10

760 5 4
                                    

"Andito na pala kayo ihjo, ihja." Bati sa kanila ni nanang Minda pagkarating nila sa bahay ng ginang.

Nasabi ni Ziejan kay Bella na taon-taon ay sa bahay ng ginang ito nag babagong taon.

"Ihjo, pumasok na muna kayo, ba'ka mangalay ang nobya mo sa katatayo." Binuksan ni nanang Minda ng malawak ang pinto ng bahay nito.

Hindi pa man  nakakahakbang papasok si Bella ng may biglang tumawag sa pangalan ng binata.

"Boss Ziejan, tagay." May lumapit sa kanila na Binatilyo na may dalang baso na may lamang lambanog.

Nakangiting inabot 'yon ni Ziejan at mabilis na nilagok, nakaawang ang labi ni Bella na nakatingin dito natawa ito ng makita ang reaksyon niya.

"Kay ganda naman ng nobya mo Boss." Manghang puri ng binatilyo.

"Hindi naman ako pipili ng panget." Tugon naman ni Ziejan at saka siya hinapit palapit sa katawan nito.

Sabay na natawa ang mga ito sa tinuran ng binata.

"Pumasok ka muna sa loob my Bella, doon lamang ako." Tukoy nito sa mga kalalakehang kumpol-kumpol na maingay na nag iinoman. Nasa ilalim ng puno ng mangga ang mga ito may lamesa doon at upuan.

"Huwag ka iinom ng madami manong." Wala sa sariling ani Bella hindi niya alam kong bakit niya nasabi 'yon.

Sa totoo lang ay ayaw niya itong uminom dahil bukod sa hindi niya ito kayang akayin pauwi dahil sa laking tao nito, hindi niya rin alam kong saan ang daan pabalik ng bahay ng binata.

"Masusunod kamahalan." Tugon nito na may bahid ng biro sa tono.

Napapikit si Bella ng halikan nito ang kaniyang noo nitigalan siya ng sandaling pinaglapat din nito ang kanilang mga labi bago siya pinapasok sa loob ng bahay ng ginang at saka ito nagpunta sa mga lalakeng nag iinoman.

"Maupo ka muna dito ihja, at titingnan ko lang ang niluluto ko." Tukoy ni nanang Minda sa upuan na gawa sa kawayan, iniwan muna siya nito at nagtungo sa kusina.

Pagkatapos niyang maupo ay nagulat siya ng may biglang lumapit sa kaniyang dalagita. Umupo ito sa kaniyang tabi habang ngiting-ngiti itong nakatingin sa kaniya, sa tingin niya ay nasa trese lamang ito.

"Totoo nga ang sabi ni nanang napakaganda ng nobya ni Sir Ziejan." Napakislot si Bella ng haplosin nito ang kaniyang mukha. "Para ka pong manika na nabuhay ang ganda-ganda mo ate." Napangiwi siya ng marinig na naman na nobya siya ng binata na hindi naman totoo.

"Hindi naman ako nobya ni sir Ziejan." Nakangiwing wikang aniya.

"Ayos lang ang mahiya ate pero kong ang ikinahihiya mo ay si Sir Ziejan wala ka dapat ikahiya dahil ang gwapong tulad niya ay dapat ipinagmamalaki!" Anito, napatakip si Bella sa magkabila niyang tainga ng bigla itong tumili.

Sabay sila ng dalagitang napatingin sa pinto ng malakas ang tunog na bumukas 'yon, parehong gulat ang mukha nila ng makita ang hinihingal si Ziejan. Mabilis itong lumapit sa kaniya nanigas si Bella ng sapuin nito ang kaniyang mukha animo'y tinitingnan kong may sugat siya gano'n din ang ginagawa nito sa kaniyang mga braso.

"Are you okay, baby?" Puno ng pag aalala ang tono nito, wala sa sariling tumango ang dalaga at tila ito naman ay nakahinga ng malamang ayos siya, Kumunot naman ang noo nito sa kaniya. "Bakit may narinig akong tili? Akala ko napano ka." Pinamulahan si Bella ng mukha sa sinabi nito.

"Ayy! Pasensya na Sir Ziejan ako po 'yon tumili ang ganda-ganda po kasi ni ate." Sagot ng dalagita na kausap niya.

"Ano yung narinig kong ingay dito?" Takhang tanong ni nanang Minda, kalalabas lamang nito ng kusina at may dala-dalang kaldero.

"Ayy! wala nanang na-miss lang nitong si Sir Ziejan si Ate at nagmamadaling pumasok." Parehas na natawa si Ziejan at nanang Minda sa tinuran ng dalagita habang siya ay namumula ang mukha at napayuko.

Amoy na amoy ni Bella ang binata dahil magkalapit na magkalapit ang katawan nila, mahigpit na nakayakap ito sa kaniya mula sa likod parehong silang nakatingala sa langit at pinapanuod ang makukulay na paputok.

"Happy new year, baby.." Nagtayuan ang kaniyang balahibo sa batok ng bumulong ito at napakislot ng maramdaman ang mahinang pagkagat nito sa kaniyang tainga.

Hindi napapansin ng mga tao sa paligid nila ang ginawa ng binata dahil halos ang lahat ay abala sa panunuod ng fire works.

"Manong.." Mahinang usal niya ng isubsob nito ang mukha sa kaniyang leeg.

"You smelled so sweet." Nahigit ni Bella ang kaniyang hininga ng samyuin nito ang leeg niya bago hinalikan ng madiin ang balat niya doon at saka lumayo ng bahagya sa kaniya.

Doon lamang siya nakahinga ng matiwasay ng lumayo ang katawan nito sa kaniya, maya-maya pa'y nagpaalam na rin silang uuwi na.

"Sigurado ka ba ihjo na kaya mo pa magmaneho?" Tanong sa binata nanang Minda ng magpaalam silang uuwi na.

"Yes, nanang Minda, huwag na po kayo mag alala dahil kakaunti lang naman ang ininom ko."

"Pero nakainom ka pa rin, ipapahatid ko na lamang kayo sa apo ko." Nababakas sa boses ng matansa ang pag-aalala.

Tumawa ang binata sinamaan ni Bella ito ng tingin kaya napatigil ito sa pagtawa.

"Nanang ayos lamang po kami, kaya pa po ni Manong mag maneho." Sagot ni Bella sa matanda ngumiti siya rito upang mapanatag ito.

"Oh siya, mag iingat kayo sa daan." Pagsuko ng ginang.

Akay-akay niya si Ziejan habang papasok sa loob ng bahay nito hindi naman ito nagpapabigat kaya hindi na nahirapan si Bella na akayin ang binata.

"I love you, you love me~" Muli na naman kanta nito, kanina pa ito kumakanta habang sila ay nasa byahe pauwi.
"We're a happy family~
With a great big hug~" Patuloy nito sa pagkanta habang naglalakad sila paakyat ng hagdan. Nabigla siya ng bigla siya nitong yakapin. "And a kiss from me to you~
Won't you say you love me too?~" Patuloy nito sa pagkanta habang mataman na nakatitig sa kaniyang mata.

Parang tumigil ang lahat walang ibang makita si Bella kundi ang tanging mata lamang nitong parang inaakit siya.

"Ma—nong..." Usal niya ng unti-unti nitong inalapit ang mukha sa kaniyang mukha.

"I want to kiss you. I want to taste the sweet lips of yours, my Bella. Can I?" 

Hindi niya sinagot ito sa halip ay kusa niyang ipinikit ang kaniyang mata dahilan upang malaya nitong ilapat sa kaniyang labi ang sarili nitong labi. Masuyo siyang hinalikan ni Ziejan mainit at malambot ang labi ng binata, sa malamig na gabi ninamnam ni Bella ang init ng halik na ibinibigay sa kaniya ni Ziejan.

VOTES | COMMENTS | FOLLOW

Sa mga gustong mag avail ng FORBIDDEN PLEASURE  (150 php) mode of payment GCASH message lang po sa email account ko ✉️ missgalacia@gmail.com or comment here. Mas mainam
Kung mag private message po
Kayo sakin. 🥰

AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon