka ko ay kung paanong nandito na agad s'ya, hindi ko pa naman s'ya tinatawag.

"He died from 7:30 to 8:00 pm, right?" tanong n'ya sa 'kin pagkatapos suriin ng mata n'ya ang biktima. Agad ko namang tinignan ang memo na ibinigay sa 'kin ng forensic saka tumango.

"He had many wounds, some of which were scratches from tree branches. He died due to excessive blood loss. Based on those scratches, we can assume he ran from the woods," pahayag n'ya saka tumayo na at tinignan ang paligid.

Lumapit s'ya sa 'kin para tignan ang memo. He's really a mystery but an interesting one. Nakatingin lang ako kay Killer na ngayon ay nakatingin sa itaas, ito ang favorite n'yang gawin kapag may iniisip s'ya.

Isa s'ya sa pinakamagaling sa pagso-solve ng case dito sa Camden kaya naman nakaasa sa kan'ya ang buong kapulisan na kaya n'yang malutas ang mga bagay-bagay, lalo pa't kahit kailan ay hindi pa pumapalya si Killer pagdating sa gano'ng bagay.

"Let's go?" tanong nito na ikinakunot ko ng noo pero nagpahila na lang din ako sa kan'ya hanggang sa nakarating kami sa dulo ng Cat Park kung saan mala-gubat ang itsura. Doon ay nakakita kami ng isang babae, nakahiga at walang malay.

"Who is she?" tanong ko.

"She's the victim." Nagulat ako sa sinabi n'ya at tinignan ang babae na nakahiga. Hinawakan ko ito, hindi lang pala ito nawalan ng malay kun'di patay na nang makita kong may dugo sa sahig na akala ko no'ng una ay tubig lamang.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at ipinaalam sa pulis ang nangyari na agad naman nilang nirespondihan.

"And he's the killer, he killed her with a knife. We couldn't find the weapon since he tossed it in the river. But since he died near there, siguro ay nataranta s'ya dahil nakapatay s'ya kaya dali-dali s'yang pumunta sa ilog. Ngunit dahil sa napuruhan din s'ya ng biktima ay namatay s'ya dahil sa pagkaubos ng dugo."

Pagtapos ng kaso at paghingi ng statement namin ay agad na nawala si Killer. Hinanap ko s'ya sa buong Camden, natagpuan ko s'yang nasa Cat Park at nagsisigarilyo.

"I'm thinking about the future," he muttered while looking at the sky.

"I know, I'll die," natatawa n'yang sabi bago ako nilingon. Nangunot ang noo ko, why is he saying those things?

"Take care of her for me, can you?" Agad ko naman syang binalugbugan dahil sa kung anong pinagsasabi n'ya. Tinignan n'ya naman ako nang masama.

"Why would I do that? Do it yourself," matigas na sambit ko kaya natawa s'ya sa inasal ko.

"Tss. Tapatin mo nga ako, may shota ka na ba? Wala ka namang pinakikilala sa 'kin, ah!" turan ko pa at napatayo pa na mas lalo n'yang ikinatawa.

"Well, I don't know how to answer that question, but I guess so," usal n'ya.

Agad akong napasimangot. Marami s'yang nililihim sa 'kin at alam ko iyon dahil halata naman sa kilos n'ya. Ngunit kahit isang beses ay hindi ko s'ya tinanong tungkol sa mga iyon dahil alam ko na lalabas at lalabas din iyon.

Napatingin na lang ako sa langit katulad ng lagi n'yang ginagawa bago magsalita na alam kong ikinangiti n'ya. "I'm Chief, River. I may not be a god, but don't worry, I will."

MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon