Mahinang tapik sa pisngi ang nakapag pagising kay Bella, pagmulat ng kaniyang mata mukha agad ni Ziejan ang bumungad sa kaniya.
"Naadito na tayo." Maikling anito bago lumabas ng sasakyan nito, simula kaninang umalis sila sa mansyon malamig na ang pakikitungo ng binata sa kaniya at hindi niya alam kong ano ang problema nito.
Mabilis niyang inaayos ang sarili at saka lumabas na rin ng sasakyan, sariwang hangin ang sumalubong sa kaniya pagkalabas niya sa sasakyan ni Ziejan. Madaling araw palang kanina ng magsimula silang mag byahe kaya hindi niya rin maiwasan na makatulog sa byahe dahil sobrang aga niyang gumising.
Sa hindi kalayuan ay natatanaw ni Bella ang isang bahay, ang bawat dingding ay salamin pero napaka ganda ng itsura nito. Halatang mamahalin ang mga ginamit na materyales sa paggawa, dalawang palapag 'yon alam ni Bella sa loob ng bahay ay malawak ang loob no'n. Pumasok do'n ang binata kaya sumunod siya rito natatakot pa siyang umakyat sa may di kataasang hagdan nito kaya mas nauna sa kaniya si Ziejan dahil sa bagal niyang umakyat.
"Oh, ihjo narito ka na pala." Sinalubong sila ng isang may katandaang babae.
"Kadarating lang ho, nanang Minda." Lumingon sa kaniya si Ziejan kaya napatingin rin sa kaniya ang kausap nitong matanda na sumalubong sa kanila.
"Siya ba ang sinasabi mong kasama mo pagbalik dito ihjo?"
"Opo nanang... siya si Bella." Pagpapakilala sa kaniya ni Ziejan sa matanda. " At Bella siya naman si nanang Minda katiwala ko dito." Pagpapakilala naman nito sa matanda, ngumiti siya sa matanda at nagmano.
"Magandang umaga po nanang Minda, kinagagalak ko po kayong makilala." Magalang na aniya sa matanda.
"Napakaganda naman ng nobya mo anak at napaka bait pang bata." Namula si Bella sa sinabi ng matanda habang ang binata naman ay ngumisi.
"Hindi po ak---" Pinutol ni Ziejan ang dapat na ililinaw niya sa ginang.
"Pipili po ba ako ng panget? Syempre gwapo ako dapat maganda ang nobya ko para bagay kami." May pagmamayabang na anito, sabay na natawa ang matanda at ito, ang kaninang malamig na pakikitungo nito sa kaniya ay napalitan.
Napalunok si Bella ng hapitin ni Ziejan ang kaniyang bewang palapit sa katawan nito, at ng akmang lalayo siya rito mas lalo naman nitong hinigpitan ang pagkakahapit sa kaniya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang ito sa gusto nito.
"Oh siya magpahinga na muna kayo at tatawagin ko na lamang kayo pag tapos na ako magluto." Paalam ng matanda sa kanila kaya sila na lamang ni Ziejan ang naiwan sa sala.
Inihatid siya ng binata sa magiging kwarto niya na katabi lamang ng kwarto nito.
"Take a rest, my Bella." Hinalikan muna nito ang kaniyang noo dahilan para mapapikit siya bago ito pumasok sa sarili nitong kwarto.
Pababa si Bella ng hagdan ng masalubong niya si nanang Minda may dala-dala itong basktet na naglalaman ng malilinis na damit.
"Gising kana pala ihja, hindi kana pinagising ni Ziejan kanina dahil nagpapahinga ka daw."
"Ganoon po ba, nasaan po pala si manong?" Tukoy niya kay Ziejan hindi niya alam kung bakit 'yon ang tawag niya sa binata siguro'y nasanay lamang siya. Sa kanilang lugar kasi kapag mas matanda sayo ay kalimitan ang tawag ay manong o manang.
"Si Ziejan ba ihja?" Nahihiyang tumango siya sa ginang.
"Nasa labas kausap si Megan." Sagot ng matanda.
Hindi niya alam kung bakit parang may kirot siyang nadama banda sa kaniyang dibdib ng malaman na babae ang kausap ng binata. "Ngugutom kana ba ihja? Hintayin mo ako at ipaghahain kita iaakyat ko lamang ito sa kwarto ni Ziejan." Tukoy nito sa hawak.
Nakangiting umiling si Bella sa matanda kaya naman niyang ipaghain ang kaniyang sarili lalo pa't alam niya ng pagod na ito. At hindi rin naman siya naiiba rito dahil kaya nga siya isinama ng binata ay para manilbihan din katulad nito.
"Kaya ko na po nanang, magpahinga na lamang po kayo." Nakangiti itong nagpaalam sa kaniya at siya naman ay tumuloy na ng kusina dahil kumakalam na talaga ang kaniyang tiyan sa gutom.
Pero bago pa man siya makapunta sa kusina ay nadaanan niya ang sala at mula sa dingding na gawa sa salamin kita niya ang binata na may kausap na magandang babae sa labas. Nakadama si Bella ng inggit ng makitang nakangiti ang mga ito sa isat-isa, kung titingnan ay bagay na bagay talaga ang dalawa. Maganda ang babae halatang may pinag aralan ito hindi katulad niya na high school lamang ang natapos.
Parang nawalan siya ng ganang kumain dahil sa nasaksihang eksena agad niyang iniwas ang paningin ng masuyong hinawakan ng binata ang mukha ng babae. Bagsak ang kaniyang mga balikat na nagtungo sa kusina at walang kabuhay-buhay na pinaghain ang sarili. Nakita ni Bella na may pagkaing nakatakip sa lamesa tinaggal niya ang takip no'n at nakita na kanin 'yon at daing may kamatis din na hiniwa na may toyo. Ang kaninang gutom na kaniyang nadarama ay biglang bumalik natakam siya bigla sa pagkaing nakahain sa kaniyang harapan.
Mabilis siyang naghugas ng kamay at umupo sa hapag, magkakamay na lamang siya sabi nga ng matatanda masarap kumain ng naka-kamay. Kukuhanin na sana ni Bella ang sandok para kumuha ng kanin ng may maunang kumuha no'n. Napatingala siya dito nagtama ang mata nila ni Ziejan mabilis siyang yumuko ng maalala ang eksenang nadatnan niya kanina lamang. Ito mismo ang naglagay ng kanin sa pinggan niya at pagkatapos ay umupo ito sa kaniyang harap na balak pa ata ay panuorin siyang kumain. Hindi ito pinansin ni Bella ng magsimula siyang kumain tahimik lang naman itong pinapanuod ang bawat galaw niya.
"D*mn it!" Napakislot siya ng bigla itong magmura, padabog na umalis ito sa kaniyang harapan at iniwan siya sa kusina, nakasalubong pa nito si nanang Minda na papasok naman sa kusina.
Ng tuluyan makalabas ang binata ay siya naman pagtanong sa kaniya ni nanang Minda.
"Bakit nakakunot ang noo ng batang iyon? Nag-away ba kayo ihja?"
"Hindi po, nanang." Nakayukong tugon niya.
"Ay! ba'ka nagka aberya na naman sa pinyahan kaya mainit ang ulo ng batang 'yon." Anito at saka sinimulan ligpitin ang kaniyang pinagkaininan ng makitang tapos na siyang kumain.
Sinubukan ni Bella pa itong pigilan at siya na ang mag liligpit at maghuhugas no'n, hindi naman ito pumayag. Kaya bagsak ang kaniyang balikat na nagtungo sa sala ng bahay at inabala na lang ang sarili sa panunuod ng televesyon.
VOTES | COMMENTS | FOLLOW
Sa mga gustong mag avail ng FORBIDDEN PLEASURE (150 php) mode of payment GCASH message lang po sa email account ko ✉️ missgalacia@gmail.com or comment here. Mas mainam
Kung mag private message po
Kayo sakin. 🥰
BINABASA MO ANG
AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTION
Ficción GeneralBella Guevarra is a simple girl with a good heart. She loves her untie very much, so even when she sang in the street, she did it for her untie. She was a complete orphan and did not know her parents because they had died when she was a baby. When h...