"Umalis ka nga sa harap ng tindahan ko! Kaya walang bumibili dahil sayo!" Singhal ng Ale kay Bella.
Halos dalawang linggo na rin na pakalat-kalat si Bella sa kalsada, sa kalsada na rin siya natutulog tulad ng iba na sa lansangan na rin natutulog dahil walang mga sariling bahay.
Hindi na muli siyang pinabalik ng kaniyang tiyuhin sa kanilang bahay. Kahit ang sumilip sa nakahimlay niyang tiyahin ay hindi nito pinagkaloob sa kaniya na labis niyang kinalungkot, at matapos din madala ang tiyahiin sa huli nitong hantungan ay sinira ng kaniyang tiyuhin ang barong-barong nilang bahay bago umalis sa lugar na 'yon.
Wala naman siyang ibang kamag anak na kukopkop sa kaniya tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kilala niyang kamag anak. Kaya kung saan-saan na lang siya natutulog kung saan abotin ng takim silim sa lansangan.
Naluluha na lamang si Bella na umalis at hindi na hinintay pang pagbuhatan pa siya ng Ale ng kamay. Napahawak siya sa kaniyang sikmura ng maramdaman ang paghapdi no'n, dalawang araw na wala pang laman ang kaniyang tiyan tanging tubig lamang kung pinapalad siya na makapulot ng bote ng mineral water na may laman pa.
Nabuhayan siya ng loob ng makakita siya ng basurahan mula sa kabilang kalsada, kailangan niya pang tumawid para makapunta do'n. At ang tanging dasal lamang ni Bella ay sana mayroon do'n na pwede niyang makain para maibsan ang kumakalam niyang sikmura.
Nanghihinang tumawid siya sa malawak na kalsada upang makarating sa kabilang kalsada kung nasaan ang mga sako-sakong basurang nakatambak. Kahit na ramdam niya ang hilo dahil sa labis na gutom ay hindi niya ininda pero hindi pa man siya nakaka-kalahati sa pagtawid ay siya naman rinig niyang busina galing mula sa itim na magarang kotse. Hindi na niya nakayanang ang nararamdamang hilo kusang pumikit ang kaniyang mata at napasalampak sa simento ang kaniyang katawan.
Hindi familiar na kwarto ang bumungad kay Bella pagmulat ng kaniyang mata pagbangon niya ng higaan ay siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto na kaniyang kinaroroonan. Bumungad sa kaniya ang isang ginang na napakaganda kahit na may edad na, may mabait na ngiting nakapaskil sa labi nito habang nakatingin ito sa kaniya.
"Mabuti't gising ka na, kamusta na ang pakiramdam mo?" Anito ng makalapit sa kaniyang kinaroroonan.
"Mabuti naman po, nasaan po ako?" Nagtatakang inikot niya ang kaniyang paningin sa buong silid.
"Dito kita dinala sa bahay no'ng bigla ka mawalan ng malay sobra-sobra ang takot ko ng bigla kang bumagsak ang akala ko nabunggo kana ng driver namin." Nabasa niya sa mga mata nito ang labis na pag aalala.
"Pasensya na po, wala pa kasi ho akong kain mag mula kahapon." Aniya at nahihiyang yumuko ng biglang tumunog ang kaniyang kumakalam na sikmura at sigurado siyang narinig ng ginang 'yon.
"Oh god! Bakit naman hindi ka kumain ihja?! Nasaan ba ang mga magulang mo? At pinababayaan kang magutom." May inis na mababakas sa boses ng ginang, Malungkot na tumunghay siya sa ginang.
"Wala na po akong magulang, naiwan ako sa tiyahin ko pero wala na rin po siya kamakailan lamang ay pumanaw na. At ang tiyong ko naman po ay pinalayas ako at iniwanan din kaya kung saan-saan na lamang ako natutulog sa lansangan." Napatakip ito sa bibig na tila ba'y hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa kaniya, ikinuwento niya ang lahat-lahat habang umiiyak at hindi ito nag dalawang isip na ikulong siya sa bisig nito na matagal niya ng hinahanap-hanap. Bisig ng ina na matagal na niyang inaasam-asam.
"Tahan na ihja." Sinapo nito ang kaniyang mukha at pinunasan ang mga luhang nalaglag sa kaniyang mata. "Pwede ka dito mag stay kung wala kang mapuntahan." anito pagkatapos niyang tumahan.
Para naman tumalon ang puso ni Bella dahil sa labis na galak dahil sa narinig mula sa ginang.
"Talaga po?! Maraming salamat po ma'am pangako po hindi ako pabigat marunong po ako sa mga gawain bahay."
Natatawang tumango ito at bahagya pang ginulo ang buhok niya.
Dalawang araw na ang nakalilipas ng mapunta si Bella sa mansyon ng mga Serrano, at kinabukasan ay pasko na. Unang pasko niya rin magse-celebrate ng nag iisa, na wala ang kaniyang tiyang.
"Bella, anak tapos niyo na ba ayusin ang mga lamesa sa garden?" Tanong ni manang Laida ang pinaka matandang naninilbihan sa mga Serrano.
"Opo nanay Laida." Magalang niyang tugon.
Tulad ng matanda ay naninilbihan na rin siya sa mga Serrano bilang kapalit ng pagtira niya sa mansiyon. Ayaw pa nga pumayag ni mrs. Serrano ang ginang na tumulong sa kaniya pero napilit niya ito dahil ayaw naman niyang tumira sa mansyon ng libre lamang.
"Oh, ito ihja ilagay mo na itong sapin-sapin sa lamesa." Abot nito ng isang bilao ng malagkit na kakanin sa kaniya.
Nakangiting inabot naman ni Bella 'yon at agad na nagtungo sa malawak na garden. Uuwi kasi ang nag iisang anak ng kaniyang mga amo, minsan lang daw ito magawi sa mansyon kaya sa tuwing naiibigan nitong umuwi ay magarbo talaga ang salubong nila dito.
Busy si Bella sa pag aayos ng mga pagkain sa lamesa ng may biglang nagsalita sa kaniyang likuran.
"Hey miss.."
Dahilan ng kaniyang pagka gulat, sa gulat niya'y nawalan siya ng balanse at napapikit na lang ang kaniyang mata nang maramdaman niyang babagsak na siya. Ngunit bago pa man siya bumagsak ay may matigas ng braso ang sumalo sa kaniyang katawan, unti-unti niyang iminulat ang mata at sa pag mulat niya bumungad sa kaniya ang isang pares din ng mata na nakatunghay sa kaniya nakaawang ang labi nito habang nakatunghay sa kaniya.
"Tang*na! Baby, are you okay?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala.
Ang kaninang namamanghang matang nakatunghay sa kaniya ay napalitan ng sari-sari emosyon, at ang nakaawang nitong labi at nakatiim bagang.
"Ayos lang po ako manong." Nahihiyang tugon niya matapos makatayo ng maayos at makawala sa bisig nito.
"What the f*ck?!" Napatalon siya sa gulat ng sumigaw ito.
At halos tumakbo na siya palayo rito ng makita ang galit na mga mata nito na nakatingin sa kaniya.
"Ziejan!" Napalingon silang pareho sa nagsalita, palapit sa kanila si Mrs. Serrano ang ginang na tumulong sa kaniya.
"Hey Mom.. Aray!" Daing ng lalake na tinawag na Ziejan ni Mrs. Serrano ng pingotin ng ginang ang kaniyang tainga.
"Bakit mo sinigawan si Bella?! Kauuwi mo lang demonyo ka na agad na bata ka!"
"Aww! It's hurt Mom."
"Huwag mo sinisigawan si Bella malilintikan ka talaga saakin na bata ka." Ani ng ina bago bitawan ang tainga ni Ziejan.
Gustong matawa ni Bella ng makitang nakasimangot ang binata habang hinihimas ang nasaktan nitong tainga.
FOLLOW | COMMENT| VOTE
BINABASA MO ANG
AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTION
General FictionBella Guevarra is a simple girl with a good heart. She loves her untie very much, so even when she sang in the street, she did it for her untie. She was a complete orphan and did not know her parents because they had died when she was a baby. When h...