Napangiti si Ziejan ng masilayan ang dalagang tulog na tulog sa kaniyang ilalim, ng makilala niya ito kanina ay labis ang sayang kaniyang naramdaman. Nang puntahan niya ito sa lugar kong saan ito nakatira ayon sa impormasyon na nakalap ni Ryu ay wala na ito ro'n. Sabi ng mga tao na kaniyang napagtanungan ay hindi na nila alam kong nasaan nagpunta ang dalaga, at nasabi din sa kaniya kong anong dahilan kong bakit wala na ro'n ang dalaga. At ng malaman niya ang ginagawang pagmamaltrato at pagpapalayas dito ng sarili nitong tiyuhin ay agad niyang pinahanap ang tiyuhin ng dalaga magpa-hanggang ngayon ay hindi pa ito nahahanap pero kilala niya magtrabaho ang mga tauhan ni Caius hindi ang mga ito titigil, hanggat hindi nagagawa ang kaniyang pinapatrabaho.
Wala itong karapatan na saktan ang babaeng mahal niya, noong unang marinig ni Ziejan ang boses ng dalaga ay minahal na niya ito at ang kaniyang kinainis ay halatang hindi na siya nito maalala samantala siya ay hindi niya ito nakalimutan kailan man. Kailangan niya ata pasalamatan ang kaniyang ina dahil kong hindi dahil sa pamimilit nitong umuwi siya sa mansyon, hindi niya pa malalaman na naandito lang pala sa mansyon ang babaeng nagpapabaliw sa kaniya ng lubos. Hinalikan niya muna ito sa noo bago umalis sa ibabaw nito, napasulyap si Ziejan sa kaniyang suot na sweat pants at natawa ng makitang basa 'yon.
Napapailing si Ziejan habang palabas sa kwarto ng dalaga, sigurado siya kong makita ng mga kaibigan niya ang ginawa niya ay pagtatawanan siya ng mga ito lalo na ni Ryu. Sinulyapan niya muna ang payapang natutulog na dalaga bago maingat na isinara ang pinto ng kwarto nito.
Ilang oras ng nakatulala si Bella sa kisame ng kaniyang silid inaalala ang kaniyang mga napanaginipan, ramdam niya pa rin ang init ng labi ng lalake sa kaniyang balat. Kaya hirap na hirap siyang paniwalaan na panaginip lamang 'yon dahil para sa kaniya totoong-totoo na nangyari 'yon. Dahil magpa-hanggang ngayon ay ramdam na ramdan niya pa rin ang bawat haplos nito sa kaniyang balat. At saka lamang siya bumangon ng makarinig ng katok at tawagin siya ni nanay Laida mula sa labas ng kaniyang kwarto.
"Bella.. bumangon kana d'yan anak." Rinig ni Bella na anito.
"Opo, nanay." Tugon niya sa matanda.
Mabilis na bumangon si Bella at nag ayos ng sarili tiningnan niya pa ang sarili sa salamin, ngunit napakunot ang kaniyang noo ng makitang may mga pantal ang kaniyang leeg palibot 'yon sa kaniyang leeg. Mapula 'yon na parang kagat ng insekto pinagsawalang bahala na lamang niya sa pag aakalang kagat lamang 'yon ng insekto. Naabutan niya sa kusina ang pamilya Serrano na nag aagahan ngumiti sa kaniya ang mag asawang Serrano ng makita siya.
"Magandang umaga po." Bati niya sa mga ito.
"Magandang umaga rin ihja." Nakangiting balik na pagbati ni Mrs. Serrano habang ang asawa nito ay ngumiti lamang sa kaniya at saka tumango.
Napasinghap si Bella ng magtama ang paningin nila ni Ziejan, nakangisi ito sa kaniya habang may kislap ang mata na nakatingin sa kaniyang leeg. Tinakpan 'yon ni Bella gamit ang kaniyang dalawang palad naasiwa siya sa tingin ng binata. Ipinagpasalamat niya rin na wala siyang makitang pandidiri sa mata ng lalake habang nakatingin sa mga pula na paniniwala niya na kagat lamang ng insekto sa kaniyang leeg.
"Good morning." Bati rin nito habang nakangisi kinagat pa nito ang sariling ibabang labi animo'y pinipigilan ang pag ngisi.
Inaayos ni Bella ang kaniyang nakalugay na kulot-kulot at mahabang buhok habang nag hihintay kay nanay Laida ng biglang sumulpot sa kaniyang harapan ang nakangising si Ziejan.
"What are you waiting for here?" Tanong nito.
"Si nanay Laida po sir Ziejan ako ang sasama sa kaniya sa pag-groceries." Sagot ni Bella.
Tumango-tango si Ziejan napatigil lamang ito sa pagtango ng mapadako ang mata nito sa kaniyang leeg. Napansin ni Bella na tinitingnan nito ang mga pulang marka na nasa kaniyang leeg, dahan-dahan niyang tinakipan ng kaniyang kamay ang pulang marka na nasa kaniyang leeg. Tumingin sa kaniya ang lalake dahilan upang magtama ang mata nila ni Ziejan, umiwas ng tingin si Bella ng mailang siya sa init ng mata ng binata.
"Nakagat po siguro ako ng ipis kagabi habang natutulog ako." Aniyang hindi nakatingin dito.
Narinig niyang tumawa si Ziejan ng mahina dahilan para muli niya itong harapin bumungad sa kaniya si Ziejan na mahinang tumatawa. Kumunot ang noo ni Bella hindi niya malaman kong ano ang nakakatawa sa kaniyang sinabi. Napatigil lamang si Ziejan sa pagtawa lumapit sa kanila si nanay Laida.
"Halika na, Bella at ba'ka gabihin pa tayo sa daan." Pag-aya ng matanda kay Bella.
"Samahan ko na po kayo nanay Laida." Ani Ziejan dahilan para mapalingon sa kaniya ang matanda.
"Huwag na ihjo at ba'ka may gagawin ka pa, hindi mo ba bibisitahin ang mga kaibigan mo? Minsan ka lamang mag-gawi dito sa manila."
Lumapit si Ziejan sa matanda at saka umakbay dito. "Nanay Laida, alam ko na gwapo ako kaya imposible na hindi nila ako na-miss pero mas gusto ko kayo samahan kay'sa ang makita sila." Nakangising aniya dahilan para mapahalakhak ang matanda.
"Ikaw na bata ka hindi ka pa rin nagbabago magpa-hanggang ngayon ay malakas pa rin ang hangin mo sa katawan. Oh, siya... Tara na at ba'ka gabihin tayo."
Tulak-tulak ni Ziejan ang cart habang sinusundan niya si Bella na abala sa pagtingin sa hawak-hawak nitong papel kung saan nakalagay ang mga dapat nilang bilhin. Ang kasama nilang matanda ay namimili ng mga gulay at karne at iba pang frozen food habang sila naman ng dalaga ang naatasan na mamili ng mga de-lata at iba pa. Kanina pa sila nag iikot sa loob ng groceries store pero magpa-hanggang ngayon ay parang hangin lamang siya dahil hindi man lamang siya nito tinatapunan ng tingin at dama din ni Ziejan ang pagkailang ng dalaga sa kaniya dahil sa tuwing lumalapit siya ay lumalayo naman ito sa kaniya dahilan para mainis si Ziejan. Tumigil siya sa pagtulak sa cart ng tumigil ang dalaga sa paglalakad nakatingala ito sa iba't ibang brand ng mga de-lata.
"Ziejan?" Tawang ng kung sino sa kaniya.
Sabay silang napalingon ni Bella sa tumawag sa kaniyang pangalan bumungad sa kanila ng dalaga ang sexy na babae na blonde ang buhok. Lumapit sa kaniya ang babae at saka mabilis na sinakop ang kaniyang labi na hindi niya agad naiwasan.
"I miss you, babe." Ani ng babae habang matamis na nakangiti sa kaniya.
Hindi pinansin ni Ziejan ang sinabi ng babae sa halip ay nilingon niya si Bella na gulat ang mukhang nakatingin sa kanila ng babae. Hindi maiwasan ni Ziejan ang mapalunok dahil sa kaba, hindi pa man niya nasasabi rito ang kaniyang nararamdaman pero mukhang maaga na siyang mababasted. Nakangiwing lumayo siya sa babae at ng akmang yayakapin pa siya nito ng mabilis na niya itong pinigilan.
"Sorry, miss I'm busy." Aniya at saka inakay si Bella.
Akay-akay niya si Bella habang tulak-tulak ang cart naglakad sila palayo sa babae at ng makalayo sila sa babae ay agad niya itong hinarap.
"It's not wh—at you think." Utal na wika niya pero hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi.
"Ba'ka hinahanap na tayo ni nanay Laida." Sabi ng dalaga at saka kinuha sa kaniya ang cart at ito na ang nagtulak non.
VOTES | COMMENTS | FOLLOW
Sa mga gustong mag avail ng FORBIDDEN PLEASURE (150 php) mode of payment GCASH message lang po sa email account ko ✉️ missgalacia@gmail.com or comment here. Mas mainam
Kung mag private message po
Kayo sakin. 🥰
BINABASA MO ANG
AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTION
General FictionBella Guevarra is a simple girl with a good heart. She loves her untie very much, so even when she sang in the street, she did it for her untie. She was a complete orphan and did not know her parents because they had died when she was a baby. When h...