CONTINUATION OF Alice's POV
Alice:
Why did you kill Jassie?Puting Puta:
I slipped.
I pushed the wrong button.Alice:
Anyway, thanks for doing the job perfectly.Puting Puta:
Yes. Ofc, it's you, I'll do it.Agad ko namang ibinato kung saan ang cellphone ko sa kama. I killed someone. It's not like I was the one who killed them, but I was the mastermind. I don't feel the guilt or anything after killing them. Sa palagay ko, dahil 'yon sa mas nangingibabaw pa rin ang galit ko kaysa sa guilt kaya wala akong nararamdaman. It's better for Ocianna to cry dahil namatay ang boyfriend n'ya at hindi dahil nalaman n'ya niloko s'ya at magpapakasal na ang ma ito gamit ang pera n'ya.
Still, I don't like how my mind felt blown right now because of the fact that I talked to White Rabbit. I don't even get it. Who is the real killer? Is he the real killer? Why did White Rabbit kill Jassie? Why did Jassie say she wants to be dead? How did White Rabbit get Jassie to do that dangerous stunt?
Argh! I have so many questions that I want answers to, but I know I'll be stuck in a void because of this at dahil nangingialam ako. What if I didn't step in? Will I get a peaceful life while the killer or White Rabbit kills a lot of people?
"I need to sleep but I have so many what if's that are killing me!" malakas kong bulalas saka ko tinakpan ang mukha ko ng unan.
-
"ALICE, hello," nakangiting bati sa 'kin ni Badisno. Pagkatapos ng aksidente kung saan nakita nila akong iligtas ang isang biktima at hindi nagkaroon ng maraming injury, lagi na n'ya akong kinukumusta.
"Hello po," mahina kong sabi saka nagpatuloy nang maglakad.
"Are you okay, Ocianna? I heard some bad news about your relationship." Nabaling ang tingin ko sa nagsalita at agad na huminto sa paglalakad.
"I'm okay, Tita. Don't worry about that, hanap na lang ulit ng papa," pilit na tawang sagot nito. She's obviously not okay.
"Then what are you doing here? Papunta ka sa papa mo?"
"No po, I'm here for Allard. Did you see him?" tanong nito kaya naman lumapit na ako sa kanila dahil alam ko ang sagot sa tinatanong ni Ocianna.
"He's not here." Napatingin silang dalawa sa akin.
"Oh, yes, I forgot. Now pala ang day off n'ya! 'Buti naalala ko," sabi ni Tita Niagara.
"Do you know where his house is?" tanong ni Ocianna kay Tita kaya naman agad na pumunta si Tita sa opisina para maghalughog.
I know why she wants to see him, kita naman sa mukha n'ya. "Bakit mo s'ya hinahanap? You're going to Midress with him?" tanong ko na ikinalaki ng mata n'ya kaya napangisi ako. Bingo!
"Yes, why?" sagot n'ya habang tinatanggal ang pagkabigla sa mukha n'ya.
"Nothing. Just don't post anything that can trigger your former mother-in-law," I playfully said before leaving her there.
Paglabas ko sa loob ng police station ay sinalubong ako ng mga nakaparada na tricycle. Kanina ko pa gustong umuwi sa bahay kaya nate-tempt akong sumakay sa tricycle pauwi.
Naglakad-lakad na lang ako papunta sa park kung saan ko unang nakita si Jassie. Katulad ng dati kong pagpunta, madami pa ring tao at mga bata na naghahabulan.
Mabilis din akong tumayo do'n at umalis. Pero bago pa ako makaalis malapit sa park ay naakit ang mga mata ko sa isang shop. Kaya naman bago ako pumunta ulit sa police station ay pumunta muna ako sa loob. Hindi naman siguro ako kailngan sa police station ngayon.
"Hello, welcome to the Hellish Café!" nakangiting bati sa 'kin ng lalaki na nasa counter. Tinanguan ko lamang ito.
Napakagara ng lugar nila at sure ako na mae-enjoy ito ni Ocianna dahil sa pagiging aesthetic. Habang nililibot ko ang paningin, ngayon ko lang namalayan na ako lang pala ang nag-iisang customer nila.
"Bagong bukas po kasi ang shop at kayo pa lang po ang unang tao," malumanay na paliwanag ng lalaki sa 'kin. Siguro ay nakita n'ya ang pagtataka sa mukha ko.
"But it's 10 am in the morning," turan ko kaya naman napakamot s'ya sa ulo.
"Na-late ng gising, na-excite masyado kaya hindi nakatulog." Natawa naman ako sa sinabi n'ya kaya um-order na ako.
"Dahil ikaw ang una kong costumer, bibigyan kita ng mga freebie!" ngiting sambit nito na ikinangiti ko.
"Now mo lang talaga sinimulan mag-business or now ka lang nagbukas?" usisa ko.
"U-Uhm, ngayon lang ako nagsimula pero matagal ko nang plano. Naudlot pa nga dahil sa killer. Baka kasi hindi bumenta dahil walang lumalabas ng bahay dahil alam nilang may mamamatay-tao na gumagala, kaya 'yon, napanghinaan ako magbukas. Pero ngayong tinitignan ko ang park, mukha namang wala na silang paki sa killer. Nagtanong-tanong pa nga ako, ang sabi, okay lang lumabas nang maaga basta 'wag lang gabi," natatawang sabi n'ya kaya naman napatango-tango ako.
"Stereotype 'ata ng mga mamamatay-tao na gabi sila pumapatay," natatawa pa n'yang dagdag na tinanguan ko ulit.
"You're right. Probably because kaunti lang ang lumalabas sa gabi at hindi agad magkakaroon ng witness. Hindi tulad kapag umaga, you can have many witnesses. Tapos ang theme pa ng pagpatay n'ya, sa mga streets. So, need talagang gabi s'ya pumatay para ma-minimize n'ya ang mga makakakita sa kan'ya," mahaba kong pahayag. Agad naman akong natauhan sa sinabi at tinignan s'ya na nakanganga.
"I'm sorry!" I don't know why I said that! This is the first time my second personality slipped without a consent! Fuck.
"O-Okay lang, ano ka ba? Nakabibigla lang na sobrang serysoso mo sa mga gan'yan," sagot n'ya at tumawa.
"I just like to watch and read about it. I know I'm weir—"
"Same! I love to read and watch, too! You know about— I'm sorry na mukhang—"
"Na-overwhelm natin ang isa't isa," natatawa kong turan kaya naman natawa rin s'ya.
"I'm Daemon, by the way, explains why my cafe's called Hellish," ngiting wika n'ya na muli kong ikinatawa.
"I'm Alice. The name of your cafe is actually catchy, that's why I'm here."
Nag-usap lang kami hanggang sa may iba ng customer na mga pumasok kaya naman nabaling na ang oras ni Daemon sa cafe. Nang maubos ko na rin naman ang aking kape ay nagpaalam na ako sa kan'ya.
Pagpasok ko sa loob ng police station ay isang malakas na sigaw ang narinig ko kaya dali-dali akong pumunta kung saan nagsisiksikan ngayon ang mga pulis.
"Bring him back to me!" malakas na sigaw ni Tito River sa telepono kaya naman napatanong ako at napatingin ito sa 'kin.
"Alice! Why did my daughter have one of my men?" galit na sabi nito nang makita ako na papasok.
"It's his day off, so it's okay," walang emosyon kong sagot na mukhang nagpagalit lang sa kan'ya at hinawakan ang braso ko. Hindi naman 'yon madiin, tama lang para mapaharap ako sa kan'ya.
"She said he'll bring him back after a week. Wala nang one week si Allar—"
"Then? He's gonna do that pending report kapag nakabalik na s'ya. Ngayon, magnilay-nilay ka muna siguro, Tito River."
Napabuga naman siya ng marahas na hangin. "Get out," mahina nyang sabi saka hinilot ang sentido n'ya.
"Sure," mahina kong sabi at mabuti na lang ay hindi n'ya narinig. For sure magiging katulad ng kay Ocianna ang bunganga n'ya at madaming sasabihin kung narinig n'ya 'yon.
BINABASA MO ANG
MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)
Action[Complete] Alice is from Wonderland, which is full of magic, but what if she fell down to the wrong hole? Instead of Wonderland, it became Murderland. In the quiet town of Camden, midnight strikes fear into the hearts of its residents, for...