Napakislot si Bella ng biglang may matigas na mga brasong pumalibot sa kaniyang bewang, amoy palang nito ay familiar na sa kaniya. Siya lang ang nasa kusina siya kasi ang naatasang maghain ng dinner ng mga amo. Nanigas si Bella ng lumapat ang ilong nito sa kaniyang leeg at sinamyo ang kaniyang amoy.
"My Bella If I tell you that I want to take you to Sta. Inez, the place where I live, will you come with me, my Bella?" Tanong ng binata.
Hindi niya alam kong ano ang isasagot dito, dahil walang pumasok sa isip niya kundi ang yapos na naman siya nito. Nawawala siya sa sarili sa tuwing nalalapit ito sa kaniya ganoon din ang puso niya na parang gustong kumawala sa kaniyang dibdib. Malakas niya itong itinulak palayo sa kaniya ng makarinig sila ng yabag na papalapit sa kinaroroonan nila. Awang ang labi ni Ziejan na nakatingin sa kaniya, hindi makapaniwala sa ginawang pagtulak ng dalaga dito napakagat sa labi si Bella ng magtiim ang bagang nito animo'y pinipigilan na singhalan siya.
Hindi niya gustong itulak ito palayo sa kaniya, gustong-gusto niya ang init ng katawan nitong pumapalibot sa buo niyang katawan ngunit ayaw niya lamang na may makakita sa kanila. Ayaw niya madumihan ang kaniyang imahe hindi niya kontrolado ang bawat isip ng mga tao sa mundong ito hindi mawawala ang mapanghusga tao.
Sa bawat galaw ni Bella ay nakasunod lamang ang mata ni Ziejan sa kaniya na labis na ikinababahala ng dalaga, dahil hindi niya mapakalma ang kaniyang puso. At ng baso na nito mismo ang kaniyang lalagyan ng tubig mas lalong kumabog ang kaniyang dibdib.
"Are you okay, ihja?" Tanong ng ina ng binata.
"Okay lang po ako ma'am." tugon niya sinamahan niya pa 'yon ng ngiti.
"Mom, dad, I will bring Bella with me to Sta. Inez." Ani ng binata sa kaniyang gilid kaya napatingin siya kay Ziejan dahilan para magtama ang kanilang mata.
Nababasa niya sa mga mata ni Ziejan ang determinasyon na isama siya.
"Okay lang ba sayo ihja? Gusto ko rin sanang sumama ka sa anak ko para may mag update sa'kin sa mga pinaggagawa ng batang 'yan." Tumingin sa kaniya ang ginang at nababasa niya sa mata nito ang pasusumamo, napahinga siya ng malalim dahil hindi siya nakakahindi sa ginang lalo na't malaki ang utang na loob niya rito.
Napasinghap si Bella ng ipalibot ng binata sa maliit niyang bewang ang isang braso nito.
"Sasama si Bella, mommy.. diba Bella?" Pinisil nito ng bahagya ang kaniyang tagiliran dahilan kong bakit napahigpit ang hawak niya sa hawak niyang pitsel.
"O-opo." Ngumiti ang ginang samantala napangisi naman ang katabi niyang binata.
"Kailan ang alis niyo Ziejan?" Tanong ng mama nito.
"Bukas, mom." Nanigas si Bella sa narinig hindi niya akalain na ganoon kabilis ang alis nila ng binata.
"Hindi ka dito mag babagong taon? Akala ko pa naman andito ka sa bagong taon." May bahid ng lungkot ang tinig ng ginang ng sabihin 'yon.
"Mom.. alam niyo naman na hindi ako pwedeng mawala ng matagal sa farm." Tugon ng binata sa ina nito habang masuyong hinahaplos ang gilid ng bewang niya. Naka yapos pa rin kasi ang braso ni Ziejan sa kaniya kaya hindi siya makalayo sa binata, nakakaunawang tumango naman ang ginang. Na hindi ata napapansin ang ginagawa ng anak sa paghaplos sa kaniyang tagiliran.
Dala-dala ang mga plastic ng basura ng makasalubong ni Bella si Caloy ang hardenero sa mansyon ng mga Serrano matanda lamang ito ng tatlong taon sa kaniya.
"Bella..totoo ba ang narinig ko na isasama ka ni sir Ziejan sa Sta. Inez?" May lungkot na mababakas sa mga mata nito, alam niyang may pagtingin sa kaniya si Caloy pero maaga palang ay sinabi na niya dito na wala siyang panahon para makipag relasyon. Naintidihan naman ng binata 'yon at ayos lang dito ang maging mag kaibigan sila, mabait si Caloy at palaging nakangiti at higit sa lahat napakagaan ng awra nito kaya mabilis niyang nakagaanan ng loob ang binata.
"Oo, Caloy." Malungkot niyang tugon, kahit siya ay nalulungkot din dahil mapapalayo siya sa mga tao sa mansyon na naging mabait sa kaniya at pamilya ang turing sa kaniya.
Huminga ito ng malalim at nakita niyang mas lalong nalungkot ang mata nito. Mas lalo siyang nalungkot ng maalala na bukas agad ang alis nila ni Ziejan gusto pa man din niyang makasama ng matagal bago umalis ang mga mahahalagang tao sa kaniya sa mansyon ng mga Serrano.
"Mag iingat ka do'n Bella." Ngumiti ito sa kaniya pero hindi 'yon umabot sa mata nito.
Tumango si Bella rito pagkatapos ilapag ang hawak na mga basura sa basurahan ay wala sa sariling niyakap niya ang binata nanigas ito tila hindi inaasahan ang kaniyang ginawa. At ng matauhan ito ay tumikhim ang binata at saka niyakap din siya pabalik. Napaiyak siya dahil sa lungkot dahil isipin niya palang na aalis siya at iiwan ang mga tao sa mansyon na napamahal na sa kaniya sa maikling araw na nakasama niya ang mga ito ay sobra na siyang nalulungkot.
"Oh, Bella huwag ka na malungkot sigurado naman ako na bibisita muli dito si Sir Ziejan at sigurado ako isasama ka no'n kaya makikita mo ulit sina nanay Laida at ang iba pa." Alo nito sa kaniya ang mga kamay nito ay humahaplos sa likod niya animo'y pinapakalma siya.
"Hindi ko lang maiwasan ang malungkot Caloy." Aniyang sumisinok-sinok.
"Huwag kanang umiyak.. tahan na."
Ngunit agad silang naghiwalay ni Caloy ng makarinig ng pagtikhim mula sa kaniyang likuran halos lumabas ang puso ni Bella sa kaba ng magtama ang mata nila ni Ziejan. Galit ang mga mata nito at nakatiim ang bagang nakita niya rin na nakakuyom ang kamao ng binata. Napangiwi siya ng hinaklit nito ang kaniyang braso palapit sa katawan nito.
"Bakit nasa labas ka pa? Maaga tayong aalis bukas pumasok ka na sa kwarto mo at matulog " Anito habang nakatiim ang bagang at nagbabaga sa galit ang mata. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa binata, at kinalas ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso at saka mabilis na nagtungo sa kaniyang kwarto.
At saka lamang nakahinga si Bella ng maluwang ng tulyan siyang makapasok sa sariling silid, matapos niya i-lock ang pinto nagtungo siya sa banyo upang maglinis ng katawan. At ng matapos siya ay nahiga agad siya sa kaniyang higaan mabilis siyang nakatulog at laking pasasalamat niya ng hindi siya nanagip tulad ng mga nag daang araw.
VOTES | COMMENTS | FOLLOW
Sa mga gustong mag avail ng FORBIDDEN PLEASURE (150 php) mode of payment GCASH message lang po sa email account ko ✉️ missgalacia@gmail.com or comment here. Mas mainam
Kung mag private message po
Kayo sakin. 🥰

BINABASA MO ANG
AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTION
Ficção GeralBella Guevarra is a simple girl with a good heart. She loves her untie very much, so even when she sang in the street, she did it for her untie. She was a complete orphan and did not know her parents because they had died when she was a baby. When h...