28.Operation Capturing the killer

363 17 5
                                    

Ocianna's POV

KASAMA ko ngayon si Allard papunta sa police station dahil tapos na ang little erand namin kung saan-saan. Alam ko sa sarili ko na handa na akong magmahal ulit. Niloko ako, eh, kaya bakit ko gagawin ang three months rule? 'Di n'ya deserve ang pag-move on-an nang gano'n katagal. Ako ngang pokpok, hindi nagloko sa relasyon namin, 'tapos s'yang matino-tino, nagloko? Unfair.

Pagkapasok sa loob ng station, para silang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa mga mukha nila na hindi mo malaman kung bakit.

"What happened?" I asked Tito Badisno. Agad n'ya akong hinila palabas ng station kung saan kaming dalawa na lang ang naro'n.

"Buhay ang tatay ni Alice."

Nangunot ang noo ko bago magsalita. "So? 'Di ba dapat, magdiwang dahil buhay ang tatay n'ya? Bakit ang lungkot-lungkot n'yo?" Wala ba silang tatay at ang KJ nila?

"Ang tatay n'ya ang totoong killer."

From that moment, words left me. The last thing I know, tumakbo ako papasok at hinanap si Alice.

I didn't find any trace of her kahit nang pumunta pa ako sa bahay n'ya kaya naman tinext ko na lang ito. I want to comfort her badly even though I don't know how. I want her to feel that she's not alone.

Bago ako makabalik sa police station ay nag-chat ito sa 'kin na hindi muna raw s'ya magpapakita for a while at 'pag ready na siya ay saka n'ya haharapin ang problema. Dad and Tito Badisno were felt a sense of relief when I told them about it, akala nila ay kung napa'no na si Alice.

Kasalukuyan kami ngayong nasa taas ng police station ni Allard. Ewan ko ba sa gaga na 'to, sumama-sama kahit 'di ko naman pinasasama. Imbes na makapagdrama ako nang mag-isa, heto at kasama ko s'ya sa taas at nakatulala.

"Ocianna, do you think Ms. Dennehy will be alright?"

"Of course, she's stronger than me," I told him with conviction. I know her.

I DIDN'T see Alice for a whole two weeks but I was still able to contact her despite that. I always asked her about what she's doing because I don't want her to feel lonely ngayong nalaman na n'ya na buhay pala ang tatay n'ya.

Isang araw ay bigla ko na lang ako nakatanggap ng tawag na nasa may police station daw si Alice kaya naman dali-dali akong lumabas ng bahay at agad na dumiretso ro'n. She's there with a serious face.

Hindi na muna ako lumapit sa kan'ya since kinakausap n'ya pa ang tatay ko at ang mga kapulisan. Nakinig na lang ako sa dulo kung ano nga ba ang gagawin nila para lang mahuli ito.

"As you all know, I'm the daughter of the serial killer who lurks around Camden, and I sincerely apologize for what he did, even though I wasn't aware that he's my dad. I'm truly sorry. I know an apology can't undo the lives he took." Minsan ko lang makitang sobrang seryoso ni Alice. She's even bowing her head. It's not the typical Alice, Alice would never let her pride down whatever happens, but now she did.

"Bilang kaisa ninyo, I have a solution to catch my dad."

Mabilis na nagbulungan ang mga pulis. Hindi sila sang-ayon na pagkatiwalaan si Alice ngayong s'ya ang anak ng serial killer dahil para sa kanila, pwede s'yang tumulong para hindi ito mahuli. Nangangati na ang mga kamay ko na makasapok ng isang pulis dito, lalo na ang katabi ko.

"Pa'no natin s'ya mapagkakatiwalaan kung ang ama n'ya mismo ang pumapatay sa mga tao?!" sigaw nito kaya naman napa-oo agad ang mga pulis.

"Even if it's my father, do you think I would tolerate him killing innocent people? It's better if they catch him and put him in jail or mental hospital, mas makikita ko pa s'ya kung gano'n ang mangyayari." Alice sounded so determined to get all the policies' trust. I guess she didn't even need comfort. Like what I've said to Allard, she's really strong. More stronger than me.

"Pa'no na lang kung tumabingi ka sa amin at sa tatay mo ikaw kumampi?" malakas na sabi ulit ng putang inang pulis na katabi ko. Isa pa, Kuyang Pulis, ilalamukos ko sa mukha mo ang kuko ko.

"My dad left me when I was 6 years old and the bond we shared already faded over the years. I can't even picture his face in my memory."

Nawala ang bulungan nang sinabi iyon ni Alice kaya naman nagsalita na ang tatay ko na kanina pa nakikinig. "Let us hear how we will catch the killer." Wala nang ibang nagsalita matapos n'on.

"It would be a dangerous stunt. But before that, we need to lock Lance—"

"About that, we can't see Lance ever since tinanggal na ang mga bantay sa kan'ya."

Kita ko ang pagka-shock sa mukha ni Alice pero agad rin 'yong nawala saka s'ya umayos. "I don't want to assume na s'ya ang lalaki na hawak ng tatay ko sa CCTV video since s'ya rin naman ang main suspect ko sa katauhan ni White Killer, but let's just hope he got away and move to another town, city kr country."

Bigla akong nakaramdam ng guilt matapos marinig 'yon. Ang huli naming pagkikita ni Lance ay no'ng inaway ko pa s'ya at tinakot dahil sa mga pinagsasabi n'ya kay Alice.

"We need a sacrifice in this mission and that's me, I will be the bait. Don't worry, I know martial arts, so he won't be able to kill me easily."

"No, I will be the bait, Alice. I know Killer more than you." Magpoprotesta na sana ako agad nang marinig si Dad na sabihin 'yon ngunit hindi pa man ako nakapagsasalita ay nagpatuloy na s'ya. "It's a dangerous stunt and I know Killer better than anybody in here. I understand Alice well, I know na hindi n'yo s'ya kayang pagkatiwalaan dahil anak s'ya ng mamamatay-tao, ngunit wala tayong magagawa. We only share one goal here and that is to catch Killer."

"Okay, I'll tell you the plan first before we make the decision on who's going to do it. First, ang gusto kong sumama sa mission na 'to ay hindi namatayan ng pamilya dahil kay Killer o kay White Rabbit, I don't want any emotion to dominate you, guys. Makasisira lang sa plano ang emosyon kaya kung sasali kayo, isantabi n'yo na muna ito hangga't hindi pa nahuhuli ang killer.

Second, we will lurk Killer to an abandoned building near Cat Park para wala tayong madadamay na inosente sa lugar na iyon dahil ang likod n'on ay magubat, all the police can wait there to ambush him.

Third, we need someone to shoot him with a tranquilizer gun which will be a decoy. But to make sure, someone will shoot a second shot. Mukha lang s'yang madali ngunit hindi. My mother said my father knows a lot of martial arts, so we need to be careful. Kapag nakaramdam lang s'ya sa plano natin ay mas lalong magiging mahirap ang paghuli sa kan'ya. Worst, baka hindi pa natin s'ya mahuli at may mamatay pa sa atin."

I was amazed on how she said all of that. She looked like a professional.

"Tito River and I will be the decoy." Hindi n'ya na pinagsalita pa ang mga pulis. "I will be the real decoy. I'll pretend to be a call center agent or whatever just to lure him. Tito River will signal the police, so he needs to standby, and he will be the one to shoot the second shot. Meaning, importante ang trabaho mo, Tito River. Just let me."

Dad let out a long sigh before he gave Alice his permission.

"We have one week to prepare. Isama n'yo na sa pag-prepare n'yo kung saan ang position n'yo sa abandoned house," diretsong saad n'ya saka na s'ya umalis

MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon