8: I know

488 20 11
                                    

AKALA ko, hindi na ako kukulitin pa ni White Rabbit at do'n na matatapos ang pag-uusap namin ngunit mali ako. Araw-araw n'ya na akong kinukulit at kahit anong gawin ko ay ayaw n'yang tumigil. Kahit na i-mute ko ang cellphone ay nakagagawa ito ng paraan para buwisitin ako. Sa mga araw din na iyon, hindi na mas'yadong lumalabas si White Rabbit kaya naman mas'yadong masaya ang kapulisan na baka hindi na ito bumalik o nag sawa na ito.

"Kanina pa 'yang cellphone mo, ingay nang ingay. Sagutin mo na kaya? Baka mamaya, si Dad 'yan," inis na usal ni Ocianna dahil kanina pa nag-iingay ang cellphone ko habang nagsasalita ito.

Kukunin ko na sana ang cellphone nang bigla n'ya itong kinuha at siya na mismo ang sumagot ng tawag. "Hoy, 'tang ina mo, manahimik ka. Kung sino ka man, sasagutin at sasagutin ka ni Alice kung kailan n'ya gusto. Kaya please, our time is running at wala pa akong na-chika dahil sa buwisit mong pagtawag nang pagtawag. Isa pa, talagang ipata-track kita tapos pupugutin ko 'yang kamay mo para 'di ka na makatawag."

Lahat ng tao sa cafe ay napatingin kay Ocianna dahil sa sinabi nito at nagbulong-bulungan. Inis naman n'yang ibinababa ang cellphone ko. "Isa pa talagang tawag ng gago na 'yan, ako mismo papatay r'yan. 'Kainis, kanina pa ako nabubuwisit. By the way, so 'yon na nga, ako pa talaga pinaglihian ni Ate Lakesyr tapos gustong-gusto pa na lagi akong kasama. Alam mo naman na 'di ko bet kasama 'yong plastic kong ate, 'di ba? 'Tapos nagawa pa akong paglihian."

Ang bilis nga mawala sa mood, ang bilis ding bumalik sa mood. Wala akong ibang choice kun'di ang ipagpatuloy na lang ang pakikinig sa kan'ya.

Nasa kalagitnaan si Ocianna ng pagkukuwento tungkol sa boyfriend n'ya nang biglang may tumawag sa cellphone ko kaya naman agad n'ya itong kinuha at sinagot. Kita ko sa mukha n'ya ang pagkataka at saka ibinaba at pinatay ang tawag.

"Sino ba 'yang gago na 'yan?" tanong n'ya sa 'kin kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa messages.


Puting Puta:
Reply.
Someone will die on this day. Guess where :>
4:23 pm

Nang makita ko 'yon ay agad kong tinago ang cellphone ko at pinower off ito. Mahirap na, baka makita pa ito ni Ocianna.

"Who's that?" tanong nito at nawala na ang atensyon sa boyfriend n'ya.

"Someone I know, why?" sagot ko pero pinaningkitan lang n'ya ako ng mata.

"Bakit gan'yan 'yan makatawag? Akala mo naman, 'di mo na s'ya kakausapin," komento n'ya pero hindi na lang ako sumagot. Mukhang iba na kasi ang kutob n'ya.

"I don't really know, you know. Just continue talking."

"No, who's that? I know it's not your mom and I am your only friend. So, who's that?" ngising usisa pa n'ya kaya naman inirapan ko s'ya.

"It's nothing. I don't really know who it was, he just keeps cal—"

"He? He's a man. Really, you're gonna have a boyfriend and you're not telling me about it?!" Para s'yang nasaktan nang mapagtanto iyon.

"No, he's not!"

"Then who is it?!" Parehas na kaming sumisigaw kaya naman napatitingin na sa 'min ang ibang tao. Agad naman akong napapikit at hinilot ang aking ulo.

"He's my childhood friend and he wants to meet me with her wife. It's not about what you think."

Agad naman itong natawa sa sinabi ko. "What a lame excuse. To think na nag-isip ka pa talaga ng gan'yan para lang 'di mo sabihin sa 'kin. Fine, I'm not gonna push you about him," nanunudyong sabi n'ya at saka ipinagpatuloy ang pagkukuwento tungkol sa boyfriend n'ya.

Napahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Dahil kung magsasalita pa s'ya ay baka masabi ko na talaga. Ocianna is good when it comes to getting what she wants.

"You know, my boyfriend don't want to see me anymore since inaway ko nga raw yung nanay n'ya and dapat daw makinig kami sa nanay n'ya. Para din daw naman sa kapakanan namin 'yon. Kaso to think na kahit umaga na kami gumala at magdala ako ng maraming bodyguards ay ayaw pa rin n'ya at ng nanay n'ya is nakakabanas. It's our monthsary and he doesn't want to come!"

"Did you tell your boyfriend about that?"

"Yes, I did. But he said I'm just an emotional freak and pwede naman daw naming gawin 'yon sa susunod kapag wala nang killer. But you know, 'di na 'yon special kung 'di na 'yon yung same day. Saka maghihintay na naman ako ng isang buwan para lang maging special yung araw na 'yon," naiiyak n'yang sabi sa 'kin.

Inabot kami ng ilang oras do'n habang nagkukuwentuhan lang tungkol sa ate n'ya na pinaglilihian s'ya at sa boyfriend n'yang ayaw man lang s'yang i-date kahit umaga dahil natatakot kay White Rabbit at sa killer.

Pagkauwi na pagkauwi ko, agad kong binuksan ang phone ko at nakita ko na naman ang dami ng missed calls at chats n'ya.

39 missed call from PUTING PUTA


Puting Puta:
No pattern, totally random.
9:02 pm

Alice:
What the fuck do you want?
9:30 pm

Puting Puta:
Let's meet up.
9:30 pm

Alice:
For what?
9:31 pm

Puting Puta:
Nothing. I just had some free time.
This will be your loss if I lose my interest in you.
9:31 pm

Alice:
I don't think so
9:32 pm

Puting Puta:
Haha, really? How?
9:32 pm

Alice:
We are the same and you know it. You know that we can understand each other pretty well. The only thing is we take different paths.
9:33 pm

Puting Puta:
You're right, then let's meet.
9:33 pm

Alice:
No.
9:33 pm

-

"YOUR eyebags are so laki, 'te!" puna ni Ocianna. Nasa bahay n'ya ako ngayon dahil may kailangan daw ibigay sa 'kin si Tito River na nasa possession ni Ocianna kaya ako na ang kumuha kaysa naman hintayin ko pa na si Allard ang kumuha.

"It's hard work," I blurted out. Although the reason why I look like this is not really about work. It's because of White Rabbit himself — he really wants to meet me.

"Hard work tawag d'yan? Wala ka ngang trabaho tapos nagpapaka-hard work ka," saad n'ya kasama ng isang buntong-hininga.

"I'm just helping our town, okay!" apila ko.

"Kahit na. You should rest pa rin—"

"What do you think about meeting someone you don't want to but still insist on doing so?" 'Di ko napansin ang nasabi ko dahil sa lalim ng iniisip kaya naman gulat akong napatingin kay Ocianna na nanlalaki rin ang mga mata.

"What do you mean? You have some stalker?" tanong n'ya sa 'kin na inilingan ko.

"No, some thoughts na bigla-bigla lang pumasok sa isi—"

"Wait, 'yan ba yung tawag nang tawag sa 'yo no'ng may chika tayong dalawa? My god, sabi ko na nga ba, tama ako ng hinala, e," natatawang ani n'ya saka umayos ng upo sa kama kung saan ako nakahiga.

"You know, 'yong slut lang at nakikipagkita kahit kanino. If you have something inside your head na parang nagdadalawang-isip ka kung itutuloy mo ba, 'wag mo na lang ituloy. And if naman 'di ka nagdadalawang-isip, like more than 80% ng sarili mo ang payag, then go! Wala namang mawawala sa 'yo kun'di Bataan lang," dagdag pa n'ya na halatang natutuwa na na ikinangiwi ko.

"It's not about sex," mahina kong sabi.

"I know," giit n'ya at tumayo na para ayusin ang damit ni Ate Lakesyr na ngayon ay nakatira na rin sa condo n'ya.

"How did you know?" I mumbled.

"Statistics," ngising sagot n'ya.

"Ohh, I like that. Nagmukukha ka nang matalino," natatawa kong sabi kaya naman napasimangot s'ya.

MURDERLAND (SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINY PEN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon