01

1.3K 11 0
                                    

Nahampas ni Ziejan ang manibela ng tuluyan siya maipit sa traffic, kaya ayaw niyang napunta sa manila bukod sa mausok sa syudad wala rin araw na hindi na-traffic dito. Mas gugustuhin niya pang manatili sa bukid kay'sa ang magpunta sa syudad mabuti do'n sariwang hangin ang malalanghap kumpara sa manila na sariwang usok ang nalalanghap mo. Napatingin siya sa sariling cellphone ng makitang tumatawag ang kaniyang ina pinindot niya ang answer bottom at bumungad sa kaniya ang nakangiting ina.

"Anong oras ka makakarating dito anak?" Napakamot si Ziejan sa kilay dahil sa tanong ng ina.

"Mom, naipit ako dito ba'ka gabihin na ako sobrang traffic." Nalukot ang mukha ng ina at sigurado siya na hindi nito nagustuhan ang kaniyang sinabi.

"Basta dapat sa birthday ko andito kana Zeijan dahil kung hindi huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa'kin." Napangisi si Ziejan sa banta ng ina.

Kahit sabihin ng ina na huwag na siya magpapakita rito ay hindi pa din naman nito natitiis ang kaniyang kagwapuhan. Sa sobrang gwapo niya ay ba'ka umiyak pa ito kapag hindi siya makita ng isang araw.

"Mom, sigurado naman akong hindi mo matitiis itong kagwapuhan ko. At saka itong ka-guwapuhan ko ay kinababaliwan ng mga bawat babaeng nakakasalubong ko." Aniya natawa si Ziejan ng mamula ito sa inis.

"Parehong-pareho kayo ng tatay mo, parehong malakas ang hangin sa katawan."

"Mom, I'm just stating the facts, dahil hindi mo naman ako paluluwasin ng manila kung hindi mo na-miss ang angkin kong kagwapuhan."

Inirapan siya ng ina. "Ewan ko sa'yong bata ka, mag ingat ka sa pag-biyahe huwag masyadong mabilis ang pagmamaneho." Anito bago nawala sa kabilang linya napailing na lang siya mabilis talagang mapikon sa kaniya ang ina, kaya aliw na aliw siya sa tuwing pinipikon niya ito.

Binuksan ni Ziejan ang bintana ng sasakyan at saka kumuha ng isang istik ng malb*ro mabilis niyang sinindihan 'yon. Malinaw niyang natanaw ang mga kabataang nanlilimos sa gitna ng kalsada, ang iba ay naakyat pa sa jeep habang may dala-dalang tambol na gawa sa lata ng gatas at saka kakanta ng christmas song, buwan na kasi ng disyembre nalalapit na ang pasko.

Napako ang tingin niya sa isang babae na bumaba sa jeep kasama ng mga bata napaka amo ng mukha nito bumagay dito ang puting dress na suot nito lumilitaw ang ganda sa mukha ng babae kahit na marungis para itong anghel sa kaniyang paningin. Parang tumigil ang oras para kay Ziejan ng mapatingin ito sa gawi niya.

Nakatingin lamang siya sa babae hanggang sa hindi niya namalayan na nasa tapat na niya pala ito. Nag tambol ang mga batang kasama ng babae bago ito nagsimulang kumanta.

"You better watch out~
You better not cry~
You better not pout~
I'm telling you why~
Santa Claus is coming to town~"

Napakalambing ng boses ng babae parang hinehele siya ng boses nito, kay sarap pakinggan nakatitig lamang si Ziejan sa bibig nitong bumubuka habang kumakanta. Iba't ibang imahe na rin ang pumapasok sa kaniyang isipan habang nakatitig sa mapulang labi ng babae animo'y inaakit siyang angkinin 'yon.

"Merry Christmas po." Sabay-sabay na saad ng babae kasama ang mga batang kasama nito.

Nagising si Ziejan sa kaniyang kahibangan hindi niya namalayan na tapos na pala kumanta ang babae. Napalunok siya bago dumukot ng limang daan at inabot 'yon sa dalaga, halos mag init siya ng dumanpi ang daliri nito sa kaniyang palad.

"Thank you po, manong." Nakangiti na pasasalamat ng dalaga sa kaniya, pero si Ziejan ay nag igting ang panga ng marinig ang itinawag nito sa kaniya.

Mukha ba siyang gurang sa mata nito? He is f*cking just thirty-one years old at nasa kalendarto pa siya! magsasalita pa sana si Ziejan ng mabilis na ang mga itong umalis sa kaniyang harap. Na siya rin namang pag usad ng mga sasakyang na nasa unahan niya kaya wala siyang choice kong hindi ang paandarin na rin ang kaniyang sasakyan.

Kauuwi lang ni Bella sa barong-barong nilang bahay na nasa gilid lamang ng kalsada ng bumungad sa kaniya ang kaniyang tiyuin na lasing na naman. Walang araw na hindi ito naglalasing at sigurado na naman ang dalaga na mainit na naman ang ulo ng tiyuin.

"Ikaw na sampid ka saan kana naman ba nagsusuot at bakit wala pang sinaing?!" Singhal nito sa kaniya dahilan para mapangiwi siya.

"Pasensya na po tiyong magsasaing na po ako." Aniya at saka mabilis na pumasok sa maliit nilang bahay.

"Aba'y bilisan mo't nagugutom na ako!" Singhal nito.

"Kahit kailan talaga wala kang kwentang bata ka!" Dugtong pa ng tiyuin kay Bella.

"Hindi ko alam kung ano ang pinakain mo sa tiyahing mo't kinupkop ka niya."

"Eh wala naman kaming napapala sa'yo."

Tuloy-tuloy nitong talak na hindi nalang pinansin ni Bella sanay na siya sa tiyuin dahil ang tiyain lang naman niya ang inaalala niya. Ayaw na niyang bigyan pa ng problema ito hindi 'yon makabubuti para rito.

Pagkatapos niyang isalang ang kaldero sa kalan diuling ay agad niyang tinungo ang kwarto ng tiyain. Nakangiti ito sa kaniya ng makita siya, naupo si Bella sa tabi ng tiyain at saka ito hinalikan sa noo.

"Tiyang malaki po ang kinita ko ngayon, tamang-tama pambili ng gamot mo na pang isang linggo." Hinaplos nito ang kaniyang mukha.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag ka mangangaroling sa kalsada dahil ba'ka mapahamak ka." Napaubo ito kaya agad niya itong inabutan ng tubig.

"Eh, tiyang nag-iingat naman po ako at saka po ginagawa ko lang naman 'yon para po maibili ko po ikaw ng gamot mo."

"Bella, anak hindi mo kailangan gawin 'yon, ang mahalaga sa'kin ay ayos ka, at ayos na rin ako."

"Pero po lalala ang sakit n'yo kapag hindi kayo nakainom ng gamot ng tuloy-tuloy."

"Ayos lang ako, anak, mangako ka saakin na hindi kana manlilimos, mangako ka saakin Bella." Kahit labag man sa loob ay marahan siyang tumango na ikinangiti nito ng malawak.

"Opo tiyang."

Nakarating na si Ziejan sa mansyon nila pero ang dalaga pa rin ang laman ng kaniyang isip. Magpa-hanggang ngayon ay ramdam n'ya pa rin ang kaniyang pagkal*l*ke na gising na gising dahil sa pagtitig niya sa labi kanina ng dalaga.

"Manang Laida I miss you!" Sigaw niya pagkakita sa matandang katulong nila, ito ang nag alaga sa kaniya no'ng bata pa siya, mabilis niya itong niyakap na ginantihan naman nito agad.

"Oh ihjo buti naman at naisipan mong umuwi, aba'y ang tagal kanang kinukulit ng mommy mo na dumalaw dito."

Pakamot-kamot siya sa batok pagkatapos nitong kumawala sa kaniyang yakap.

"Andiyan na ba ang anak kong magaling manang?!" Rinig niyang sigaw ng kaniyang ina halos takbuhin na nito ang pagitan nila.

"Hey, mom, na-miss mo ako ng sobra huh... nag mamadali eh." Nakangising aniya ngunit ang ngisi niya ay napalitan ng ngiwi dahil pagkalapit nito sa kaniya ay madiing piningot nito ang kaniyang tainga.

"Buti naman at pinagbigyan mo ako ngayon, balak ko na sana ibaon ka sa pinyahan mong bata ka."

"Aww! Mom, ang sakit." Daing niya habang nakahawak sa taingang nasaktan.

Matagal na kasi nito siyang kinukulit na lumuwas ng manila ngunit ngayon niya lamang ito napagbigyan, dahil ngayon lang naman naging maluwag ang schedule niya.

FOLLOW | COMMENT | VOTE

AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon