02

1K 9 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas ng lumuwas ng manila si Ziejan pero hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan ang dalaga. Pati sa panaginip ay dinadalaw siya nito kaya ilang gabi na rin siyang walang tamang tulog.

Pati sa pangbababae wala na rin siyang gana nariyan pa't nasa gitna siya ng pakikipagt*lik ay biglang lilitaw sa kaniyang balintataw ang maamong mukha ng dalaga na gigising sa nag-iinit niyang katawan at bigla na lang siyang parang binuhusan ng malamig na tubig at iiwan ang kaniyang kanaig.

"It's Miracle Serrano. You don't have a woman today." He heard Lexus say to him.

Nasa pag-aari nitong bar silang magkakaibigan, sabado ngayon at linggo ang sunod na araw at halos silang lahat ay walang mga trabaho kaya malalakas ang loob nilang magpakalasing.

"My pet just doesn't want to be hardened now." He replied before sniffing the wine he was holding.

May katotohanan ang kaniyang sinabi hindi talaga tumatayo ang kaniyang alaga kahit sandamakmak na ng babae ang lumalapit sa kaniya.

Pero kapag naiisip naman niya ang dalagang may magandang boses at maamong mukha ay wala pang isang minuto buhay na buhay na ata ang kaniyang pagkal*l*ke na labis na kinaiinis niya dahil ilang araw na rin niyang pinaliligaya ang sarili na hindi naman niya gawain noon.

"Maybe he's old, so that's why he can't stand up." wika ni Azael kahit na biro ang sinabi nito ay seryoso naman ang mukha nito kaya hindi nila alam kung tatawa ba sila o hindi.

"Tigilan ninyo si Serrano, that f*cker is going crazy with women." wika naman ni Ryu na kadarating lang at saka umupo sa tabi niya at inilapag sa harap niya ang hawak nitong brown envelope. "Because he's going to resign from being a womanizer." Ryu added.

Alam ni Ziejan ang laman ng envelope na 'yon dahil 'yon lang naman ang hinintay niya sa mga nagdaang araw ang mga impormasyon na patungkol sa dalaga. Ang babaeng ilang araw ng nagpapabaliw sa kaniya at magpa-hanggang ngayon. Kinuha niya agad 'yon at saka tinapunan ng tingin ang mga nakunot ang noo na mga kaibigan niya habang nakatingin sa kaniyang hawak.

"Thanks brother." saad ni Ziejan pagkakuha nito ng envelope na inilapag ni Ryu bago tumayo.

"Hey, where are you going?" Takhang tanong ni Caius sa kaniya pero hindi n'ya ito sinagot bagkus ay tumalikod na siya at saka kinaway ang isang kamay habang naglalakad palabas ng bar.

Nagmamadali si Bella sa pag-uwi dahil tanghali na at oras na ng pag-uwi ng kaniyang tiyuin at hindi nga siya nagkakamali dahil pagkapasok niya palang sa barong-barong nilang bahay ay nanlilisik na agad ang mata nito sa kaniya.

"Anong pagkain ito? Pagkain ng baboy?! Ang lata na nga ng sinaing mo sardinas pa ang ipapaulam mo sakin! Anong silbi ng panglilimos mo sa kalye kong hindi ka naman makakabili ng matinong pagkain!" Singhal nito.

"Pasenya na po tiyong ayan lang 'yon nagkasya sa napanlimosan ko."

"Wala ka talagang kwenta! Lintik na buhay ito!" Napatalon siya ng biglang ibato nito sa kaniya ang plato buti na lamang ay hindi siya natamaan.

At ng akmang babatuhin pa siya nito ng baso ay siya namang labas ng kwarto ng kaniyang tiyahin niyakap siya nito ng mahigpit na tila ba ay pinoprotektahan siya sa kaniyang tiyuin.

"Ano na naman ba ang problema mo sa bata at nagkakaganyan ka Emil?!" Singhal ng kaniyang tiyahin sa kaniyang tiyuin.

"Umalis ka d'yan Nileng walang silbi 'yan ampon mo!"

"Ikaw ang walang silbi uuwi ka na lang para kumain wala kanang ginawa kung hindi ang uminom at magsugal!"

Mas lalong nanlisik ang mata ng kaniyang tiyuin dahil sa galit ay pwersahang kinalas nito ang pagkakayakap sa kaniya ng tiyahin. Bumagsak ito sa lapag at nakita niya pang humampas ang kaawa-awa nitong katawan sa dingding ng kanilang barong-barong na bahay.

"Tiyang!" Dadaluhan na niya sana ito ng bigla siyang hablutin ng kaniyang tiyuin sa kamay at pinaghahataw siya ng hawak nitong sandok.

Lahat ng hataw nito ay kaniya lamang sinasalag gamit ang kaniyang braso at kamay habang nakatingin sa kaawa-awang tiyahin na nanghihinang na nakasalampak sa lapag. Gusto niya man itong daluhan ay hindi niya magawa rinig niya rin ang mahinang sigaw nito na pinapatigil ang asawa sa pananakit sa kaniya.

Wala siyang maramdaman kahit na anong sakit sa balat manhid na ang kaniyang katawan dahil wala namang araw na hindi siya nasasaktan ng tiyuin dahil tuwing makikita ata siya nito ay palagi nalang itong galit sa kaniya. Nakita niya ang unti-unting pagtayo ng tiyahin at lumapit sa likod ng kaniyang tiyuin para ito ay patigilin sa pagpapalo sa kaniya.

"Tama na! Maawa ka sa bata!" Pagmamakaawa nito sa asawa pero malakas lang nitong itinulak ang ginang kaya napasadsad ito muli sa lapag at tumama ang ulo sa kanilang lamesa na gawa sa kahoy.

"Tiyang!" Mabilis siyang tumakbo palapit sa ginang habang pumapalahaw ng iyak.

Nahihinakutan siyang tumingin sa tiyuin ng makitang may dugo ang ulo ng tiyahin nakapikit din ang mata nito.

"Tiyong dalhin natin si tiyang sa ospital." palahaw niya.

"Umalis ka nga d'yan malas kang bata ka!" Singhal nito sa kaniya at saka siya itinulak palayo sa kaniyang tiyain.

Mabilis nitong binuhat ang asawa palabas ng kanilang barong-barong wala siyang ibang nagawa kung hindi ang pumalahaw ng iyak habang sinusundan ng tingin ang papalayong tiyuhin na buhat-buhat ang kaniyang tiyahin.

Ilang oras na ang nakakalipas ng isugod ng kaniyang tiyuhin sa malapit na ospital ang kaniyang tiyahin pero magtatakip silim na ay wala pa rin siyang balita kung ano ang nangyari sa kaniyang tiyang.

Masakit na rin ang kaniyang lalamunan dahil kanina pa siya umiiyak sa pag-aalala para sa tiyahin. Hindi na rin niya maimulat ang mata dahil namaga na rin ito dahil sa kaniyang matagal na pag iyak.

"Ikaw na bata ka malas kang talaga sa buhay!" Napatalon sa gulat si Bella ng biglang pumasok sa maliit nilang bahay ang kaniyang tiyuhin na may nanlilisik na mata dahil sa galit basa rin ang mata nito dahil sa luha.

"Tiyong..." Kinakabahan niyang saad.

Lumapit ito sa kaniya at saka hinablot ang kaniyang braso hinila siya nito palabas ng kanilang bahay at pabalyang binitawan 'yon ng makalabas na sila ng bahay.

"Lumayas ka dito! Nang dahil sayo namatay ang tiyahin mo! Nang dahil sayo nawala ang asawa ko! Huwag kanang babalik dito malas ka!" Singhal nito at saka pabalibag na sinaraduhan siya ng pinto.

Masaganang bumuhos ang kaniyang luha sa nalamang iniwan na rin siya ng kaniyang tiyahin katulad ng kaniyang tunay na mga magulang.


FOLLOW | COMMENT| VOTE

AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon